Chapter 8

5.3K 78 1
                                    

Penelope's POV

Natapos ang meeting at umuwi na rin ang mga investors at board members. Kaya kami na lang ni Matt ang nandito ngayon sa meeting room. I heard him sighed.

"Umuwi ka na. May pupuntahan pa ako." He said then stormed out of the room.

Hindi niya man lang hinintay ang sagot ko. Sinundan ko siya ng tingin. Naiwan ang tingin ko sa glass made na pinto ng silid.

Pumikit ako ng mariin. Kinalma ko muna ang sarili bago tuluyang nilisan ang kwarto. Wala sa sarili akong naglalakad palabas ng kumpanya nina Matt.

Kailangan mo na masanay, Penelope. Bear with his cold treatment. Ang importante, nasa tabi mo pa rin si Matt. Hindi ka pa rin niya iniiwan. I assured myself.

I sighed. Yan na lang talaga ang pinanghahawakan ko ngayon. Hindi ko yata kakayanin kung iiwan niya 'ko.

In the end, I decided to go home, since late na rin. Nag-taxi na lang ako pauwi, hindi naman ako maihahatid ni Matt eh. Palagi na lang siyang may pupuntahan.
Pagod akong sumandal sa seat ng taxi. Pumikit ako at pinag-krus ang aking mga braso.

I'm tired, physically and emotionally. I just wanna rest and forget all my problems. Kailan kaya ako matatanggalan ng problema? Before I knew it, tears are already streaming down my face. Nakapikit pa rin ako at hindi pinansin ang mga luhang bumabaksak sa aking mga mata.

Matt, sa tuwing naiisip ko yung ginawa mo, nanghihina ako. I become weak and helpless. Hindi ko pa rin makalimutan yung ginawa mo nang gabing iyon. It's still fresh in my mind. Parang pelikula na nagple-play sa utak ko yung sinaryo na 'yun. Hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit mo nagawa 'yun. You love someone else now? Sino? Kilala ko ba siya? I want to know the girl who stole your heart from me. Kailangan ko muna siyang makilala bago ako tuluyang sumuko.

I opened my eyes at saktong andito na ako sa tapat ng subdivision namin. I told the driver na pumasok sa loob. Kilala naman ako ng guard rito. Nasa tapat na ako ng gate namin at binayaran ko na yung taxi. Pinahid ko ang mga luha sa aking mata at umayos ng tayo. I don't want Manang to see me miserable. Pinindot ko yung doorbell at lumabas agad si Manang habang may pot holder pa sa kamay.

"Oh, hija? Bakit ikaw lang? Asan si Matt?" Bungad ni Manang pagkapasok ko sa loob.
Tinanggal ko ang sandals ko at ibinalik sa lagayan. Hindi ko na kinaya at humiga na lang ako sa sofa. Mahaba naman 'to kaya okay lang. I closed my eyes and crossed-arms.

"May pupuntahan pa daw po siya, Manang. Kaya pinauwi na ako." I said. Nakapikit pa rin ako.

"Ah. Madalang ko na kayong nakikitang magkasama. May problema ba kayong dalawa, Penny?"

"Wala naman po, manang. Busy lang talaga siya." I replied.

"Nagugutom ka na ba? Malapit na 'to maluto." Awtomatikong napamulat ako.

"Ano pong niluluto niyo, manang?" I said. Kanina pa talaga ako nagugutom eh. Hindi lang ako maka-excuse kanina dun sa meeting.

"Pritong tilapia at adobong baboy. Pina-init ko rin yung natirang kare-kare. O siya, kumain ka na rito." Agad akong pumunta sa dining table. Parang mapaparami ako ng kain haha! Masarap pa naman magluto si manang. Nagsandok ako ng kanin at nagsalin ng ulam. Ganun rin ang ginawa ni manang.

"Penelope, hija. sigurado ka bang wala talaga kayong problema ni Matt?" Nag-aalalang sabi ni Manang. Ngumiti lang ako ng pilit.

"Wala po talaga, Manang. Okay kaming dalawa. Wag na ho kayo mag-isip, kumain na lang tayo. Masarap pa man din 'tong niluto niyo." Kahit nag-aalangan ay tumango na lang si Manang.

Alam kong may napapansin siya sa'ming dalawa ni Matt. But I chose not to tell her. Ang sa amin ni Matthew, ay sa amin lang. Problema namin 'to at hindi na kailangang ipagsabi sa iba.

Natapos na kaming kumain at nilagay na ni Manang sa lababo ang mga pinagkainan namin. Umakyat na ako sa taas at nag-good night kay Manang. Hayy.
Problema ko pa yung event bukas. I need to look ravishing tomorrow night. I don't wanna disappoint Matt's parents. And ofcourse, kailangan sa'kin lang ang atensyon ni Matt at hindi sa ibang babae. Napangisi ako sa naisip. Sana nga. I sighed and pulled the comforter. Binalot ko ang sarili ko sa comforter. Hindi naman ganun kalakas yung aircon pero nilalamig pa rin ako. I erased the thought and just went to sleep.

Unfaithful HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon