CHAPTER 11
Patuloy pa rin ang pagpatak ng luha. Hindi ko alam anong gagawin ko.. Isa lang ang pumapasok sa isip ko.
Napakatanga ko.
"Two more please!" Sigaw ko sa bartender.
"Miss, lasing na p–"
"Can you please shut up? I'm a customer here! Do your job!" Inis na tugon ko.
Tumungo naman ito at humingi ng paumanhin. Naawa naman ako.
"I-I'm sorry. But two more glass, please." Marahang pagkakasabi ko.
Nagbigay naman ito ng dalawang baso. Napaiyak ako muli nang maalala ang nangyari kanina.
Kasalukuyan akong nasa bar nang isang hotel. Dito ko binubuhos ang lahat lahat. Lahat ng sakit. Gusto kong makalimot kahit sandali pero walang kwenta. Mas lalo lamang ako naiiyak.
Nakasampu na ako ng baso ng liquor na ito.
Masarap pala ang alak habang tumatagal.
Iinumin ko na sana ang ikalabing-isa ngunit may humablot 'non.
Alam kong lasing na ako. Lasing na lasing na. Napaka lightweight ko, alam ko. At wala akong pake.
"Ano ba!?" Galit na sabi ko rito.
Nakatingin lang siya sa akin gamit ang poker face na iyan. Parang noong una ko lang siyang nakilala, ganyan na ganyan din ang itsura niya. Walang bakas na ngiti o saya sa buong pagmumukha pero napakagwapo pa rin.
Kumabog nanaman ang nakakairitang puso ko. Pumungay ang mata ko nang nagkatitigan kami. Mahal ko nga talaga siya.
"M-matt.." My voice broke.
"Uh.. Sir, kanina pa po yan umiinom.." Sabi nung bartender.
"I'll handle this." Tipid na sabi nito.
Naalala ko naman ang nangyari kanina.
Biglang dumilim ang paningin ko. I clenched my fists. Paniguradong nandidito din iyong babae'ng yon. Nagkataon lang ata at naparito sila at nakita ako ni Matt. To end things in between us.
"Sumama ka na sa babae mo." Malamig na pagkakasabi ko.
Napabuntong hininga siya at tumingin sa akin na napupungay ang mata. Napakurap kurap naman ako.
This is the Matt I loved. Gentle and caring. That's the way he looked at me ever since he confessed his love for me. Lasing lang ba talaga ako?
Kumabog lalo ang puso ko.
"I-I'm sorry, Penny.." Mahinang sambit nito pero dinig ko.
"That was unforgiveable, Matt." Galit na sabi ko.
"I know.." Nanghihinang sabi nito.
Uminom ako muli at aamba sana siyang kunin iyon pero linayo ko ito ng bahagya sa kanya.
Patuloy lang siya sa paghingi ng tawad. Hindi ko iyon pinansin. Sinasabayan niya ako sa pag-inom. Hangga't hindi ko na alam ang ginagawa ko sa buhay ko.
Ang alam ko lang ay nasa elevator kami at umiiyak iyak ako tapos biglang tatawa sa katangahan ko.
Kasama ko siya.
At alam kong nagkahalikan kami. Tumugon ako roon. Dahil ata sa alak iyon. Hindi ko alam. Hanggang sa hindi ko namalayang ginawa namin. Ginawa naman iyon. We made love.
I wasn't in my senses but I know I heard him clearly say,
"I love you but I hope someday, you'll understand.."
Before I went to sleep.
Nagising ako kinabukasan nang walang maalala.
Unti unti kong inalala and fuck, did we actually do it?
And I don't know how did that happen.
Tiningnan ko ang paligid ko. A presidential suite?
Don't tell me..
ISA ITO SA HOTEL NI MATT?!
Tiningnan ko ang katabi ko. Wala siya. Ako na lang mag-isa. Wala akong damit. Nagpapatunay kung anong nangyari kagabi.
Agad kong sinuot ang damit na nakahanda sa couch. May nakita akong pagkain na nakahanda sa may table. Napangiti ako. He still cares for me.
May note ito saying,
"Forget everything what happened. It was nothing. Sorry."
Napawi ang mga ngiti ko.
Shit. Ang tanga ko nanaman.
I swear this will be the last. Masyado ng masakit, e.
BINABASA MO ANG
Unfaithful Husband
Romance"I thought we'll work this marriage out. But I guess that was just one of my dreams. He was the man I want to spend my life with. Tatlong taon. Tatlong taon akong nagtiis sa pag-uugali niya. Akala ko okay kami, hindi pala. Noong una, ang saya pa.. P...