Penelope's POV
Tulala akong tumingin sa kisame. All I kept on thinking is that he doesn't love me anymore..
Is it true?
I can't believe it. Ewan ko pero feel ko nagsisinungaling siya. Pero, hindi kaya ganon talaga? Eh kung hindi niya ako mahal, edi sana nagpafile na siya ng annulment diba?
Or baka naman naaawa siya sa akin kaya ganun? Dapat ba akong matuwa kasi at least naaawa siya at hindi nagfile ng annulment o dapat ba akong magluksa kasi hindi niya na ako mahal? At kasi awa nalang ang natitira para sa akin?
Bumuntong hininga ako. Tears rolled down my cheeks. Hindi na ako natutulog sa kwarto namin. At siguro ikakasaya niya 'yun. Ganoon naman ang gusto niya, diba? Ang magdala ng babae..
Wala naman na daw akong karapatan sa bahay na 'to. So parang tinanggalan niya na rin ako ng karapatan sa kanya? Ganoon ba yung pinaparating niya?
I cried last night to sleep. And now, 'di pa rin ako lumalabas ng kwarto. Alam kong nakaalis na siya para sa opisina. Lagi namang ganoon, e.
Do I must stick with him still? No one will ever made me feel this way, anyway. I love him to death. Kaya kong gawin lahat para sa kanya. Siguro, kahit ikakamatay ko pa, gagawin ko pa din.
Pero hindi ko siyang kayang iwan. At masaya akong hindi niya hinihiling iyon. Or baka hindi pa sa ngayon..
Umupo ako sa pagkakahiga sa kama. Pinunasan ko ang luha na tumulo kanina na parang gripo. Pumunta agad ako ng cr para mag-ayos ng sarili.
Nakita ko sa salamin ang isang miserableng Penelope. Ano na bang nangyayari sayo, Penny? Nasaan na ang malakas na dating Penelope?
Inayos ko ang sarili ko. Hindi ako nag-iwan ng kahit niisang bakat na umiyak ako. Buti nalang at hindi naman nagmumugto ang mga mata ko sa ngayon. Tinakpan ko 'yon ng make up.
I'm not fund of those pero kinakailangan din pala sila kahit minsan, e. Bumaba ako at halos matalisod ako nang nakita ko si Matt na nagbabasa ng dyaryo sa living room.
'Wag mo nalang pansinin, Penny. Ano ba?
At napagdesisyunan kong 'wag muna siya pansinin at baka mag-away nanaman kami. Mag-alala pa si manang sa amin, e. Makakaabot pa sa pamilya namin. Nako, isang malaking problema pag nagkataon.
Nang lalagpasan ko na sana siya, bigla siyang nagsalita.
"Penelope.." Aniya sa isang malamig na tinig.
Hindi ako lumingon. Ni hindi rin ako nagsalita. Pero tumigil ako sa paglalakad. Ayokong makita siyang nanlalamig nanaman. Boses at tinig niya palang sa pagsasalita, nasasaktan na ako. Paano nalang kapag nakita ko na sa mata niya na hindi na nga talaga ako? Ayoko ng ganoon.
"Basahin mo 'to." Aniya na nagpalingon sa akin. Ang dyaryo ba?
Ngayon ay nakatingin ako sa kanya na hawak hawak ang isang pang-eleganteng imbitasyon. Lumapit ako at kinuha sa kanya 'yon na agad niya binitiwan ng nahawakan ko na ang dulo nun. Muntik ko pa ngang mahulog 'yon pero buti nalang nahigpitan ko pa kahit papano.
Binasa ko naman ang nakalagay roon. It's the 41st anniversary of their company. The Anderson Corp.. Ang tanda na nga pala 'yon. Pero ang taas pa din talaga ng sales. The day after tomorrow na iyon. Bukas, magpapaspa ako at pupunta kela Amanda. Gusto ko siyang kausapin ulit at ilabas ang hinanakit ko kay Matt. Para kahit papano, gagaan ang pakiramdam ko.
"And?" Nakataas na kilay kong sabi. Pero nakatingin pa din ako sa invitation. Hindi ko siya kayang tingnan, e.
"You'll be my partner in that event." Aniya at tumayo na. Habang nakatalikod siya sa akin, ang lapad na ng ngiti ko.
Sa lahat ng babae niya, ako pa rin talaga. Sa'kin pa rin ang bagsak niya..
And that made me smile wider.
Nang paakyat na siya, may katagang siyang sinabi na sana 'di niya nalang sinabi..
"I don't want others to think otherwise about our relationship. My reputation in the business world will be ruined." Aniya at tuluyan ng umakyat.
Napawi ang ngiti ko sa katagang iyon. Masakit talaga pag siya na ang nagsalita, e. Parang ang daming pako at kutsilyo ang tumutusok sa puso ko. Parang ganoon? Nakakaiyak pero nauubos din naman ang luha ko. Pagod na akong umiyak.
Kung gaano namin kasaya noon, ganoon naman ang kalungkutan ngayon. So totoo nga pala 'yung sabi nila na lahat ng kasiyahan ay may kapalit na kalungkutan. Eto na siguro 'yon.
Agaran akong pumunta sa kwarto ko at nagbihis. Ayokong mag-isip ng kung ano ano. I want to get out of here, ngayong araw lang. Ayokong nagkukulong dito. Magsasaya nalang ako sa labas ng bahay na 'to.
Nang bumaba ako ay nakita ako ni Manang.
"San ang punta mo?" Aniya na nagtataka.
"I'll just go shopping po." Sabi ko at ngumiti.
"Hindi ka pa kumakain, ah? Kumain ka muna.."
"Sa labas nalang po, manang. May i-mimeet up po ako ngayon, e. Malelate na po ako kung kakain pa ako." Pagsisinungaling ko. Tumango naman siya. I know I'm a good liar. Anong silbi ng pagthetheater ko noon, diba?
Lumabas naman ako at pinatunog ang kotse ko sa garahe.
"Miss, how much is this?" I asked the saleslady. Turo turo ko yung dress na nakakuha ng atensyon ko. It's more like a gown na may slit at kita medyo ang cleavage dun pero sanay naman ako.
Ang tagal din simula nang sumuot ako ng ganitong damit. Hindi ako pinapayagan ni Matt noon. Pero ngayon, hindi naman na siguro big deal iyon sa kanya.
Kasalukuyan akong nasa starbucks habang nagcecellphone. Mayroon akong dalang 6 shopping bags with me. Pero hindi naman isa lang ang laman ng bawat bag na 'yon.
Oo, shopaholic ako. Ngayon na nga lang ata ako ulit nakapag shopping, e.
Napatalon naman ako ng bahagya nang may biglang nagsalita sa harapan ko.
"What?" Mataray na tanong ko. I furrow my eyebrows at him.
"I'm sorry but can I sit here?" Aniya nang nakangisi. Tumingin ako sa paligid at kitang wala na ngang bakante.
"Fine." Sabi ko.
"Ang bilis mong makalimot sa akin, huh?" Aniya na nagpakunot sa noo ko.
Tiningnan ko siyang mabuti. More like, tinitigan ko siya ng ilang minuto.
Nanlaki naman ang mata ko nang napagtanto ko kung sino siya.
"Allen?" Gulat na sabi ko. Who is he? He's my ex suitor, anyway. And a friend of Matt.. at the same time.
BINABASA MO ANG
Unfaithful Husband
Romance"I thought we'll work this marriage out. But I guess that was just one of my dreams. He was the man I want to spend my life with. Tatlong taon. Tatlong taon akong nagtiis sa pag-uugali niya. Akala ko okay kami, hindi pala. Noong una, ang saya pa.. P...