I straightened myself up. Hindi pwedeng magmukha nanaman akong kawawa. Bakit? Sa ilang taon ba ay kinailangan ko siya? Hindi.
"What are you doing here?" I raised a brow. Tama nga ang sabi ni Rose. Kamukhang kamukha ni Theon. Malamang eh tatay nya ito.
"Napadaan lang.." He said. "How are you?"
I smirked. Ang kapal naman ng mukha niya para tanungin ako niyan? Kinamusta niya ba ako noong hirap ako sa pagbubuntis ko? Inalam niya ba ang mararamdaman ko nung puro siya Shanaia?
Nang nakita ko ang mukha niya ay nakikita ko naman ang imahe kung paano nila ni Shanaia pinagsaluhan ang isang malalim na halik. Parang sabik na sabik sila sa isa't isa. Mahal pa nito si Shanaia. At halata naman iyon noon.
"I'm perfectly fine," I shrugged. "How about you?"
"Well-"
"Mae!" Napalingon ako sa lalaking pumasok. Si Nathan.
I smiled widely. Namiss ko ito dahil pumunta ito ng ibang bansa. Siya ang nag-encourage sa akin na ipatayo itong flower shop na ito. Itinuturing ko na itong best friend.
"Nathan!" I jumped into him and hug him so tight. "I miss you! Nasaan na ang pasalubong? Saan na yung pinapabili kong sampaloc?"
Yung mga babies ko kasi sa bahay eh naghahanap nang ganoon. Doon ko kasi sila pinaglihi kaya paborito na rin nila.
"Ha? Sampaloc? Mae, galing akong ibang bansa. Wala namang sampaloc doon.." Aniya.
Inirapan ko siya. "Hanapan mo ko. Sige na naman oh."
"Alam mo talagang hindi kita matatanggihan. Alright, princess, your wish is my command.." He said and pinched my cheeks. Sumimangot naman ako at tinampal ang kamay niya.
Bigla namang may tumikhim sa likod namin kaya natauhan ako. Tama pala, andyan pa pala siya. Nakalimutan ko.
"Who are you? Manliligaw ka ba nitong asa---" I cut him off.
"What are you talking about?" I asked him. I gritted my teeth at sinamaan ng tingin si Matthew. 'Wag na 'wag siyang magkakamali.
"Who is he, Mae?" Nathan asked.
"He's Mr. Matthew Anderson, Nathan," sagot ko.
"A regular costumer?" Nathan asked.
"I'm her hus--" Before he could say anything, I cut him off.
"He's a new costumer that I just met a while ago.." I chuckled. Pinandilatan ko ng mata si Matthew. 'Wag siyang pakialamero, aish!
"Oh okay.. Sige, I'll get going to buy your Sampaloc. Say hi to our twins for me. Miss ko na sila!"
"Sure, I will," I replied and sweetly smiled at him. Parang tatay na ang turing sa kanya ng kambal kahit alam nilang hindi ito ang ama nila.
Nang makaalis na ito ay binalingan ko si Matt. Sinamaan ko ito ng tingin.
"That was your boyfriend?" he asked. I ignored him. Bahala siya mag-isip nang kung ano. Hindi ko responsibilidad ang kung anumang pumasok sa kokote niya.
"And you've got twins? So may anak ka na sa iba?" He asked, again. I stared at him. Nakita kong may dumaan na sakit, frustration, guilt, o panlulumo ang mga mata niya ngunit hindi ko na binigyang pansin pa iyo. Paniguradong isa nanaman ito sa pakana niya. Siguro iniwan na siya ni Shanaia kaya ganyan sa akin. Kumbaga, option!
"Ano namang pakealam mo roon?" Mataray na tugon ko.
"You're my wife.." he trailed off.
"Correction, it should be "were" instead of "you're". Past tense na, Matt. Move on," I smirked.
"No. I didn't sign those papers!" Depensa nito. "I know.. I w-was wrong.." he trailed off.
"Can you just shut up and leave? Stop talking nonsense! Kung wala kang appointment sa akin o iba pa mang transaksyon o kailangan ay maaari ka nang umalis. The door is open, Mister!" Inis sa singhal ko sakanya.
"I need you.." birit pa nito.
"And I don't! Leave! Now.." I glared at him.
"If that what makes you happy.. Sure," he nodded. "I know I deserve this, anyway."
Then he left. Bumagsak ang balikat ko. Umiling lamang ako. Buti nga at hindi na ito namilit pa. Wala na siyang pag-asa. Maaaring bigyan ko siya ng karapatan sa mga anak ko pero hinding-hindi na ako babalik sa kanya. Kahit gumuho pa yung mundo! Magdusa siya.
Sinundo naman ako ni Nathan sa flower shop. Kumain kami sa labas at nagtake out na rin para sa tatlong chikiting sa bahay.
Nang makarating kami sa bahay ay agad na tumakbo si Anna patungo kay Nathan. "Papa Nathan!!"
Habang ang dalawa ay nakaupo lamang sa couch. "Welcome back, Tito Nathan," sabay pa nilang sabi nang walang emosyong bahid sa mukha.
"Oh! You're home na pala. Sayang di niyo naabutan si Dre. Kumain na ba kayo?"Bungad ni Kira.
Tumango lamang si Nathan. "Oo, we ate our dinner together a while ago. Kayo ba?"
"Ah, yes." Sagot naman ni Kira.
Niyakap naman ni Nathan ang mga bata at binigay ang pagkain kay Kira.
"Sige, ako na bahala rito. Mukhang gusto rin nila kumain ng dessert," sambit ni Kira.
"May Sampaloc na rin dyan.." Nakangiting sabi ni Nathan.
"Talaga po, Papa Nathan?" Nagniningning na matang tanong ni Anna.
"Yes, baby.." Nathan chuckled.
Tumili si Anna at tumakbo na papuntang kusina. Sumunod naman si Dristan at Theon.
Bumaling sa akin si Nathan. "Oh paano? Mauna na 'ko, Mae."
I smiled at him. "Sige, thank you, ha?"
"No prob. Basta ikaw," he winked at tumawa ako.
"Baliw," I just said at hinatid ko na siya palabas ng bahay, papunta sa kotse niya.
"Bye," he said the kissed me on the cheek.
"Bye.. Ingat ka, ha?" I said and he nooded.
"For you," birit niya pa at umalis na.
Pagkapasok ko sa bahay ay umakyat muna ako sa kwarto ko nang may nakita akong nakaawang ang pinto sa playroom ng tatlo.
Narinig ko ang bangayan. Akala ko si Dristan at Anna pero hindi.. ang mga anak ko iyon. Si Anna at Theon.
Aawatin ko na sana nang nagsink-in sa akin ang bangayan nila at nanghina ako.
"Stop calling him Papa! He's not our Papa!" sigaw ni Theon.
"He is our Papa! He loves Mommy!" Umiiyak na sambit ni Anna.
"Mommy is enough for us," galit na sabi ni Theon.
"Kuya.. I miss Daddy. He will come back, right? Like what Tita Kira said?" Anna hopefully asked. Kapag nag 'kuya' na si Anna, it means she's accepting defeat na kay Theon.
"Yes.. I'm sure Daddy will come back. So stop calling Tito Nathan 'Papa'," sabi pa ni Theon at iniwan na lamang si Anna. May tatlong pintuan roon na konektado sa kwarto nila. Tig- iisa sila ng kwarto. Gusto kong hagkan ang anak ko pero umiiyak ako ngayon at ayaw kong nakikita niyang mahina ako.
Lumabas naman si Dristan sa isa sa mga pintuan roon at nilapitan si Anna. Napangiti ako nang bahagya. Someday.. maiintindihan rin nila without hating me and Matt.. I hope so..
Pasensya na, mga anak.. Malabo na kasing maging buo ang pamilyang ito..
BINABASA MO ANG
Unfaithful Husband
Romance"I thought we'll work this marriage out. But I guess that was just one of my dreams. He was the man I want to spend my life with. Tatlong taon. Tatlong taon akong nagtiis sa pag-uugali niya. Akala ko okay kami, hindi pala. Noong una, ang saya pa.. P...