Penelope's POV
I can feel his stare while we're eating. Tiningnan ko ito at tama nga ako. Sa akin siya nakatingin.
"Stop staring," inirapan ko ito at ngumisi lamang ito.
"Hanggang ngayon hindi mo pa rin ako kayang tingnan sa mata nang matagal? Hmm?" Aniya kaya naman iniwas ko ang aking tingin at binalingan ang pagkain. Nananghalian na kami ngayon. Pinagalitan ko pa siya kanina dahil ang aga aga eh umiinom na.
"Kaya ko noon!" Giit ko kahit alam ko namang hindi talaga.
"Oo nalang," he chuckled and then eat.
Ako naman ang napatitig sa kanya. He still look so handsome though. I'm wondering what will happen if he never jerked me away from his life? Will my kids be alive today? Kumpleto ba kami? Kung may iba pang paraan para protektahan ako, hanggang ngayon ba'y kami pa rin at masaya kasama ang mga anak namin? Hindi ko ba itatago ang anak ko sa kanilang ama? Maraming what ifs ang pumapasok sa utak ko. What if simple lang ang buhay namin? Ganito pa rin kaya?
I sadly smile while watching him. It has been years since I was able to have a lunch with him like this. When was that? Before marriage? The first quarter of our marriage? I don't know. I can't remember but all I know is that it has been a very long time.
"Stop staring," he smirked and mimicked me whilst not looking at me. I know he can feel the stares that I am giving him. When he looked up to me, his smirk faded. "What's wrong? What's with the sad smile?"
I shrugged my shoulders. "Nothing. I just really miss having lunch with you.. like this."
"Oh.." was all he could say. "I miss this too.. so much. That's why I'm thankful you agreed to my conditions for the la—" I interrupted him.
"Shh, it's our day. Don't ruin it," I grinned at him.
He sighed. "Yes, baby. I love you so much."
My heart hurt a little hearing these words from him that I was longing to hear a very long time. Ang tagal kong umasa para dito. Hindi ko akalaing babalik nanaman ang isang kakaibang karamdaman. Akala ko wala na ito? Nabaon lang ata?
I just smiled at him, hiding the sadness within me. While eating, ang dami naming napag-usapan pero wala ang tungkol sa nakaraan namin. Pagkatapos namin kumain ay pumunta kami sa may dalampasigan. May mga jetski roon na gusto ko sana subukan subalit natatakot ako dahil hindi naman ako ganoon kagaling lumangoy pag mali ang balanse ko, baka malunod pa ko.
"You wanna ride jetski?" Bumaling ako sa kinaroroonan niya.
Ngumiti ako at umiling. "Huwag na."
"Oh c'mon, I know you want to," he chuckled sexily and I was left dumbfounded. I miss this side of him. I miss the sound of his laugh.
Hinila niya naman ako papunta roon at nagpatianod ako. Pinasuot niya ako ng life jacket at nagsuot din siya nang kanya. Sumakay ako sa likod niya.
"Hold tight. Don't let go," he said, seriously.
I smiled at him even tho he can't see me. "I won't."
Habang nasa jetski kami ay pinapabilisan niya ang takbo kaya kapit na kapit ako. Tuwang tuwa pa siya samantalang halos nerbiyosin na ako!
Nang nakababa na kami ay hindi pa nahuhupa ang ngiti sa labi niya. Inirapan ko siya.
"Ikaw lang naman nag enjoy, eh," sabi ko.
"Bakit? Ano ba gusto mong mangyari?" Kunot noong tanong niya.
"Ako magmamaneho," I smirked.
"No," agad agad niyang sabi.
I glared at him. "At bakit?"
"Ayoko," seryosong sambit niya.
"Eh gusto ko nga matry!" Pagmamaktol ko.
"Penelope Mae," aniya.
"Bakit? Ano namang mali kung itatry ko?" Pagtataray ko.
"Mapapahamak ka," sagot niya.
"You don't trust me," I weakly smiled.
"It's not like that. Hey.." nanunuyong boses niya naman ang narinig ko.
"No, it's okay.." I shrugged and looked at the sea.
He frustratedly groaned. "Fine, fine, you can go. I'll be the one at your back, I'll teach you and help you, okay?"
I smiled widely. "Talaga?"
He sighed. "Yea."
I squealed and kiss him on the lips. "Yehey!"
Lumayo naman ako agad nang nakita kong nagulat siya sa paghalik ko. Bahagya akong nahiya kaya nauna na ako sa pagsakay sa jetski. Nakita ko siyang napangiti at napailing bago tumakbo palapit sa akin.
He squeezed my waist nang nasa likod ko na siya, sakay ng jetski. "I didn't know that was the only way to get a kiss from you."
I shrugged and smirked. "Now you know."
BINABASA MO ANG
Unfaithful Husband
Romance"I thought we'll work this marriage out. But I guess that was just one of my dreams. He was the man I want to spend my life with. Tatlong taon. Tatlong taon akong nagtiis sa pag-uugali niya. Akala ko okay kami, hindi pala. Noong una, ang saya pa.. P...