Chapter 2

7.5K 114 2
                                    

Penelope's POV

Maaga akong nagising kinabukasan. Tulog pa rin si Matt. Napagod siguro sa ginawa nila nung babae kahapon. Napabuntong-hininga ako at napapikit ng mariin. Gusto kong marinig ang explanation niya pero nagagalit naman siya. Hindi naman siya ganun nung mga nakaraang araw.. But what happened? Nagdala pa siya ng babae dito sa sarili naming pamamahay. I don't understand him, nagsasawa na ba siya sa'kin? Am I not enough to satisfy him every night? I sighed and leaned on the kitchen counter. I need to talk to someone right now.

Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa table at bumalik sa pagkakasandal. I dialed my bestfriend's number. Three rings before she answered it.

"Hello?"

"Amanda..." Napayuko ako. Parang bumalik na naman ang panghihina ko.

"Oh? Pen? Bakit ka napatawag? May problema ba?" I bit my lip, preventing myself from crying. Fvck this tears.

"P-Pwede ka ba pumunta dito sa bahay mamaya? Uh, are you free?"

"Sige, wala naman akong gagawin eh. Saka ang boring rin dito. Wala sa bahay sina Jerome at Ara. Pumunta sa Bicol dun sa lola nila." Natawa naman ako ng onti sa sagot niya.

"Oh? Bakit hindi ka sinama?"

"Eh? Marami pa akong gagawin dito sa bahay 'no. Maglilinis, maglalaba, magluluto, maghuhugas. Hay, nako. Hindi ko naman pwedeng iwan na lang ang mga gawain dito." Napatango-tango ako. Ang sipag talaga nitong kaibigan ko. She's not like that before. But when she married Jerome, even if she don't want to, she faced her responsibilities. And I salute her for that.

"Perks of being a mother. A housewife rather." I slightly chuckled. I can sense she frowned on the other line.

"Bye na nga, Penny. Mamaya na lang tayo mag-usap ng seryoso pagdating ko dyan. 'Pag sa phone kita kausap, para kang baliw eh." Aniya. I laughed.

"Okay, sige." Siya na ang pumatay sa tawag. Bumuntong-hininga ako at ipinatong ang cellphone ko sa lamesa. Glad I have Amanda now. She is my bestfriend since grade school. Nagkahiwalay lang kami nung nagka-asawa na kami pareho. But of course we still have communication. Ara Wayne is her only child. 7 years old na si Ara at grade two na. One thing I admire about her is, she raised her child very well. Mabait na bata si Ara at nagmana sa kanyang ina. I smiled bitterly. Gusto ko na maging ina, pero sa sitwasyon namin ngayon ni Matt, mukhang hindi hindi na mangyayari. Pumikit ako at huminga ng malalim. I really need to talk to him. Hindi ako matatahimik hangga't hindi siya nagpapaliwanag. Nagluto ako ng breakfast at inayos ang table. Habang naghahain ay nakita ko si Matt na pababa na ng hagdan. I faked a smile. Naka-boxers at manipis na tshirt lang siya.

"Good morning." I formally said. Tumango lang siya at umupo na. Umupo na rin ako at nagsalin na ng pagkain sa plato. Walang umiimik sa'min. Tanging tunog lang ng kutsara na humahampas sa plato ang maririnig. I cleared my throat and broke the silence.

"So, how's work?" Tiningnan niya ako saglit at pinagpatuloy ang pagkain.

"Good." He simply said. Tumango lang ako.

"How's the girl's performance last night?" Nakita kong natigilan siya sa pagkain. I smirked. "Was she good in bed? Is she better than me?" Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag-igting ng kanyang panga. Tumingin siya sa'kin at kung nakakamatay lang ang tingin, baka kanina pa ako pinaglalamayan.

"Stop your shits, Penelope and just eat." He coldly said. Parang may sumaksak na naman sa puso ko. How can he do this to me? Naramdaman ko ang pag-init ng gilid ng aking mga mata. Naiiyak na naman ako. Why did he suddenly changed?

"Ipakilala mo naman ako sa kanya. I just want to know her." Pumipiyok na sabi ko. Nagulat ako nang tumayo siya at hinampas ng malakas ang lamesa. Tumalsik ang mga kutsara at tinidor sa lakas ng hampas niya. Buti na lang hindi nasama yung mga plato naming may pagkain pa.

"Pwede bang tumahimik ka na lang?! Kumakain tayo tapos kuda ka nang kuda! Kawalang gana!" With that, he stormed out of the dining room. Leaving me, crying again. Hindi ba dapat ako ang magalit? He fucking brought a girl here. Here in my OWN house. At hindi ko lubos maintindihan kung bakit siya pa ang galit.

Sa sobrang inis ko ay hinagis ko yung baso na may laman pang tubig. Wala akong pakielam kung may masira man akong gamit. I am fucking hurt right now. Gusto ko siyang magpaliwanag pero parang wala siyang time makipag-usap sa'kin. He's avoiding opening that topic to me because he's guilty. Hinagis ko pa yung isang baso malapit sa'kin at pinagsisipa ang table.

Bakit, Matt? May nagawa ba akong mali para gantihan mo ako nang ganito?

Unfaithful HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon