Penelope's POV
Umalis ako agad pagkatapos kong mag-impake. Buti nalang mahimbing ang tulog ni Matt dahil nakainom. Kung sa ordinaryong araw ay gigisingin ko ito at sasabihing malelate na siya sa kanyang pasok pero iba na ngayon. I've had enough.
Hindi ko alam kung saan ako patungo. Hindi ko pwede tawagan ang mga kaibigan ko dahil paniguradong malalaman agad ni Matt iyon. Maimpluwensiya si Matt at kahit mapagkakatiwalaan ay pwedeng mamblack mail ang lalaking iyon. Pero.. hahanapin ba ako non?
Hindi rin naman pwedeng tumakbo ako sa mga magulang namin! Kahit masakit ay ayaw ko sanang madungisan ang pangalan ni Matt sa pamilya ko at pamilya niya. Kaya ipapalabas ko nalang na ako ang may kasalanan. Magaling naman ako magrason, eh. Ipapaalam ko sa magulang ko ang plano kong ito pero sa tamang panahon na. At obviously, hindi pa iyon ngayon.
Hindi muna ako aalis sa Manila dahil kung aalis ako nang di pa naibibigay sa akin ang annulment papers ni Attorney baka ipadala niya kung saan ako tumatago at for sure malalaman ni Matt. Ipapahanap ako nun para sa reputasyon nanaman niya! Walang hiya! Wasak na wasak na ako pero iyang tarantadong reputasyon pa rin iniisip niya. Noon, may Vianne ngayon may Shanaia! Mas masakit kalaban iyong pinakaunang babaeng mahal niya bukod sa nanay niya. Si Shanaia pa. Kung saan siya talaga itinadhana. Anong laban ko roon? Kontrabida ata ako sa kanila noon. I was a bad girl, a spoiled brat at siguro eto yung karma ko dahul ginulo ko sila?
Pero bakit sobra naman ata? Hindi ko naman sinasadyang ipaghiwalay sila, ah? Ang bata pa nila non!
Tandang-tanda ko pa ang lahat..
"Amanda!" tawag ko sa isa kong kaibigan. "Guess what?"
"Ano nanaman ba ang masamang ginawa mo, Penny?" bungad nito.
"Masama agad?" Inirapan ko ito. "May nalaman kasi akong nakakabwiset!"
"Ano yun?" Tanong nito habang nakatingin sa libro. "Itabi mo muna yang libro mo, dali na!" Pagmamaktol ko. Iginawa naman nito iyon at humarap sa akin.
"Now, what is that oh so important thing, Ms. Calter?" Tinaasan ako nito ng kilay.
"Matt and Shanaia are together! I can't believe it! Ayaw akong sumaya si Matt sa babaeng iyon!" Parang batang pagsudumbong ko.
"Seriously? Si Matt nanaman? Stop being a brat. Bakit ba hindi kayo nagkakasundo ni Matt? Tsaka si Shanaia na yun ah? Shanaia Guzman ba? Nako, jackpot ah! Maganda na mabait pa," she said.
I groaned frustratedly. "No! Naaawa ako kay Guzman girl, lolokohin lang siya nung hayop na iyon!"
"Don't cross the line, Pen. Personal life na iyan ni Matt. 'Wag mo na siyang guluhin dahil lang sa away niyo simula bata pa lang tayo!" Pa-aadvice nito sa akin.
"You're no fun. Fine! Whatever!" Pag-irap ko at nilayasan ito. Pailing-iling lamang ito sa akin.
Okay, hindi ko na nga gagawin. Bahala na siya sa buhay niya!
Lumipas ang tatlong buwan ay sila pa rin at hinayaan ko na dahil mukhang seryoso naman ito sa isa't isa. Niligawan naman ako ni Allen at nasa dating process kami.
"Len!" tawag ko rito. Nakaupo siya sa kasama ang iilan. Sabi niya groupmates daw ang makakasama niya before lunch kaya baka magkita nalang daw kami dito sa cafeteria. Groupmates pero lalaki lahat? Nakatalikod sila kaya hindi ko alam sino ang mga kasama niya pero siya lang naman gusto kong makausap, eh. Oo, aaminin ko gustong-gusto ko si Allen at nawawalan ako nang pake sa paligid pag siya na ang usapan pero hindi ko masabi kung love nga ito dahil hindi naman ako nagseselos kung may ibang babae itong kinakausap, minsan lang.
"Babe!" Tawag nito.
"I'm not a biik!" Sinamaan ko ito ng tingin.
Pinisil niya ang pisngi ko. "Cute mo, boo."
Nginitian ko lang ito. "Pogi mo!" Humagikhik pa ako.
"Kayo na, pre?" Tanong ni Andre. Nabigla naman ako nang makita sila Jerome, Matt, Andre, at Bryan.
"Ayan, ineexpose mo talaga tayo, Penny, eh," Pang-aasar ni Allen sa akin.
Umirap ako. "Hindi ko naman alam na nandito sila."
"So, kayo nga?" Nakangising tanong ni Jerome.
"Oo," nagkibit-balikat si Allen.
"Parang ganoon na nga.." sagot ko naman. Sabay kaming sumagot at hindi nagkakalayo ang naging sagot namin.
"Iba rin, Len!" Tukso ni Bryan.
"Since when?" Seryosong tanong ni Matt.
"Magdadalawang buwan na," proud kong sabi.
Nabulunan naman si Andre. Umuubo-ubo ito. "S-seryoso? Pinakamatagal mo 'to, Len, ah?"
"I'm serious about her," Allen shrugged at kinilig naman ako. Pero dapat lowkey lang kaya
Nagulat naman kami nang biglang tumayo si Matt at umalis.
"Anong nangyari doon?" tanong ni Jerome.
"Pupuntahan siguro gf niya, guys, ano ba, hayaan niyo na," tumawa lamang ako. No bad blood muna kami. Masaya na rin naman ako sa buhay ko. Until...
"Anderson and Calter, partners in laboratory," ani ng professor. Ano? Kami?
Naging magkapartner kami at nakakainis yun. For the whole year iyon na partner kaya wala akong choice. Lagi ko siyang nakakasama at lagi ko siyang inaaway kasi naiirita ako sa pagmumukha niya. Until he told me na kung pwede ba ay tumigil na kami. Pumayag ako kaya naging magkaibigan kami. Allen met Aira at naging malapit ito hanggang inamin sa akin ni Allen na nahulog na siya roon. Aaminin kong nasaktan ako roon. Nagsuntukan si Matt at Allen non at natakot akong mabahiran ang pagkakaibigan nila kaya't sinabihan ko si Matt na okay naman na ako. Amanda, Kira, Faye, and me ay naging tropa ang tropa nila Matt. Kumbaga, nagkaisa.
Nafall ako kay Matt kahit mag-iisang taon na sila ng girlfriend niya ay inamin ko ang nararamdaman ko para rito.
"Matt, I kinda l-like you.." Tumungo ako. Nang iniangat ko ang tingin ko sa kanya ay nakanguso ito na tila pinipigilan nitong ngumiti. Sinamaan ko ito nang tingin at tumawa lamang.
Hinampas ko ito. "I'm serious!"
Tumawa siya. "I am, too. I'm just happy.."
Kumunot ang noo ko. Happy?
"..and confused," his smile faded. "I still have a girlfriend.."
Tumango lamang ako. "It's okay. I just want to let you know.."
Umalis ako. He suddenly grabbed my wrist and kiss me on the lips. Nagulat ako.
Then he whispered, "Give me time to fix things.."
At iyon, hiniwalayan niya si Shanaia at naging kami pero hindi ito alam ng mga magulang namin. Umalis si Shanaia sa school namin noon.
Pero makalipas ang dalawang taon, nasa 4th year college na kami ay biglang bumalik ito. Natakot ako na baka maagaw sa akin si Matt dahil apektado ito sa pagbabalik ng babae kaya sinabi ko sa mga magulang ko na kami na, matagal. At dahil business partners ang mga magulang namin ay inarrange kami sa isang kasal.
Noong una ay medyo tutol si Matt dahil ang aga pa raw para roon pero nang nalamang okay lang sa akin ay itinuloy niya ito. He was a good husband to me for a year pero biglang nagbago ito. Noong ikinasal kami ay nag-aaral pa kami at graduating kaya pinagbawalan ang honeymoon. Hindi naman naapektuhan ang pag-aaral namin.
Hanggang sa ngayon.. naulit nanaman. Siya pa rin ba, Matt? Suko na ako..
BINABASA MO ANG
Unfaithful Husband
عاطفية"I thought we'll work this marriage out. But I guess that was just one of my dreams. He was the man I want to spend my life with. Tatlong taon. Tatlong taon akong nagtiis sa pag-uugali niya. Akala ko okay kami, hindi pala. Noong una, ang saya pa.. P...