Chapter 10

6.1K 103 1
                                    

CHAPTER TEN

Penelope's POV

"May I have this dance?" biglang aya ni Matt.

Nagulat ako sa pag-aya niya. Hindi ko iyon inaasahan. Am I dreaming? Slap me if I am!

"Penelope?" Tanong niya na may halong iritado sa tono. Agad naman akong napatayo roon. Isasayang ko pa ba ang chance?

Sobrang lawak ng aking ngiti sa harap niya. Hinawakan niya ang kamay ko at nanisay naman ako sa kilig. Para akong bata. Hays.

Marami naman ang bahagyang nagtilian nang makita kaming dalawa na pumunta sa gitna. Isa na roon ang aming mga magulang at kakilala.

Nang nakapwesto na kami upang sumayaw, nagulat ako sa kantang itinugtog. Para bang nakatakda ito sa akin, sa amin. Sa kung anong ganap sa relasyon namin.

"Lagi nalang ganito,
Lagi nalang nabibigo,
Isipan ay gulong gulo,
Ngunit ikaw pa rin sigaw ng puso"

Matt, bat ba kasi nagiging ganito? Ako nalang yung lagi mong pinapaasa. Hindi ba pwedeng hindi naman ako yung nabibigo sa kakahanap ng sagot? Gulong gulo na ako. Nasasaktan ako pero hindi kita kayang iwan. Ikaw pa rin talaga ang nasa puso ko.

"Ilang liham na ang sinulat sayo,
Ilang luha na rin ang natuyo"

Ilang beses ba akong umiyak at iiyak ng dahil sayo? Minsan mo nalang ako napapangiti.

"Kailan kaya muling makakatawang hindi ko pinipilit, walang lungkot na sumisilip?

Kailan kaya muling makakamit ang iyong yakap at halik nang hindi sa panaginip? Kailan? Kailan? Kailan? Ang dating tayo.."

Nasaan na nga ba yung Matt na minahal ako ng lubos? Yung Matt na lagi akong sinusuyo? Yung lagi akong pinapatawa? Yung hindi ako pinapabayaan? Yung seloso? Yung nagagalit kapag nagcecellphone ako tapos kasama ko siya?

Kailan babalik ang dating tayo? Yung dating tayong tumatawa bigla kahit wala namang nakakatawa? Kailan, Matt? O baka naman wala na talaga?

"Kung ano man ang totoo,
Isip man ay litong lito,
Handa akong sumalo,
Pagkat ikaw pa rin sigaw ng puso"

Kahit ano pa man ang totoo, Matt, tatanggapin pa rin kita ng buong puso gaano man kasakit. Pero kung hanggang dito nalang talaga, titigil na ako. Kahit litong lito na ako sa pagitan nang iwan ka o manatili, ikaw pa rin ang nilalaman ng puso ko.

Inangat ko ang tingin sa kanya habang sumasayaw kami. Hindi ko alam kung guni guni ko lang ba iyon pero nahuli ko ang pag-aalala sa mukha niya habang nakatingin sa akin. Ngunit, agad rin itong nawala at napalitan nang isang malamig na ekspresyon.

"Bat ka umiiyak?" Aniya sa isang malamig na tono.

"Huh?" Nagtaka ako at agad hinawakan ang pisngi ko. Basa nga ito. Nanlaki ang mata ko nang napagtanto ko ito.

"Punasan mo iyan. Kumakalat ang make up mo." Aniya at tumango lang ako.

"S-sige, cr lang.." Sabi ko at umalis sa harapan niya.

Tumungo ako sa cr ng pambabae, syempre, at inayos ang sarili ko.

Pinunasan ko ang basa kong pisngi at inayos ang make up ko. Buti nalang dala dala ko yung powder at mascara & eyeliner in 1 ko na make up sa purse ko. Dala dala ko itong purse habang sumasayaw kami kaya wag ka ng magtaka.

Pumasok naman ako sa isang cubicle at umihi. Nang natapos ako ay lalabas na sana ako ng cubicle pero may narinig ako kaya naman umupo muna ako sandali.

"Girl, ikaw na talaga. Bilib na ko sayo!" Ani nang isang babae.

"Aba syempre naman. Ang tanga nga nung asawa niya, e."

"Huh? May asawa na pala iyon? Ikinasal na sila nung Penelope Mae na iyon?"

Bahagya akong nanigas sa kinauupuan ko. Did I just hear my name? The fuck? Si Matt ba at ako ang tinutukoy nila?

"Yep. Hindi naman kasi talaga sila yung magpapakasal, kaso naka-arranged daw kaya niligawan siya ni Matt noong una pa. Ganun."

Matt? Hindi yan totoo! Minahal niya ako! Alam ko iyon! Pinakita niya pa sa akin kung gaano niya ako kamahal noon!

Nang narinig kong lumabas sila ay lumabas na din ako. Napaiyak nanaman ako. Hindi ko na 'to kaya. Uuwi na ako.

Tumungo ako sa parking lot. Pupunta na sana ako sa sasakyan ko nang may napansin ako.

I froze into my spot and anger filled my whole system. Mas masakit palang makita ang ganito. Yung tipong 10 steps away lang sila sakin. Magkatabi kasi ang sasakyan namin ni Matt.

You know what I saw?

Matt kissing a girl passionately.

Pinunasan ko ang luha ko at huminga ng malalim. Napatingin si Matt sa gawi ko, pati na din ang babae.

"P-penelope.. L-let–"

"S-stop please." My voice broke.

Tinaasan ako ng kilay ng babae niya at ngumisi. "Hi Penelope.."

"Hello Vianne.." Nakangiting sabi ko. Kung hindi ako nagkakamali, siya iyong unang babaeng niligawan ni Matt. Siya rin ata iyong babae kanina na narinig ko sa cr.

"Alam mo, istorbo ka." Diretsuhang sabi ni Vianne.

Napatungo naman ako roon.

"Vi." Malamig na saway ni Matt sa kanya.

Tumingin muli ako sa kanila. Ngumiti ako kay Matt.

"No, it's fine, Matthew. Sorry if I disturbed the both of you.. It won't happen again. I swear. I won't bother the two of you anymore. Happy wishes.. Goodbye, Matthew." Sabi ko at tuluyan nang umalis.

Nang nakasakay na ako sa kotse, kita ko sa rear mirror na gusto akong pigilan ni Matt pero hinahawakan siya ni Vianne.

I sighed. "Until we see again.. Matthew Anderson. I love you.."

A tear escaped my eyes and I drove off.

Unfaithful HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon