Chapter 3

6.4K 96 5
                                    

Penelope's POV

"Penny, spill it. Ano bang nangyayari?" Pangungulit ni Amanda.

Napahikbi ako. Iling lang ang naging tanging sagot ko sa kanya. Hindi ko pa rin alam ba't ganoon na si Matt.

"Penelope!" She sternly said.

"I-I don't know w-why.. A-amanda." I stuttered.

"Ano bang hindi mo alam!?" Naiinip na tanong niya.

"Am I not e-enough? Am I boring? Am I not a good wife? May m-mali ba sakin? Nagkulang ba a-ako? San?" Pumiyok ako sa dulo ng pagsasalita ko.

"W-why are you saying that, Pen–" I cut her off.

"Kasi kaya niya akong ipagpalit!" Gigil na sabi ko.

"Si Matt?! What the actual fuck?" Gulat na sabi niya.

Mas lumakas naman ang pag-iyak ko. Ang sakit sakit. Ba't ganon na siya? Ano bang ginawa ko? Madali ba akong pagsawaan? Ang boring ko ba?

"He changed, Amanda. H-hindi na siya yung mahal kong Matt.." Tumungo ako. Pagod na akong umiyak.

"Penny.. I guess you two should talk abo–"

"Sinubukan ko, Amanda! I tried! But it turned out worse!" Napahagulgol ako. Halos ilang oras na akong umiiyak simula nang umalis siya para pumuntang opisina.

"Penny, ask him if he still loves you .." Napatigil ako sa pag-iyak at tiningnan siya sa mata niya. She's serious.

"Mahal niya ako, Amanda! Mahal niya ako!" Giit ko.

"Pero Penny, alam mo it's really better if you ask him.. Alam kong masakit. But you need to. Do you want a one sided love marriage?" Aniya.

Umiling ako.

"Then if he says he doesn't love you anymore, leave him." Diretsuhang sabi niya.

"Are you kidding me? Hindi ko siya iiwan! Kahit anong mangyari!" Pagpupumilit ko.

Si Matt? Iiwan ko? No! Mahal na mahal ko si Matt. Hindi ko alam ang mangyayari kapag hindi siya ang makakatuluyan ko.

Kahit masakit, titiisin ko nalang. Mas masakit yata kung iiwan ko siya. Mas magiging miserable ako. I know I still have the chance to make him change. I know that.

"Magbabago pa siya, I know.." Mahinang sabi ko.

"Fine, to be honest, Pen, I don't really like your decision but I respect it. I'm your best friend and I'm always here to support you." Seryosong sambit niya at tumango lang ako.

Bigla namang tumunog ang phone niya.

"Sorry, Pen, I need to go. Hope you're fine here. Don't do stuff that can harm yourself." She coldly said and kiss my cheeks.

"T-take care.." Marahan kong sabi.

She sighed. "Hope for the best. Expect the worse and take what comes out."

At umalis na siya. Expect the worse? Huh?

Ipinilig ko ang ulo ko sa pag-iisip ng kung ano ano. Pinunasan ko ang luha ko. Anytime, uuwi na rito si Matt.. or not? Baka naman kasi magdadala nanaman siya ng babae rito. Just like last night..

The scene is still too clear in my memory. Yung parang replay lang ng replay.

Kasalukuyan akong nakaupo rito sa living room habang nakatitig sa malaking painting na nasa harapan ko. It's our wedding picture, in fact. All smiles.

But where's that smiles now?

May kumurot sa puso ko at hindi ko nanaman napigilang mapaiyak. But this time, silently.

Umiling nalang ako at pumunta sa kusina. Magluluto na sana ako nang may narinig akong nagdoorbell.

Sino naman kaya?

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Gosh! I look like a mess! Inayos-ayos ko ang buhok ko at kinuha yung reading eyeglasses na nasa living room.

Pagbukas ko ng pintuan ay nakita ko si Manang na may daladalang bagahe at pamimili.

"Manang? Ba't po kayo nandito?" Gulat na tanong ko.

"Naku, hija, ipinadala ako rito ng tatay ni Matt. Para naman daw may magluluto sa inyo pag napagod kayo.." Makahulugang sabi niya.

Hilaw na ngiti lamang ang iginawad ko sa kanya.

"Sige Manang, pasok ho kayo.." Marahang sabi ko at tinulungan siya sa bagahe niya.

"Ako na ang magluluto ngayong gabi, iha, ha?" Aniya.

"Naku, 'wag na po. Ako nalang po. Nagbyahe pa kayo kanina tapos ikaw pa magluluto? Ako nalang po." Sabi ko.

"Ay hindi.. Okay lang."

"No, manang. You better rest." Giit ko na ikinabuntong hininga niya nalang.

"Oh sige iha, mapilit ka." Marahang sabi niya na ikinangiti ko.

Habang nagluluto ako, nakaupo lamang siya sa counter. Tinatanong ang tungkol sa pagluluto at kung nalilinis ko ba ang bahay sa isang araw dahil sa sobrang laki neto.

"Kayo ni Matt? Kamusta na?" Tanong niya na nagpatigil sa akin sa paghahalo ng ibang ingredients sa niluluto ko.

"O-okay naman, manang. He's still sweet.." Pagsisinungaling ko. Hindi na ako nag-abalang lumingon pa nang sagutin ko 'yon.

"Naku, kayo talaga. Nasaan na ba 'yong batang yun? Bakit 'di pa umuuwi?" Takang tanong niya dahil mag aalas-syete na ng gabi.

"Baka overtime po. Or natraffic lang." Sabi ko na hindi pa din tumitingin kay manang.
Tinakpan ko ang niluluto ko at dun na humarap sa kanya.

"Sinabi niya ba sa'yo?" Tanong niya.

"Hindi po ako sure, e. Hindi ko pa po kasi nacheck yung phone ko. Baka po pauwi na 'yun.." Sabi ko.

"Ahh." Tumango nalang siya.

Habang inaantay naming maluto iyon, nag-usap muna kami ni manang tungkol sa ibang bagay. At syempre, hindi naman mawawala ang tungkol sa amin ni Matt sa pag-uusap namin.

"Kumain na tayo.." Aniya nang inilapag ko ang kanin at kalderetang niluto ko.

"Mauna na po kayo.. Hihintayin ko lang po si Matt." Sabi ko.

Tumango siya. "Sige, hindi nalang din muna ako kakain."

"Manang, you eat." Marahang sabi ko.

"Hija, kayo ang amo ko rito. Dapat kayo ang nauunang kumain.." Sabi niya.

Napabuntong hininga ako. Ayoko namang idamay pa si Manang sa ginagawa ko kaya sinabayan ko nalang siyang kumain.

"Matulog ka na, manang." Sabi ko nang umupo ako sa sofa.

"Matulog ka na din, hija. Sige na." Aniya.

"Hindi pa po ako inaantok, e. Hihintayin ko nalang po si Matt."

"Hays. Sige na nga, good night na. Mahaba habang tulog din ata 'to." Aniya na bahagyang tumawa pa at umakyat na.

10:47pm. Overtime lang siguro.. Be patient, Penelope.

11:58pm. Napahikab na ako. San na ba siya?

12:33am. Tinititigan ko ang clock at ang cellphone ko. Niisang text o miss call, wala.

1:45am. Wala pa din.. Inaantok na ako kaya naman, nakatulog ako. Matt..

I opened my eyes at nakita kong may nakabalot na sa aking comforter.
I smiled. At least, he cared. Pinahahalagahan niya pa din pala ako kahit ganoon. I can't help but to smile like an idiot here.

Tumayo ako sa sofa at pumuntang kusina. Wala pa din si Manang. Mahimbing ata ang tulog niya, ah. 

May narinig naman akong mga yapak pababa ng hagdan. Is that Matt? Patakbo akong pumunta roon pero ang nakita ko ay si Manang.


"Oh Manang, napasarap ang tulog niyo ah?" I grinned at her.

"Gandang umaga ah?" Pabalik na tanong niya sa akin.

Humagikhik lang ako. At least, Matt still cares for me.

"Hays. Sige, magluluto na ako." Aniya at aalis na sana sa harap ko pero tinawag ko siya.

"Uhm. Manang? Nasaan po si Matt?" Tanong ko.

Ay, kakagising niya lang pala! Ba't ko ba tinanong sa kanya yun? Paniguradong nasa kwarto pa siguro si Matt ngayon..

"Umalis na kanina pa. Mga alas-sais. Nagmamadali nga, e. May aasikasuhin pa daw siya sa opisina." Sabi niya at tumango nalang ako.

Hindi niya lang man ako ginising. Well, baka naman hindi niya na ako inabala pa.

"Buti nga eh bumaba ako rito ng medyo madaling araw. Mga alas-kwatro 'yon. Nilalamig ka kaya nilagyan kita ng kumot. Hindi ka man lang inakyat nung asawa mo hays. Baka lubog na yan sa trabaho, ah?" Aniya at napawi ang siglang ngiti sa labi ko.

"Kayo po ang naglagay ng comforter sa akin?" Tanong ko na hindi makapaniwala.

"Oo, hija. Bakit?" Tanong niya.

Umiling ako at bahagyang ngumiti. "Wala lang po. Sige, akyat na ako."

So.. I assumed. Kailan kaya babalik ang mahal kong si Matt? Matagal pa kaya? Buhay pa kaya ako kapag nangyari 'yon? O hinding hindi na mangyayari 'yun?

Simula pa lang 'yan, Penny. Kapit lang.

Umakyat ako sa kwarto para mag-ayos ng sarili ko. Habang naghihilamos ako at tumingin sa salamin, nahagilap ng mata ko ang polo na sinuot ni Matt kahapon.

Pinuntahan ko ito at tiningnan ang collar ng damit na ito. Tumulo na naman na parang gripo ang mga luha ko. Tila parang walang katapusan, ganoon. Halos hindi ako makahinga sa sobrang sikip na nararamdaman ko sa puso ko. How can he do this to me?

What I saw is a kiss mark came from a red lipstick on the collar of his polo. And it breaks my heart into million pieces.

My faith for his love for me just shattered. But I still love him.. Martyr na kung martyr but I'll stay..

Unfaithful HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon