Chapter 9

5.3K 81 0
                                    

Penelope's POV

"Wow! You look beautiful tonight, Penelope!" Tita Klare praised. I smiled tsaka nakipag -beso.

"And you look amazing, Tita Klare. Para nga pong wala pa kayong anak eh." I said. Totoo yun. Hindi mukhang nasa 40s na si Tita. Blooming na blooming pa rin kahit may anak na.

Natawa naman siya sa sinabi ko. "Naku, ikaw. Nambobola ka pa."

Ngumiti na lang ako. "Can you do me a favor hija?" Bigla niyang tanong.

I smiled a little. "Ano po yun, Tita?"

"Mama na lang ang itawag mo sa'kin." She grinned. Napatigil naman ako. "Don't tell me nahihiya ka pa rin?" She said.

Bago pa man ako makasagot ay nakita ko si Tito Dave na papalapit sa direksyon namin. Kumaway ako at ganun rin si Tita. Niyakap ako ni tito pagkalapit niya samin. Hinalikan niya naman si tita Klare.

"Oh, why don't you sit? Madami namang upuan." He joked. Pabiro naman siyang hinampas ni tita sa braso.

"Nag-uusap pa kasi kami. By the way, where's Matt?" Biglang tanong ni tita. Nasaan na nga ba ang asawa ko? Mas nauna pa ako sa kanya sa pagpunta dito. Tinext ko siya kanina pero wala pa akong natatanggap na reply. Where is Matt?

"Akala ko kasabay mo siya, Penelope?" Takang tanong sa'kin ni tito. Napakunot-noo ako. Hindi naman talaga yun sumasabay sa akin. Nakakapagtaka lang na mas nauna ako sa kanya dito. Eh 41st anniversary pa naman ng kumpanya nila.

Hindi naman yun nagpapahuli sa ganitong okasyon. At dapat nga na i-eescort niya ako rito. Nasaan na ba siya?

Anong nangyari sa reputasyon na iniingatan niyang sinasabi niya? Ang gulo niya, ah.

What I'm wearing is kinda seductive, I know that. Pero wala akong pake dahil hindi naman na ako pagsasabihan ni Matt katulad ng noon. Hindi niya na nga ako mahal diba?

Luminga-linga ako para hanapin siya pero nabigo ako nang hindi ko siya makita sa ilang daang mga tao rito.

"Hindi po kami nagkasabay. A-ayaw ko po kasing sumabay sa kanya. Baka po kasi pagsasabihan niya lang ako sa suot ko." Tumungo ako. I lied, again.

"Oh? You're not free to wear those clothes? How possessive of my son." Sabi ng Mama ni Matt at tumawa.

"Masyado nga'ng revealing. Pagsasabihan ka talaga noong anak ko. Daming nakatingin sayo, oh." Sabi naman ng Papa ni Matt at tumawa rin.

"Nagmana talaga sayo si Matt sa pagkapossessive, ano?" Umirap si Tita kay Tito.

"Sige po, Ti–"

"Mama and Papa nalang, okay?" Sabi ni Tita kaya tumango ako at ngumiti sa kanya.

"Sige po, M-mama, Papa, uupo po muna ako sa–"

Pinutol ni Tito ang nais kong isambit.

"Sa table ka namin iha." Aniya.

"Ay h'wag na po. Madami naman pong bakante, e." Sabi ko at pinilit pa nila ako pero ayoko talaga kaya naghanap ako ng table na puro kaedad ko lang.

Sakto namang nakita ko ang best friend ko na si Amanda kasama ang asawa niya. Nasaan si Ara?

Lumapit ako roon.

"Amandaa!" Tawag ko sakanya nang magkalapit kami.

"Penny! Take a seat. Free naman yan e." Aniya.

"Where's Ara?" Tanong ko.

"Sa bahay. Natutulog na iyon. Napagod sa pagswiswimming kasama mga kaibigan niya, e." Sagot naman ni Jerome.

Unfaithful HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon