Chapter 18

6.6K 92 2
                                    

Note:

Klare Anderson and Dave Anderson - Matt Anderson's Parents

Cassiopeia Calter and Mark Calter - Penelope Calter's parents

Denise and Jerick Villanueva - Jerome Villanueva's parents

Alexa and Ziam Laurento - Amanda Laurento's Parents

------------------------------------------------------------

Penelope's POV

Sa isang apartment ako tumira panandalian. Dalawang linggo na ako rito pero hindi ko inayos ang mga gamit ko. Nakahanap ako agad sa tulong nang nakasalubong ko na yaya ko noon. Akalain mo nga naman.. God is good, talaga. Sinadya kong hindi pangmayaman ang titirahan dahil malalalaman iyon agad ng asawa ko.

Asawa ko?

Soon to be ex-husband pala. Kung hahanapin niya man ako, paniguradong alam ko ang dahilan. Ito ay dahil sa lintek na reputasyon na iyan at dahil sa aming mga magulang na paniguradong madidismayado sa kaganapang ito.

Plano kong maghanap muna ako ng lugar na mapupuntahan bago ako umalis dahil ayaw ko namang umalis nang hindi handa. Hindi ko na mapigilan kaya tumawag na ako kay Amanda.

"Hello, Amanda?" bungad ko.

"Ohmygod, Penny?!" Sigaw nito kaya inilayo ko nang bahagya ang cellphone ko sa tenga ko.

"Ako nga—" pinutol niya naman ang dapat na sasabihin ko.

"Ohmygod! Alam mo bang pumunta dito si Matt at nagsisigaw? Ha? Hinahanap ka! Nasaan ka bang gaga ka? Buti nalang andito yung asawa ko para sila mag-usap at buti hindi yun nawitness ni Ara kung hindi iiyak yun at magtatampo! Alam mo namang gustong gusto kayong dalawa ni Ara!" Histeryang pagsisigaw nito.

Ah, so hinahanap niya  nga ako?

"Maghunos-dili ka nga, Amanda Villanueva," panimula ko. "Can we meet? I'm going to explain everything."

She sighed. "Oh sige, saan ba?"

"Sa SM nalang.. Gusto ko sa Red Table, Korean Restau," sabi ko.

"Sige, maya, lunch." Aniya at ibinaba na. Ramdam kong nagtatampo ito kasi hindi ko siya sinabihan sa plano ko. Biglaan naman kasi pero alam kong hindi ako matitiis 'non.

Umaga pa lamang at wala  sana akong balak na bumangon pa kaso umiba yung sikmura ko at dali dali akong pumunta sa cr. Nasusuka ako.

Nag-ayos naman ako agad. Dala-dala ko ang credit cards ko na kailangan kong ipaalam kay Daddy na kailangan ko dahil paniguradong makikisabwat si Matt sa kanya at baka i-block pa ang credit cards ko.

Nandito na ako ngayon sa SM at hinihintay si Amanda. Hindi naman ito late, sadyang  nauna lang ako. Nasa National ako dahil hindi ko napigilan ang sarili kong tumungo rito  kaya naman itinext ko siya  na dito nalang. 'Di kalaunan ay dumating na nga ito.

"Penny! You look.. pale," She squinted her eyes on me.

Umirap ako. "Tumahimik ka nga. Gutom na kasi ako. Ang tagal mo."

"Ay sorry naman, ineng! Kagagaling ko lang kay Mommy para ibigay si Ara noh," aniya.

Nakaramdam naman ako ng hilo. Ang dami kasing tao.

"Okay ka lang, Pen?" Tanong sa akin ni Amanda.

Tumango ako. "Oo, medyo nahihilo ako kasi andaming tao ngayon.."

"Oo nga, eh. June na kasi, pasukan  na ng  mga bata kaya ayan," komento nito.

"Oo nga eh, tara na, punta na tayo sa Red Table." sabi ko at pumunta na kami roon.

Habang kumakain ay halos nakatingin lang sa akin si Amanda.

"Why are you looking at me like that?" tanong  ko rito.

"First time mong nagustuhan ang Korean food, hmm.." Aniya at nagkibit-balikat lamang ako.

"Masarap naman, eh. Gustong gusto ko talaga nitong Ramen simula nung natikman ko!" Maligayang sambit ko.

"Hey, Penny. Saan ka now nakatira? Yung totoo," tanong niya.

"Sa isang apartment," sagot ko.

"Can we have a girls overnight?" Aniya.

Kumunot noo ko. "Paano yung anak mo?"

"Doon muna siya kay Mommy for two days. Si Jerome naman kasama si Papa Jerick at Daddy sa isang business trip. Kasama rin doon sila Matt at ang Papa niya, si Tito Dave. Hindi sumama Daddy mo kasi ayaw iwan yung Mommy mo. Nakakatawa nga kasi yung Mom mo kasi sinasabi niya sa Dad mo na sumama na para naman daw magkagirls bonding sila ni Mommy at Tita Klare. Kaso mukhang gusto niya masolo si Tita Peia, eh." