Penelope's POV
Pagkauwi ko sa apartment ay saktong tumawag si Atty. Lorenzo. Napag-isipan kong sa malapit na lang na restaurant kami magkita. Nasa kanya na raw ang annulment papers. Mas mabuti. Pero pagsisisihan ko kaya?
May rason ka naman.
Tama nga naman. May rason ako. Niloko niya ako. Hindi siya naging mabuting asawa. Sumobra na siya. Ano pa bang rason ang kailangan para hindi ko ito gawin? I am physically, mentally, and emotionally tired.
Bumuntong-hininga ako at umupo sa kama. Tinitigan ko ang wallpaper ko. Litrato namin noong ikinasal kami. Sobrang saya ko noon. Tumulo nanaman ang mga nagbabadyang luha. Ipinalis ko ito. Napangiti ako nang mapakla.
"I'm finally letting you go. The Matt that I love so dearly. I will forever treasure you in my heart. I will be true to my vows. You're the only man that I will love for the rest of my life. 'Til death do us part, ikaw pa rin. Kung alam ko lang na hanggang dito lang pala tayo, I should've hug you tighter during those times na ako pa ang mahal mo.." Umiling ako at ipinalis ang mga luhang tumutulo.
Inayos ko na ang mga gamit ko. Aalis na ako rito sa Maynila. Anytime ay darating na si Atty. roon kaya inayos ko ang sarili ko.
Nang naroon na ako sa restaurant ay nakita ko naman agad si Atty. Lorenzo.
"Good evening, Mrs. Ande-Ms. Calter," anito nang samaan ko ito ng tingin.
Atty. Lorenzo is our family's lawyer. He's around 40's. A family friend. Kaibigan siya ni Dad. He is friends with Matt's family, too. Kaya sana naman 'wag siyang aagrabyado sa plano ko.
"Good evening. Where's the papers?" I asked, immediately.
"Here," aniya. "Sure ka na ba, hija?"
Tumango lamang ako habang pinirmahan iyon. "Yes, Tito Lorenzo. And please, Tito, sana hindi muna ito makakaabot kay Daddy. Kung magagalit siya ay pakisabi, desisyon ko at hindi ako nagpapapigil. I'm old enough to decide on my own. I have reasons."
Tumango ito. "Papunta na rin rito si Matt.."
Nanlaki ang mata ko. "Tito?!"
"Mas mabuting pag-usapan niyo ito, Penelope," aniya.
"Alam niya na ang about dito?" Tanong ko. Agad kong ibinalik ang papers sa envelope at inilagay iyon ni Tito sa suitcase niya.
"Hindi pa. Ngayon ko pa lang sasabihin," aniya at nakita kong may lalaking pumasok sa restau. Shit lang.
"P-penny? Tito, anong meron?" tanong ni Matt.
"Maupo ka, Matt," utos ni Tito.
Sa tabi ko ito umupo at alam kong nakatingin siya sa akin pero hindi ko ito binalingan man lang. Para saan pa?
"Let's order," sabi ko at ayun nag-order kami. At wrong timing dahil gutom ata ang anak ko.
"Penny, mauubos mo yan?" tanong ni Tito.
"Oo naman," nagkibit-balikat ako.
"Ano bang mayroon?" tanong ni Matt.
"Kumusta kayo?" Tanong ni tito.
"Okay lang," sagot ko. I shrugged.
"Okay?-" Naputol ang dapat sabihin ni Matt nang tumunog ang telepono ni Tito Lorenzo.
"I'll take this call," aniya at umalis. Great.
Kami nalang natira at wala akong pakealam sa kanya. Kumakain ako.
"Penelope.." tawag niya. Hindi ko ito pinansin. "I'm sorry.. but can you let me explain? Shanaia.. she's si-"
I hushed him. Nawalan ako nang ganang kumain. "She's your life. Blah blah blah, I don't care!"
"Jesus, Penny, she's sick! Okay? I'm helping her ou--" I cut him off.
"What? By having sex with her? Is that it? Can't she pay her hospital bills? Can't she recover all by herself? Ganoon siya kadependent? And haven't you hear what she told me a while ago? Are you that deaf? If I was in her place and you're already married while I'm sick, I would not interfere your life! Ever!" Hindi ko alam saan ko nakukuha iyong lakas ko. Basta naiirita ako sa kanya. "Pero anong ginawa mo? Pinatulan mo? Oh well, yeah right. You loved her first. She loved you first. I'm the villain. Guess what? I'm over with it! I don't wanna be part of your life, anymore!"
"I thought you'll understand. Akala ko pa naman maiintindihan mo iyong lagay ko? Turns out hindi pala.." Aniya. Umismid ako.
"Don't you dare turn the tables, right now, Matt! Alam mo, let's end this. I'm making you choose. Me or her?" I asked him. Napatulala ito. Sakto namang tumunog ang phone niya hudyat na mayroong nagtext. Sumunod ay naging tawag ito.
It says "Aia".
Tumingin siya sa akin sumunod ay sa phone niya.
"Choose, Matt." I said. "Once you answer that.. there's no turning back."
"This is insane. She needs me!" Aniya.
"And you think I don't?" I asked.
He groaned. "I'm not going to choose."
"Yeah, that's how unfair you are," I smiled bitterly. "It's either you'll choose or you'll lose without choosing anyone. Gotta go. See you at home," I lied. You won't see me at home, jerk.
![](https://img.wattpad.com/cover/111272197-288-k180577.jpg)
BINABASA MO ANG
Unfaithful Husband
Romance"I thought we'll work this marriage out. But I guess that was just one of my dreams. He was the man I want to spend my life with. Tatlong taon. Tatlong taon akong nagtiis sa pag-uugali niya. Akala ko okay kami, hindi pala. Noong una, ang saya pa.. P...