Chapter 19

6.6K 108 2
                                    

Penelope's POV

Magkayakap kaming natulog ni Amanda. Napabalikwas naman ako sa bangon nang naramdaman ko nanaman na naduduwal ako. Tumakbo akong papuntang cr. Naramdaman kong may humahagod sa likod ko. Alam kong si Amanda iyon. Mukhang nagising rin siya .

Naghilamos naman ako pagkatapos. Nakatingin sa akin si Amanda na tila nag-aalala.

"Ilang araw nang ganyan?" tanong niya.

"Kahapon.." tugon ko.

"Try this," aniya at nagtaka ako bakit meron siyang pregnancy test.

"May ganyan ako sa bag ko. Binili ko noon di ko pa nagagamit," sagot niya na tila nabasa ang nasa isip ko.

Tumango lamang ako at itinry iyon. Naghintay kami sa resulta. May baby ba talaga ako? Nang nandoon na ang resulta ay napatigil ako. Totoo ba 'to?

"Ano nakalagay?" tanong ni Amanda.

"I-It's negative," I stuttered. Tumingin lamang roon si Amanda. Dismayado ako na hindi ko alam.

"Magpacheck up tayo, magbihis ka," aniya. 

"Ha? Wag na," tutol ko kaso pinandilatan ako nito ng mata kaya tinikom ko nalang ang bibig ko.

Naikwento ko na sa kanya lahat kagabi at naintindihan niya ako. Tama lang daw ginawa ko. Napahinga naman ako nang maluwag roon.

Sa labas na kami kumain at nagpacheck-up pagkatapos. 

"Mrs. Anderson?" tawag nung sekretarya kaya naman pumasok na kami. Nanlaki ang mata ko nang mapagtantong obgyne ang pinuntahan namin. Hinila lamang ako ni Amanda. Kinabahan ako. Bakit? Eh diba.. negative? 

Halos hindi ako nakikinig sa mga pinangsasabi ng doctor sa sobrang tulala ko. Paano? 

"Penelope!" Tawag sa akin ni Amanda.

"H-huh? Ano yun?" Tanong ko.

"Ultrasound," aniya at tumango lamang ako. Wala pa rin sa sarili.

"Hija, sometimes, we dont trust pregnancy tests. Baka matagal na iyon ibinili kaya di na gumana.." sabi ng doktor.

"So, doc, you mean.." tanong ko sa kanya. She smiled at me.

"Yes, congratulations, Mrs. Anderson! You're now a mom!" Aniya na nagpatulala sa akin. Niyakap ako ni Amanda. Lumabas kami at sobrang saya ko.

I think Matt needs to know this. Siya ang tatay kaya kailangan ko sabihin. Ayaw ko sanang bigyan ng hindi buong pamilya ang anak ko. Tinititigan ko ang ultrasound picture at napapangiti ako. 

Umuwi na kami at inayos na ni Amanda ang mga gamit niya. Hapon na at doon nalang muna daw siya kay Tita Alexa kasama si Ara. Binilinan niya ako at binigyan ng vitamins. Mahal talaga ako netong best friend kong ito.

"Amanda.. do you think.. I should tell this to Matt?" I asked her.

She weakly smiled. "He has the right to know.. Penny."

"I'll tell him tomorrow,"  I said.

"Just update me, alright? I'm always on your side," she hugged me then bud her goodbye.

Sa sobrang pagod ko ay nagpadeliver nalang ako ng dinner ko. Maaga rin ako nakatulog. Tomorrow will surely a day that I should face him.

Nang nagising ako ay nagluto, kumain, naligo, at nag-ayos ako. Around 10am na nga ako nagising. Grabe yung tulog ko. Ganito ba talaga?

Napag-isipan kong around lunch ako pupunta. Dadalhan ko siya ng pagkain. Dinala ko rin iyong ultrasound picture nang maipakita ko. Naeexcite akong ikwento sa kanya ang lahat.

Nang nakarating ako roon sa opisina niya ay nagulat ako nang biglang hinarang ako ng sekretarya niya. Bago ito, ah?

"Ah, Ma'am, may appointment po ba kayo kay Mr. Anderson?" Tanong nito.

"He's my husband," iritadong sagot ko.

"Uhm.. Sorry, Ma'am pero--" I cut her off.

"Get out of my way," I gritted my teeth. 

She tried to protest but dire-diretso akong pumunta roon. I opened the door but I was surprised with what I saw.

Pinigilan ko ang luha ko. I should not look pathetic. Napatigil sila. I smirked nang makita ang ekspresyon nilang priceless. Napailing lamang ako. Lumapit ako sa mesa ni Matt. Nakakandong pa rin si Shanaia sa kanya. Ang gulat na mukha ni Shanaia ay biglang naging mala-demonyita at nakangisi pa ito. Umirap ako.

I put the paper bags na may pagkain. "Here, have your lunch! Happy lunch, cheaters!"

Matt was about to stand up but I smiled. "Welcome back rin pala, Shanaia."

"Yeah 'cause I'm going to get back what's really mine in the first place," aniya.

Tumango ako. "Good for you, then. Looks like you got it already, huh? Have a nice day!" I said at nagcat walk pa palabas pero nanghihina iyong kamay ko at pagkalabas na pagkalabas ko ay nabitawan ko ang bag ko. My vision got blurry at tinulungan ako ng sekretarya na ayusin ang nahulog ko. Nang nakatayo na ako ay narinig kong bumukas ang pinto galing sa opisina ni Matt kaya dali dali akong tumakbo papunta sa elevator. Nakahabol ako at sumara na yung elevator nang nakapasok ako. This is too much! He doesn't deserve to know!

Unfaithful HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon