Chapter 4

5.6K 84 3
                                    

Penelope's POV

"May kailangan ka ba?" malamig na pambungad niya. Ni hindi nga lumingon simula ng pagpasok ko. Nung nagsalita na ako, di pa rin niya iniangat ang tingin niya sa akin.

"Masama na bang bisitahin ka paminsan? Asawa naman kita, ah?" Painosenteng tanong ko.

"Can't you see? I'm busy." Aniya habang tingin ng tingin sa mga papeles niya.

'Can't you see? I'm hurt.' Gustong gusto kong sabihin pero may hiya pa naman ako sa katawan ko.

Lamunin mo na 'yang mga papeles mo. Kung 'di ko lang 'to mahal, naiwan ko na 'to sa ere noon pa man.

Sanay na rin kasi akong siya lang ang kinakasama sa lahat ng bagay. Sabi niya pa noon, para mamiss ko siya once na iiwanan ko siya kaya siya ganoon. Oh, eh nasaan na ngayon ang sinabi niya?

Walang paninindigan.

Baguhan ang puso ko sa ganitong klaseng eksena. Hindi naman kasi siya ganito sa akin noon.

"It's lunch time, Matt." Buntong hininga ko.

Tumingin siya sa relo niya. "I don't care. I need to finish this. I have a meeting at 1pm-4pm."

"It's still 12!" Giit ko.

"I don't care. Leave," Galit na sabi niya. My jaw dropped at that.

Bahagya akong ngumiti sa kanya kahit hindi naman siya nakatingin. Kung noon, sinasamahan niya pa ako sa labas para lang kumain..

Ngayon, wala na.

Huminga ako ng malalim at naghunos-dili. Ayokong umiyak sa harapan niya. Baka mas lalong aayawan niya ako pag nagkataon.

Lumabas ako ng opisina niya at nakita kong napatingin ang iilan sa akin. Bahagya ko silang nginitian. Malungkot na ngiti ang iginiwad nila pabalik.

Buti pa sila, nakakaramdam. Samantalang yung isa, wala ng pake sa akin. Walang tinira niisang pake. Siguro nasa mga babae niya na lahat.

Nakakalungkot isipin na yung taong nagpasaya sayo simula't umpisa. Siya din pala yung sisira sa'yo. Where's my sweet, caring and loving husband now?

Pumunta ako sa desk ng secretary niya. Babae niya rin kaya ito? Hays. Napaparanoid nanaman siguro ako.

"Hi po Mrs. Anderson! A-ano pong kailangan niyo?" Magalang na sabi niya. Mukhang hindi naman siya babae ng asawa ko.

Ano ba 'tong pinag-iisip ko?

"Can I see my husband's schedule for today?" I asked.

"S-sure po!" Aniya at binigay sa akin ang schedule niya.

So his out right now is 5:00pm? Okay, maaga naman pala, e. Pero ayoko na munang ipaghanda siya ng dinner. Nagsasayang lang ako ng effort.

Kakausapin ko siya mamaya. Hindi pwedeng ganito nalang. Gusto kong ayusin ang kung anumang gusot sa relasyon namin.

Napagdesisyunan kong pumunta kela Amanda sa ngayon. Para na rin bisitahin ang cute na cute kong inaanak.

Pero bago 'yon, bumili muna ako ng cake para sa kanya and fruits.

"Mommyy! Si Tita Mae nanditoo!" Masiglang sabi niya habang patingin tingin sa likod ko.

"Huh? Penny!!" Sigaw din ni Amanda na parang bata.

Mag-ina nga sila. Hindi lang sa kinis ng balat, pati sa tinis ng boses nila tuwing sumisigaw.

Napansin kong parang may inaantay si Ara sa likod ko. Anong meron?

"Ara? May hinahanap ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"Wala kang dalang foods." She said, pouting.

"Ayy, baby, wag ganyan. At lea–" I cut Amanda off.

"Aww baby, ang cute mo talaga. Sorry na, wala akong dala e." I told her and she pouted more.

"Syempre joke lang. Kailan ba wala akong dala para sayo?" I told her at kinindatan pa siya.

"Yeheeyyy!" Pumalakpak siya pero nagpout ulit. Ang gulo din nitong batang 'to ah?

"Oh bakit sad ka pa rin?" I asked her.

"May hinahanap yan." Singit ni Amanda.

"Where's tito Matty?" She pouted at bigla namang bumalik ang pag-iisip ko sa kanya.

"U-uh.." I was lost of words!

Hindi ko naman pwedeng sabihin na 'Baby Ara, I'm sorry but we cannot be together for now..'

For sure, masasaktan 'yon. She really admires me and Matt at all since she was what? 4 years old? I guess.

"Tito's busy. He's having an emergency meeting with old men now." Sabi ko dahil hindi niya naman maiintindihan kapag 'clients' ang sabihin ko.

Matalino si Ara but for age, 'di naman lahat alam niya.

"Amanda, kukunin ko lang yung food sa car. Nakalimutan ko talaga kunin, e." I gave her an apologetic smile. Tumango naman siya at malungkot na ngumiti sa akin.

Alam kong nag-aalala pa rin siya sa akin pero kaya ko naman na ang sarili ko. At least, that's what I thought or what.

Nag-usap kami ni Amanda tungkol sa ibang bagay. Naramdaman niya atang ayokong pag-usapan ang tungkol samin ni Matt.

Nang mga alas-otso na ay umuwi na ako. Nag-aya pa kasi si Ara na mag movie marathon sa akin. Ayaw niya rin akong paalisin nung magdidinner na sila.

"Oy, PennyPenelope! Bigay mo 'to kay Matt oh." Aniya habang inilahad sa akin ang isang bagay.

"What the fuck, Jerome!?" Inismiran ko siya at tumawa lang siya.

"Ay tama, di niyo na kailangan 'to!" Humalakhak siya at kinurot siya ni Amanda. Buti nalang wala si Ara ngayon dito dahil tulog na.

"Bye na Penny. 'Wag magpakatanga ah?" Makahulugang sabi ni Amanda.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"I mean, sa daan. You know, gabi na hehe." She nervously chuckled. Inirapan ko silang dalawa.

"Bye." Sabi ko at sumakay na sa sasakyan ko.

Sinunod ko naman ang bilin ni Amanda na 'wag magpakatanga sa daan.

Napabuntong hininga ako. Paniguradong pag-uwi ko, wala pa din naman siya. Pero sana talaga.. Sana makapag-usap na kami ng matino hindi yung tinatalikuran niya ako.

O 'di kaya'y tinataboy niya na parang kinamumuhian niya ako. Ganun kasi yung pakiramdam, e.

I sighed as I continued driving. Ano pa nga bang maaasahan ko sa kanya? Ilang buwan siyang mailap sa akin na akala ko'y wala lang 'yon.

Nang nakauwi na ako, tamad akong naglakad, habang hawak hawak ang bag ko, papuntang main door.

Pagpasok ko, hindi ko pinansin ang paligid. Siguro nakakain naman na si manang. Paakyat na sana ako nang may narinig akong malamig na boses na nagpatigil sa akin.

"Where were you?" He coldly asked.

At ngayon, may pake na siya? Sumigla naman ang puso ko sa ideyang iyon na pumasok sa isip ko.

Unfaithful HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon