Chapter 33

6.6K 116 19
                                    

Penelope's POV

Nasa byahe na kami at dahil na rin sa pagod kahapon sa pag-impake at maaga kaming umalis ngayon, inantok ako. Masyado siyang excited kaya naman alas-kwatro palang ng umaga bumyahe na kami. Ang sabi niya'y pitong oras ang byahe kaya naman pumayag na ako. Pinag-awayan pa nga namin iyon.

"Wake up, baby, we have to get ready," Matt said while kissing my shoulders. He is hugging me from behind. Nakatalikod ako sa kanya at nakayakap naman siya sa likod ko. Ang dilim at ang lamp shade lang ang nakabukas na ilaw. Tiningnan ko naman ang orasan.

"H'wag kang magulo, 3 am palang. Masyado pang maaga. Let me sleep," I groaned.

"Eh? But, Pen—" I interrupted him with a "shh".

"Shush nga, Matt. Let me sleep now. I'm sleepy pa," inirapan ko siya.

"Ka—"

Magsasalita na siya kaso inunahan ko na. "Shhh, isa."

"Love, it's 7 hours away. Gusto mo bang gabi o hapon na tayo makarating roon? Paano natin masusulit yung panahon kasama sila? Na buo tayo?" Tanong nito. Nilingon ko ito.

"Wait? 7 hours away?" Kunot noong sambit ko. "Saang lupalop mo ba ako dinala ha?"

"We have to ride my yacht, baby. Tapos byabyahe pa through land," he said.

"Pano mo ko dinala dito?" I squinted my eyes at him.

"Helicopter," he nervously chuckled.

"Oh edi bakit hindi 'yon gamitin natin ngayon?" I asked.

"Hehe, ginamit ni Papa," kinamot niya ulo niya.

"We own an airline company, bakit hindi ka magpatawag ng private jet?" Tanong ko.

"Gusto kong makita yung sunrise with you," he weakly smiled.

"Ang arte mo, Matt!" Inirapan ko siya.

"Please?" He plead.

"Ayoko," ani ko.

"Dali na. Ngayon lang," pagpupumilit niya. Yung mukha niya ang lungkot lungkot. Naawa naman ako kaya pumayag na ako.

Naabutan nga namin ang sunrise at tuwang tuwa siyang kakapicture saamin dalawa at lagi pa akong hinahalikan. Napakaclingy nitong lalaking 'to. Hindi ko alam bakit ba minsan may pagkaisip bata rin ito. Mababaw lang ang kaligayahan niya. Just like how I used to know him. Maybe he didn't really change at all. Maybe, he was trying so hard to bury his true self just to protect me and kahit mali mali yung desisyon niya, mahal ko siya. Tanga man kung sabihin ng iba pero iba kasi talaga yung pinagsamahan namin kaya hindi nila ako masisisi bakit ako naging ganoon.

"Wake up, love. We're here," paggising niya saakin. Nagising naman ako at masyadong malapit ang mukha niya sa akin.

"Morning," he smirked and kissed my lips. I kissed him back and we pulled away.

"Tara na," I said. Nasa labas na kami ng bahay at nakita ko na pasilip silip si Anna sa bintana. Tinitingnan kung kami nga ba yun at naghihintay.

"Kinakabahan ako," biglang sambit ni Matt nang bababa na sana ako.

I looked at him and hold his hand. "Shh, you don't have to. I'm here, okay?"

He only nodded. Nauna siyang bumaba kaya naman si Anna at Theon ay tumakbo na palabas. Sumunod naman ang yaya nila. Matt opened the car door for me and doon na inopen ni Anna ang gate at tumakbo papunta saakin. Meanwhile, Theon looked like he was still processing everything. Such a smart boy.

Unfaithful HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon