Chapter 27

8.1K 120 18
                                    

MATTHEW ANDERSON ON THE MULTIMEDIA



"Oh! Mr. Anderson! It's good to see you again, it's been a while," the man said.

"Yeah, it's good to see you, too. So, uhm, did I answer all your questions? Can I have my wife now all by myself?" Matt said in his serious tone. He dragged me away from that businessman. Now, we're in the garden.

I slapped his arm. "Ano yun ha?!"

He sighed then looked at me, more like.. stared at me. "Penelope Mae, we're still married. I didn't sign those goddamn divorce papers. Ayaw ko," he said in gritted teeth.

"Matt, can you stop your nonsense? Hindi na ako babalik sayo, okay? Why can't you understand tha–"

"Because I can't accept it! Oo, tangina! Naging gago ako. Blame me! Pero you cannot judge my choices without knowing my real reasons! Hindi ko pinapaalam sayo lahat kasi pucha, Penelope! Ayaw ko nang mamoblema ka!" He frustratedly ruffled his hair. Those hair I used to touch..

"What reasons, Matt? Magdadahilan ka pa sa mga pangloloko mo ha?!" I snapped.

"Look, Penny–" his phone suddenly rang. Narinig kong mahina siyang nagmura at sinagot iyon. Sino yun? Babae niya?! Nanaman? Kailan pa ba siya mauubusan nang babae? Kulang nalang pati poste eh tirahin niya! Nakakabanas.

Hindi ko na narinig ang usapan dahil bahagya itong lumayo at bumubulong. Hindi ko alam bakit hindi ako umaalis sa pwesto ko when I have all the time to just walk out and escape him. Natapos ang call niya at may tinawagan nanaman siyang bago. Nanggagalaiti ako sa galit. Hindi ko alam bakit. Ano? Panibagong babae niya nanaman?!

Lumapit ako sa pwesto niya.

"Yes, please. I need you.." He said in a serious voice. I grabbed his phone and ended the call. Hindi ko na napansin sino yung katawagan niya dahil naiinis ako.

"Ano?! May babae ka nanaman? Puro babae nalang inaatupag mo kaya ka iniiwan ng asawa!" Hinihingal kong pang-aakusa.

"Penny, love.." Tila nahihirapan siyang sabihin sa akin ang nangyayari. Pwes, alam ko naman eh.

"Don't you dare call me that!" I said.

"We need to get out of here, now. Let's go home baby.." he said na tila nagmamakaawa.

"No in the hell way na sasama ako sayo! Ha! You think I will? In your wildest dreams, Matt!" I shouted.

He sighed. "Sorry baby.." then nalaman ko nalang may itinakip siyang panyo at nang maamoy ko yon ay lumalabo ang paningin ko hanggang sa nawalan na ako nang malay.

Isang liwanag ang bumungad sa akin nang binuksan ko ang aking mga mata. Nasaan ako? Puro puti lang nakikita ko. Puting kama, kurtina at yung kumot ko. Nasa heaven ba ako? Parang isang paraiso yung lugar na ito, eh. Hindi ba kinidnap ako ni.. Matt!? Bakit dito ako napunta? Hindi kaya hindi ko kinaya yung pinaamoy niya saking drugs kaya ako nadeds? Ang mga anak ko! Hinahanap kaya nila ako?

Pumunta ako sa veranda at nakita kong nasa isang island ako. I looked down at my clothes at nakasuot na ako nang pantulog yung night gown? At aba ang ikli pa! Hindi kaya? Matt took advantage of me? Napahawak ako sa sarili ko. Wala namang masakit? Oh so baka walang nangyari.

Napabuntong-hininga ako. Nasaan si Matt? Bakit wala siya? Iniwan niya ba ako dito? Eh kung tumakas kaya ako?

Tumingin ako sa baba. Kaya ko kayang talunin ito? Hindi ba masakit?

"Hmm, kailangan kong makatakas.." Wala sa sarili kong sambit.

"You're not going away, babe," an arm wrapped around my waist and hugged me from behind. It was Matt. I know his perfume all too well. Hindi pa rin pala ito nagbabago. I smiled at that thought. Ang feelings niya lang naman sa akin ang nawala. Walang nagbago..

