Chapter 12

6.1K 103 4
                                        

Chapter 12

"Hoy, Penelope." Nawala ako sa aking iniisip nang biglang sumigaw si Matt.

"Nakikinig ka ba?" I looked at him, emotionless. "Oo." Sagot ko.

"I will fly to London this week. Ikaw na ang bahala dito. 'Wag na wag kang gagawa ng kung anu-ano, naiintindihan mo?" I just nodded. Nasasawa na ako sa mga paalala niya. At wala na rin akong pakialam kung aalis siya o hindi. Gawin niya kung anong gusto niyang gawin.

"M-Matt." And now, I will make the hardest decision in my entire life.

"Maybe it's time for us to separate." Muntikan niya nang mahulog ang hawak na kutsilyo.

Nasa kusina siya't gumagawa ng sandwich. Tipid akong ngumiti sa kanya.

He scoffed. "Come again?"

Kinakabahan naman akong tiningnan siya sa mata. I don't know if I'm hallucinating or I saw the pain in his eyes but quickly vanished away. Hindi ko kaya.. iniwas ko ang paningin ko sa kanya. Tsaka bat siya masasaktan? Siya itong nangloloko diba? Ano bang sapat na rason niya para gawin 'yun? Gusto kong malaman.. pero.. baka masaktan lang ako sa malalaman ko.

"Penelope!?" He shouted with a loud thud.

Bahagya naman akong napatalon roon. Pero hindi pwede. 'Wag ka nang magpaapekto, Penelope. Tumigil ka na! Tama na lahat nang pagpapakatanga.. please, Penny.. please.. Maawa ka sa sarili mo.

Bumuntong-hininga ako. "Matt, I'm not asking for your permission. I think it's better for us to separate.. I think.. mas maganda kung we let go of each other. Baka.. baka hindi talaga tayo yung para sa isa't isa.." Inangat ko ang ulo ko para hindi tumulo ang nagbabadyang luha. Luha, tangina, 'wag ngayon.

"Don't decide on your own. This is not a.. one sided marriage. Dalawa tayong kinasal, kaya hindi lang ikaw ang masusunod.." He trailed off then went away. Hindi ko alam pero I heard him sniffed and murmured something? Hindi ko kasi siya tinitingnan. At hindi ko narinig ang sinabi niya sa huli.

Sa nangyaring iyon, hindi ko alam. Naguguluhan ako. Nang narinig kong lumabas na siya sa bahay. Napahawak ako sa kitchen counter at tumulo na yung luha ko. Umiiyak nanaman ako nang dahil sa kanya! Nakakapagod na! Ayaw ko namang umiyak pero ang sakit sakit kasi, eh. Parang nasaktan din ako sa nasabi ko sakanya. Hindi ko kaya!

Sandali, alam kong kaya ko pero ayaw ko ata talaga siguro? Natatakot ako.

Pinanghahawakan ko yung kasal kami, ibig sabihin, sa mata nang karamihan ako ang nagmamay-ari sa kanya. Pero.. pwede bang ako na muna? Sarili ko muna?

Ayokong mag-away kami kaya sige, papakisamahan ko ang gusto niya. Mananatili ako. Kaso ewan..

Sumagi nanaman sa aking isipan ang mga nasaksihan kong kahalikan niya ang mga ibang babae. Namuo nanaman ang galit ko.

Buong araw na iyon, wala akong ginawa kundi magbasa, maglinis at matulog lamang. Nang gabi na ay nagluto pa rin ako ng hapunan kahit alam ko namang for sure eh late yun uuwi. Sige nalang.

Naghahain na ako. Naglagay pa rin ako ng plato sa pwesto niya.

"Good evening.." I heard him kaya bahagya akong nagulat. Iniwas ko naman agad ang tingin ko sa kanya. Tumango lamang ako.

Umupo siya sa harapan ko at kumain na nang nagsimula na rin akong kumain.

Walang maririnig kung hindi ang pagtatama ng kubyertos sa plato.

"Hindi ka umalis ng bahay?" Pagtatanong niya.

Umiling ako at nakatuon ang pansin sa pagkain.

Tumango-tango siya.

"Gusto mo bang sumama nalang sa London?"

Napaangat ako nang tingin sa kanya. Parang labag sa loob naman siguro yang pag-aalok niya?

Bakit hindi yung babae mo ang idala mo? Ang sarap tanungin niyan kaso nanatili akong tahimik. Umiling lamang ako. Ayoko.

"Bakit naman?" usisa pa nito.

"Wala akong gagawin doon," diretsang sabi ko.

"Sabagay, magiging busy ako roon baka hindi rin kita maasikaso.." Aniya. Kailan mo pa ba ako inasikaso?

Tinaasan ko ito ng kilay. "Yeah.."

"As if you really care about me, lol," I murmured.

"What was that?" He furrowed his brows. I shrugged.

"Nothing, uhm.. I said.. I'm done.." He stiffened. ".. eating. I'll be in my room. Iwan mo nalang sa sink yung pinagkainan. Bababa pa naman ako, maya."

I didn't wait for his reply. I immediately went upstairs without looking back.

Unfaithful HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon