Penelope's POV
"Buti naman safe ka!" Masiglang sabi ko kay Kira.
"Of course, what am I? A teenager?" Tinaasan niya ako ng kilay.
Umirap ako. "Che, tulungan mo kong maghanap nang matutuluyan, ha! Ayaw ko ng condo!"
She chuckled. "Sige, sige. Kakailanganan natin yun. Sikat itong hotel na ito. Mahuli pa tayo agad. Grabe naman tong pagtatagong ito."
"Ayoko na, eh." I sighed.
"Tsaka alam mo yun grabe yung effort natin sa pagtatakas eh hinahanap ba talaga nila tayo?? Pero mas mabuti na nga ang safe. Ayoko na rin makita ang pagmumukha ng isang Andre Venj Villatoras. Nakakabwisit lang. Naiirita ako. Nakikita ko ang imahe ng babae pag nakikita ko siya. Kadiri!" Reklamo nito.
Nagpapahinga kami sa hotel ngayon. Gusto niya raw na isang room lang kami kasi takot siya mag-isa. Kakain kami maya sa labas. Nakita kong may mga parang kainan sa malapit lang. Mga barbecue ganoon? Tinanong ko iyon sa receptionist at sinabi niya "Roxas Nightmarket" daw tawag nila roon. May buffet rin sa baba ng hotel at malasosyal ang mga pagkain roon kaso natatakam ako sa mga pabenta nila! Parang mga nakahilerang streetfoods iyon doon pero kahit mapayaman man o foreigner ay may mga kumakain doon.
"Hala gutom na ko! Bukas buffet tayo ha. Ngayon kasi gusto ko dito!" Sabi pa ni Kira. Mabuti nang andito siya. Hindi ako magmumukmok.
Naaalala ko yung call kanina..
"Fuck, baby, go home, please? I miss you so bad.. so b-bad it hurts.." Lasing ito. Medyo maingay ang paligid niya. Mukhang nasa bar ito. Ilang sandali ay pag-iyak lamang ang naririnig ko rito. Natahimik ito saglit. "S-Shanai--Shanaia.."
At pagkatapos niyang banggitin ang pangalan nito ay ibinaba ko ang telepono. Mga walang hiya! Ipapamukha pa sakin? Tss.
"Oh lukot na lukot mukha mo? Alam mo wag mong inaalala sa ngayon yung mga pasakit sa buhay natin," aniya at tumango ako.
Kinaumagahan ay nagising ako at nagsusuka nanaman. Unlike Amanda, Buti hindi ko nagising si Kira. Sasabihin ko ito kay Kira maya.
Nagluto ako ng breakfast, more like brunch. Nagising naman si Kira at tinulungan ako. Best friend goals ito. Hindi namin pwede ipaalam kela Amanda. Sayang nga lang, asawa kasi non si Jerome eh. Kay Faye sana kaso busy iyon.
Nagswimming din kami ni Kira at nagrelax na para bang walang problemang idinadala. Bahala sila. Masaya kami.
Habang kumakain kami ng buffet ay inamin ko na.
"Kira.. I'm pregnant.." I said.
"Alam ko," sagot niya na ikinataka ko. Ngumiti siya.
"How'd you know? Hindi ka pa naman nabubuntis diba?" Tanong ko.
"Wrong. Nabuntis na ako. In fact.. I'm pregnant.. too," She smiled.
Doon ako nagulat kaya sobrang tuwa ko ay tumulo luha ko. Parte ba to nang pagiging buntis?
Limang buwan na ang lumipas simula noon at malalaman na namin ngayon ang gender ng mga anak namin! Sobrang excited kami. Feel ko hindi ako nag-iisa. Nakahanap rin kami nang bahay na matutuluyan at malaki ito.
Nalaman ni Mommy kaya hindi siya pumayag na sa condo lang. Oo, si Mommy lamang ang nakakaalam kung saan ako nagtatago. Pero hindi niya nababanggit ang salitang "Davao" ever pag nag-uusap kami kasi baka marinig daw ni Daddy.
Si Mommy rin ay tumawag lamang sa isa niyang kakilala. Sinisigurado niya pa nga raw na mag-isa siya sa sasakyan noong tinawagan niya yung kakilala niya na taga rito. Alam niyang buntis kami ni Kira kaya sa isang village kami. Puro mayayaman ang narito at mahigpit ang seguridad.
"It's a girl and a boy sa akin!" Tili ko. Yes, twins.
"Lalake sa akin! Grabe, sana sabay tayong manganak para mukha silang triplets!" Aniya at natuwa ako sa ideyang yun.
Hindi na namin ginagamit ang apelyido ng mga asawa namin. Wala rin akong balita sa annulment namin. Hindi ako nakibalita sa kanila. Sa pamilya ko lang.
Pamilya mo rin naman siya..
Noon. Ngayon, hindi na. Mapait akonf ngumiti. Mahirap ang naging buhay pagbubuntis namin dalawa pero mabuti nalang at naroon si Manang Merna para tulungan kami.
"A-aray! Penny!! Manganganak na ako!" Sigaw ni Kira na nagpataranta sa aming lahat. Tumawag ako agad ng ambulansya at dumating ito.
"Andristan Kallix Montecillo," Aniya nang tanungin iyon ni nurse. Montecillo is her last name while Andre's Villatoras.
Babies, soon kayo nanaman ang lalabas. Wag niyo papahirapan si mommy, ah?
Ilang araw ang lumipas ay hindi na muna ipinalabas sa ospital si Kira. Naging advantage iyon dahil naroroon ako't bumibisita sa kanya kaya hindi ko na kailangang itakbo pa sa hospital nung manganganak na ako.
"Pheianna Merthrice Calter and Matheon Croix Calter.." banggit ko sa mga pangalan nila nang itinanong sa akin kung ano daw ipapangalan ko nang natapos na ako magpanganak. Wala na akong lakas pero gusto kong sabihin na bago pa magbago isip ko.
Finally, I gave birth to them successfully. I sighed. I'm so tired. I slowly closed my eyes then everything went black.
BINABASA MO ANG
Unfaithful Husband
Romance"I thought we'll work this marriage out. But I guess that was just one of my dreams. He was the man I want to spend my life with. Tatlong taon. Tatlong taon akong nagtiis sa pag-uugali niya. Akala ko okay kami, hindi pala. Noong una, ang saya pa.. P...