Pinilig ko ang ulo ko. I realized na ang mga anak ko! Naghihintay sila sa akin. Papaano si Kira? Si Nathan? Baka isipin ni Nathan na sinisisi ko siya kasi date ko siya tas wala siya sa tabi ko kung kailan kinakailangan!  So sinisisi mo nga, Penny? Hindi ko na alam. I just want to get out of here.

I removed his arms na nakayakap sakin. "I need to go home."

"You will, but not now. It's not safe.." he worriedly said. At kailan pa siya nagkaroon ng pake roon?

"And where do you think I'm safe? Dito? Sayo? Are you kidding me, Matthew? Stop this nonsense. I wanna go home. Someone's waiting for me," I said through gritted teeth.

Umigting ang panga niya. "No, it's not safe."

"Bakit ba nangengealam ka pa sa buhay ko ha?! Sino ka ba? You're my ex husband! Mark the word 'ex'. Tapos na tayo. Matagal na tayong wala kaya bakit ka ba habol nang habol? Kasi nakakabanas na, Matt! Hindi na ako natutuwa.." kasi nagkakaroon na ako ulit ng feelings sayo. Bumabalik nanaman! Pagod na pagod na ako. Gusto ko sanang isatinig iyon pero naisip kong huwag na. Ayoko nang umasa pang magbabago siya. I had enough.

"Penelope," his eyes are bloodshot. "Ayaw kong matakot ka.. Ayaw kong mamuhay ka nang delikado ang buhay mo. L-love.." his voice broked. Iniwas ko ang tingin ko. Hindi ko kayang makita siyang ganyan. Ang sakit rin, eh.

Pero nagtataka ako. Anong ibig niyang sabihin?

"W-what do you mean?" I stuttered.

Napaupo siya sa gilid ng kama at napahilamos sa mukha. "Naging gago ako. Alam ko naman yun. Pero, Pen, maniwala ka sa o hindi. Hindi ko gusto lahat nang ginagawa ko. Nagpakagago ako lalo. Naging selfish. Sa sobrang pag-iisip ko sa mga problema na alam kong madadamay ka.. nilalayo kita sa akin. I tried to replace you.. but none of them.. did. Love," he looked me into the eye. Tumulo iyong luha niya. "Mahal na mahal kita. Pero may mga taong gusto kang kunin sa akin. Ginagawa ka nilang tulay para makaharap ako. Para mapababa ang kompanya ko pati na rin ang sa pamilya mo. They are death threats everywhere. Late akong umuuwi sa bahay noon dahil alam kong sinusundan nila ako. Minsan nagdadala ako nang babae para hindi nila malamang andoon ka."

I was shocked. Natatandaan ko nang minsan akong lumabas ay may nararamdaman akong nakamasid sa akin. At bago pa lang kami ikinasal ay marami nang muntik akong maaksidente kaya na rin pinatigil niya akong magtrabaho. I didn't know everything was to protect me..

"Ang gago ko kasi nasaktan kita," he chuckled. "Nalabas ko pa yung galit ko sayo. Nawalan ako nang kontrol sa sarili ko. If you wanted a proof, ask my psychiatrist. He knows everything. Alam ko namang di mo na ako deserve, baby. Alam kong ayaw mo na. Don't worry, just please give me three days. Three days lang, Penelope, and after that, sure, I'll set you free. Aayusin ko ang problema na to. They're after you again, right now. Kaya kita idinala rito. This time, they're after the Calter Airlines. But don't worry.. mahuhuli ko sila. I know them already. Sila rin ang isa  sa mga traydor na nagnanakaw sa kompanya niyo para ipatumba. Pero nagawan ko yun nang paraan. They don't know na alam kong sila ang may kagagawan. Pero they're under me already. Alam na rin nang ibang huhuli sa kanila." He explained.

"Bakit ngayon mo lang to sinasabi?" Tears were already rolling down unto my cheeks.

"I was scared na baka pati ikaw mamoblema.. I was coward and a piece of immature. I'm sorry. Pero this time, I'll make things right. Kung ayaw mo na, hindi na kita pipilitin. Wala naman na akong magagawa," he weakly smiled. "Just please can you act like you still love me within those three days? Please?"

Wala ako sa sariling tumango. Matthew, I don't have to act.. at all..

Unfaithful HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon