Chapter 28

7.7K 108 8
                                    

PENELOPE MAE CALTER ANDERSON ON THE MULTIMEDIA

Penelope Mae's POV

Inaasikaso niya ako na tila bang para kaming tunay na mag-asawa. Habang inalalayan niya ako ay nakatitig lamang ako sa kanya. Walang pinagbago. Ang gwapo niya pa rin.

Hindi pa rin ako makapaniwala. He cooked for me and we're eating our breakfast right now. Hindi na ako umalma sa kagustuhan niya. Dahil sa rason niya ay parang may mumunting nabuhay sa puso ko at nawala ang bahid ng galit. Hindi ko alam na ganoon na pala ang nangyayari sa buhay ko. I was very clueless!

"Alam kong gwapo ako, Pen, but don't stare too much. You should eat," he smirked. I looked away. Loko pa rin talaga. Hindi ko alam pano niya nagagawang maging ganyan kasaya kahit alam niyang matatapos rin ito kalaunan.

"Pen," mahinang tugon niya. Nilingon ko siya. His smirk a while ago turned into a sad smile. "Please?"

I sighed in relief. "Sige, let's eat."

Habang kumakain kami ay ang dami niyang kwento. "I love this place. I even brought those children in charity here in this island para lamang matuwa sila. They were happy and I couldn't help but smile seeing their happy faces while thanking me," aniya. I half smiled. He could really be a good father. Naguiguilty ako kasi itinago ko sa kanya ang bata. Nang dahil lamang sa mga maling akala..

Pero nasaktan din kasi ako noon kaya hindi niya ako masisisi. Pero mas masakit nga naman iyong ginawa ko. Natatakot lamang ako na baka kunin niya ang anak ko sa akin pag nalaman niya at kamuhian ako.

"You used to be the talkative one, Pen," he sighed. "I hope hindi kita naprepressure sa ginagawa kong 'to. Kung ayaw mo naman, uhm, pwede naman na tumanggi ka. Ipapabantay nalang kita sa iba at ipapabilis ko nalang ang proseso para maging ligtas ka."

Magsasalita na sana ako kaso walang lumabas sa bibig ko. Bigla naman siyang bumuntong-hininga muli at umalis.

Nanatili ako sa pwesto ko at malungkot na lamanga siyang tiningnan. Bakit ganito pa kasi? Last three days? Kakayanin ko bang bumalik kami sa dati? Kakayanin ko rin bang pakawalan siya pagkatapos? Hindi ko na kailangang magpanggap. Mahal ko siya eh. Mahal na mahal. Pero ayaw kong maattached. Kahit ganoon ang rason niya eh papaano kung magibs nanaman ang ihip ng hangin? Nakakatakot sumugal.

Pagkatapos roon ay naligo na lamang ako. Tulala pa rin ako't nag-iisip. Hindi ko na alam ang gagawin. Tumulo ang luha ko. Kakayanin ko 'to. Para sa pagmamahal ko sa kanya. Sobrang tanga man pero wala eh nagmamahal lang ako.

Paglabas ko ay wala pa rin siya. Hindi pa rin siya bumabalik. Tatlong oras na akong naghihintay pero wala pa rin siya. Hindi ko alam ang buong isla na ito. Kung saan ang daan o iba pa. Pero mahahanap ko naman siguro siya? Ilang minuto din akong naglakad lakad. Babalik na sana ako nang may nakita akong parang hardin na may kubo na malaki na parang bahay nga. Sa totoo lang, ang ganda ng isla. Resort na resort ang dating. A luxury resort pero hindi ko alam bakit hindi ito sikat. Mukhang tambayan niya lang ata ito eh. Pumunta ako sa kubong iyon. Open lang yung kubo sa ibaba. Parang kainan ganoon pero two storey kasi ito kaya hinanap ko ang hagdan.

Nang umakyat na ako, there, I saw him umiinom at tumitingin sa swimming pool sa ibaba na may bar. Yep, may bar doon sa pool pero wala namang tao at umaga pa kaya kami lang ang naroroon.

Hindi niya naramdaman ang presensya ko. Nakatalikod siya sa akin. Dahan-dahan akong lumapit. Tulala siya at tila ba'y may malalim na iniiisip.

I hug him from the back. He stiffed and then umikot paharap sa akin. I smiled at him. Hindi siya makapaniwala. Iyon ang nababasa ko sa kanyang reaksiyon.

"Look, Matt.. Let's enjoy our remaining days, love," I said and all he did was to stare at me and nod his head yes. Cute.

"Ano? Tititigan mo lang ako?" Nagtatampong sabi ko.

He chuckled. "I miss you, love. So much," niyakap niya ako. His face nestled on my neck. Niyakap ko naman siya pabalik.

"I miss you more, my love," sagot ko. He swayed and we're like dancing in a slow rhythm while hugging. Kahit walang sound, it's very romantic.

"I love you.." he muttered.

Napangiti ako. Kinilig ako 'don, ha. "I love you more.."

Mas humigpit naman ang yakap niya na tila bang walang planong pakawalan ako.

"Hey, let's enjoy our day nga diba? C'mon," pinipilit kong itulak siya pero natawa na lamang ako nang ayaw niya pa ring kumawala sa yakap.

"Yakap ka lang, masaya na ako.." he said.

Unfaithful HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon