Chapter 14

6.1K 92 3
                                    

Penelope's POV

I was confused. Hindi ko na siya maintindihan. I immediately dialed Amanda's number.

"Amanda.." As soon as she answered it, my weak voice called her.

"Penny?--Oh my God! Penny! How are you? Are you alright? Sinaktan ka nanaman ba nang walanghiyang yun?" Tanong nito.

"Shh, no. Actually.. naguguluhan na ako.." I sighed.

"Bakit naman?"

"He's like the old Matt.. Bumabalik na ata siya.." I bit my lip. Masaya naman ako roon na bumabalik na siya pero bakit ngayong umalis siya? At bakit ngayon pang gusto ko nang sumuko? Bakit parang gusto niyang bumawi? Pagbibigyan ko ba? Mahal na mahal ko, eh.

Siguro kung malalaman ng iba, sasabihin nilang napakatanga ko. Pero kasi, alam ba nila ang pagmamahal na mayroon ako sa kanya? Saksi ba sila nang nakaraan namin? Hindi, kaya walang nakakaintindi sa akin kung bakit pinilit kong isalba ang relasyong 'to.

"What? Sigurado ka ba dyan? Bakit ba ang mga lalake ngayon eh malala pa sa babae kung maging moody," Anito na tila ba nagpaparinig.

"Hoy, hon! Ikaw kaya ang malala sa ati--" rinig kong buelo ni Jerome.

"Shut up!" I could imagine Amanda rolling her eyes. "Sorry for that, Penny. So ayun, siguraduhin mo yan, ha. Umayos siya kundi ako makakaharap niya!"

I chuckled. "Hindi ako sigurado pero naguguluhan na ako, Amanda.. Can we meet this week? I want to open up things."

"Oh sure, this Thursday, I'm free," aniya.

"Thank you, see you.."

"See you, Pen, bye!" She said then I hang up the phone.

Sa mga nagdaang araw, I just keep on reading a book, cleaning, shopping, at iba pa. Matt keeps on calling and texting me which I never expected.

At ngayong nagluluto ako, I didn't expect again na tatawag siya.

"H-hello?" I stuttered.

"Hey.." I smiled as I heard his deep husky voice.

"Napatawag ka?" I asked. Itinakpan ko muna ang niluluto ko.

"I just miss you, Penny.." I blushed as he said those words.

"Hmm-hmm," was the only thing I could say.

"Don't do that," he quickly said.

"Huh? Ang alin?" I furrowed my eyebrows.

He sighed. "My innocent baby," I heard he mumbled. Ano ba yan! Bakit ganito ito? Kinikilig ako!

"Ano ba kasi yun?" Pagpupumilit ko.

"You moaned, love, don't do that or else.." pagbabanta nito.

Ngumuso ako at nagpipigil ng ngiti kahit hindi niya naman ako nakikita.

"Or else what?" Paghahamon ko. He just groaned. Napatawa naman ako.

Ilang saglit ay tahimik lamang siya. Nagtaka naman ako.

"Hello?" sambit ko.

"It's so good to hear your laugh. That made my day," he said.

Umirap ako sa kawalan. "Uh, huh, sige na, nagluluto pa ako. Bye.."

"Bye.." he said. Even though I want to say the three words, ayaw ko muna so I ended the call. Hindi dapat ako ang mauna. Hindi sa pagpapabebe pero titigil muna ako. Hindi pa ako sigurado kung may makukuha akong sagot.

Binalikan ko naman ang niluto ko. Napatalon ako nang tumunog uli phone ko. May nagtext. Nanlaki ang mata ko.

From: Love 💖

I love you.. take good care of yourself, okay?

Mabilis pa sa alas-kuwatro akong nagtipa.

To: Love 💖

Will do, love. I love you too.

Nang dumating na ang Thursday ay napag-usapan naming sa bahay nalang nila Amanda dahil walang magbabantay sa bata. Medyo busy kasi sa kompanya si Jerome dahil hindi pala ito pumasok nang ilang araw at sinasamahan lang sila Amanda.

Nang nakarating ako roon ay saktong tulog pala ang bata. Alas-dos na kasi ng hapon at dumaan pa ako sa mall para bumili nang mga makakain kahit alam kong maraming pagkain sa bahay nila, syempre dapat may dala pa rin.

Inilagay naman ni Amanda ang pizza sa table at kumain kami.

"So ano ba itong problema?" She asked.

"I've decided to leave him nang makita ko siyang may babaeng kasama at kahalikan, Mands.." I trailed off.

"Ang kaso.. bumabalik na siya sa dating siya? Tama ba ako?"

I nodded. "Ano ba ang tamang gawin?"

"Pati ako, naloloka ha. Hindi ko rin alam, eh. Kasi kung ako nasa pwesto mo, noong gago pa siya eh iniwanan ko na agad!" She shook her head. "Which is.. di mo ginawa kaya hindi ko alam!"

I sighed.

"But, Penny? Alam mo, nagtataka rin ako sa kinikilos ni Matt. We've known him since teenage years kaya hindi ko alam bakit naging ganyan siya. Alam namin kung gaano ka kamahal nun noon pero hindi ko talaga siya matantiya sa nagagawa niya now. Never namin inexpect yun," she said.

I just weakly smiled. My phone beeped. Ikinuha ko iyon at hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Ano nanaman ba ito?

From an unknown number, I received a photo. It was Matt with pokerface and a girl smirking holding a phone while clinging into his arm.

I gripped my phone and glared at it.

"What's that?" Amanda asked. I threw the phone in the table. She saw it with eyes wide, shocked.

"Tangina niya!" Hindi napigilang bulyaw ni Amanda.

He never really changed at all and I don't think he will ever.

Unfaithful HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon