Chapter 5

5.6K 101 2
                                    

Penelope's POV 


Lumunok muna ako bago huminga ng malalim. Ito na ang pagkakataon mo, Pen. Talk to him without ending up crying like a freaking child infront of him. I nervously turned around and I saw him leaning on the door with crossed arms. Napalunok na naman ako at ngumiti ng pilit.

"Uh.. K-kina Amanda lang.. B-binisita ko si Ara.. Yung inaanak natin." Napatungo na lang ako. Narinig ko ang mahinang tawa niya.

"Yeah, right. Magluto ka na ng hapunan." With that, he walked away. Talk, Penny! Where the fvck is your mouth?

"M-Matt." I called his name. Naramdaman ko ang paglapit niya sa'kin. My heart beated fast. Ang lakas talaga ng epekto niya sa'kin.

"What?" Malamig niyang sabi. I sighed and faced him. Blangko lang ang kanyang mukha na nakatingin sa'kin. He's not like this before. Dati ay abot langit ang ngiti niya makita niya lang ang mukha ko. Pero kabaliktaran ang nangyayari ngayon.

"Why did you changed?" I said, trembling. Bakit ba ang hina hina ko pagdating sa kanya? I mentally cursed. That's because you love him more than your life, Penny.

"If you went home just to ask me that question, then I don't have time for this." Tatalikod na sana siya nang bigla akong sumigaw.

"Bakit, Matt? Saan ba ako nagkulang? Paano mo nagawa sakin 'yun? Sa bahay ko pa talaga, Matt! Sa sariling pamamahay ko! Hindi mo man lang ako binigyan ng kahit onting respeto!" Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Sa wakas, nasabi ko na rin ang matagal ko nang iniinda. Kumunot lang ang noo niya. He's looking at me like he don't know what I'm talking about.

"Pamamahay mo? Bahay ko rin 'to, Penelope so don't you ever say that this is only yours cause this is one of my properties." Ngumisi siya.

"At pangalawa, wala kang pakielam kung magdala ako ng babae rito. As I said, bahay ko rin 'to! So I can do whatever I want in this freaking house. Wala ka namang sinabing may batas rito diba?" Ngumisi ulit siya at tumawa ng mahina. Those words shattered my heart a million times.

Ako? Umiiyak na naman sa harapan niya. Hindi ko lang talaga matanggap ang mga salitang lumalabas sa bibig niya.

"Ano bang nagawa kong mali, Matt? Kung meron man, sabihin mo sa'kin nang hindi ako nagmumukhang tanga kakaisip kung ano bang nagawa ko sa'yo." Kalmado kong sabi. Kung sisigaw ulit ako ay baka magalit na naman siya.

"Gusto mong malaman kung bakit?" He devilishly smirked. Kahit parang matutumba na sa kakaiyak ay tumango pa rin ako.

I wanna know his reason.

"Because I love someone else now. And that's not you." Yun lang at umalis na siya sa harapan ko. Eto na naman ako, nakaluhod sa sahig habang umiiyak. Ang sikip sikip ng dibdib ko. I never thought that he can do this to me. He promised me na ako lang. Ako lang at wala ng iba. Pero ano 'to? Bakit ang bilis naman niya magsawa sa'kin? Ginawa ko naman lahat para mapasaya siya pero parang wala na lang sa kanya yun ngayon. I buried my face with my hand and screamed.

"Ang sakit sakit, Matt! What did I do to deserve this? Hindi ko matanggap na may iba kang mahal bukod sakin! Sabi mo ako lang.. Ako lang..." Pahina nang pahina ang boses ko. Napaupo na rin ako sa sahig sa sobrang panghihina.

Kaya pala... Kaya pala ang lamig na ng pakikitungo niya sa akin.. May iba na pala siyang mahal..

Unfaithful HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon