Chapter 16

6.6K 111 8
                                    

Penelope's POV

Pagkauwing pagkauwi ko ay nagulat ako nang bumungad sa akin si Matt. Umuwi na pala siya? Dahil ba nakapagdesisyon na siya between me and his girl? At sasabihin sa akin na hindi na ako? Iisa lang yung babae sa dalawang litratong natanggap ko. Ibig sabihin, he's not just some other girl.

At noong nakita ko sa internet? To research about the girl? Halos ilang pulagadang kutsilyo ata ang sinaksak sa akin? It was no other than, Shanaia Alandra Guzman, his ex and his first love. Anong laban ko doon? Witness ako ng pagmamahal nila. Witness kami magkakatropa noon. Iniwan siya noon para sa akin. Pero ngayong ganito ang sitwasyon? Hindi kaya nagsisisi si Matt?

Hindi halata sa litrato na siya iyon kasi medyo blurred. I met Shanaia when we were in high school. She's kind but quite bitchy at the same time pero nasa lugar. Hindi ko nalang alam ngayon. Alam kaya niyang may asawa na si Matt? And worst, ako pa?

I weakly smiled. Alam mo yung kahit anong galit mo sakanya eh may natitira pa rin talagang pagmamahal? As much as I want to hug him, I remove that thought away from my mind. 'Wag nang tanga, Penny.

"Love.." banggit nito na tila nanlalambing. Ano ba talaga ang gusto nitong palabasin? Lokohin ako?

"Lumayo ka sa'kin," walang bahid na ekspresyon ang mukha ko.

Naguguluhan naman itong tumingin sa akin. "M-may nangyari ba?"

"Wala," sagot ko. "Sige, aakyat na ako."

Hindi ko na hinintay pa na magsalita ito at umakyat na ako sa kwarto ko. Hindi sa kwarto namin.

"Love, dito.. hindi dyan," aniya pero hindi ko ito binalingan.

Hawak hawak ko na ang door knob nang niyakap ako nito galing sa likod.

"Love naman, don't you miss me?" Aniya. Umirap ako at inalis ang kamay niyang nakapulupot sa baywang ko. He let go of me.

"I'm not someone you can fool, Matt. Now, go." Matigas na sabi ko.

"Penny, mag-usap nga tayo. Hindi ko alam saan nanggagaling iyang mga sinasabi mo," aniya na tila frustrated.

"Cut the crap, Matt. Huli ka na nga, magdedeny ka pa?" I chuckled.

"I-is this about the photos in the internet? P-penny, I'm s-sorry," Ginulo niya ang buhok niya.

I smiled at him. "You know what? It's okay, Matt. Tsaka diba may party ka pang pupuntahan? Go. I can handle myself."

Paano ko nalaman? Nakita ko lang rin sa internet na baka magkikita raw ang mag-ex roon. Pati nga pangalan ko ay nadadamay. How dare he not arranged these things right?

"Matt Anderson together with his ex? What happened to Mrs. Penelope Anderson?" sa isang article.

Hindi naman ganoon kakilala pero business tycoon siya at may iilang finifeature kami sa magazine.

Naalala ko pa ang sabi niya sa akin noon. Na ayaw niyang madungisan ang pangalan niya o masira ang reputasyon niya sa business world. Tapos eto ngayon? Nakakagago.

Bumuntong-hininga ito. "Sige, take a rest," umalis rin naman ito kalaunan. So siya nga? Siya nga ang pinili. Tangina.

Pagkapasok ko nang kwarto ay pinakawalan ko ang hikbing kanina ko pa pinipigilan. Tumakbo ako papuntang kama at kinuha ang unan.

Ang sakit sakit, eh. I broke down. Humagulgol ako't umiyak hanggang sa mapagod ako at wala nang luhang lumabas. Iyak lang ako ng iyak sa kama. Halos basa na iyong unan pero wala akong pake. Nahihirapan na rin akong huminga pero umiiyak pa rin ako. Hindi ko mapigilan.. hanggang sa nakatulog nalang ako nang may luhang tumutulo sa mata ko.

Nagising naman ako nang bandang alas nuwebe ng gabi. Panigurado mamaya pa madaling araw pa uuwi si Matt. O baka nga bukas pa ng umaga. Tutal kasama niya naman yung ex niya.

Kumain ako nang hapunan. Si Manang ay hindi na tumira dito dahil sinabihan ko ang magulang naming dalawa na mas mabuti kung kami lang dalawa. Pumayag naman sila. Oh, my parents, akala nila maayos parin kami.

Hindi ako makatulog kahit alas onse na. Malamang, natulog ako kanina. Kaya naman, napagpasyahan kong magbasa ng libro.

Halos dalawang oras din ang pagbabasa ko. Napatayo naman ako at sumilip sa bintana nang may narinig akong sasakyan sa labas. Matt's McLaren 570S sports car. Pumoporma pa, ah?

Bumalik naman ako sa kama. Hindi kaya may dala itong babae? Dala niya kaya ex niya?

Sa sobrang kuryoso ko ay lumabas ako ng kwarto at pumuntang kusina. Wala siya roon. Ah baka nandoon siya sa kwarto namin. Siya? o baka sila..?

Uminom ako ng tubig. Hindi ko pwedeng biglain si Matt at baka mas lumala ang sitwasyon. Lalo na ngayong lasing ata at may babaeng kasama.

Hay, ang sakit. Ano bang nangyayari sa buhay ko? Do I really deserve this?

"Hey.. Honey.." Lumingon ako at nakita si Matt na mukhang lasing na lasing. Mukhang galing ito sa mini bar, ha? Hindi ko napansin. At honey? Never niya akong tinawag na ganoon.

His eyes are bloodshot at mukhang umiyak rin ito. Naawa naman ako at nilapitan siya. Niyakap ako nito.

"I love you.." hikbi nito. I froze into my spot. Lasing naman to eh.

"I love you too, Matt.. I love you so much," I hugged him back and buried my face into his chest. Tumulo naman ang luha ko.

He lift my chin up using his hand. He pulled me closer. He looked into my eyes then to my lips. Then slowly, he leaned in and gave me a kiss. It was passionate and filled with love. He deepened the kiss. I threw my arms into his neck. We were kissing.

Napasinghap ako when his hands travelled around my body. I want to stop pero nadadala ako sa sensasyong nadarama ko. My body is betraying me.

He lifted me up and my legs are now wrapped on his waist. We didn't stop kissing. Kung hihinto man ay para lamang huminga. I played with his hair. He started kissing my neck and I gave him an access to do it more.

Hindi ko alam paano pero ngayon nasa kwarto na kami. Sa kwarto namin. Marahan niya akong inihiga. 'Til we're both naked. There, something happened. The rest is history.

I sighed. I'm sure that it was love. Pero yung mas masakit? After that.. he called a name.

"Aia..." He whispered while his brows furrowed. There I lost it. I lost him. Umiyak nanaman ako. It was no other than Shanaia.

This is too much to bear. I weakly smiled. It's 5am in the morning. Hindi na pala ako..

I'm sorry, love, but I stopped hoping for us. I'm going to give you back to where you really belong. I'm sorry for taking you away from her..

Nanginginig akong idinial ang kanyang number.

"Hello. Good Morning, this is Atty. Lorenzo, speaking," Aniya.

"Attorney, this is Penelope Calter. I'm sorry to disturb your sleep--" I managed to say without stuttering.

"It's okay, Mrs. Anderson. I'm already eating my breakfast. I'm not sleeping," aniya.

"Oh, okay. I have something to tell you.." I said.

"What is it, Mrs. Anderson?" He asked. Nairita na naman ako. Ang sakit eh.

"I'm going to file an annulment. Give me the papers so I can sign it as soon as possible. And please do not call me Mrs. Anderson!" I hang up the phone.

--------

Author's Note:

IM SORRY FOR THE BED SCENE PART, IM NOT GOOD AT IT AND IM STILL YOUNG SO SORRRRYYYYY

Unfaithful HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon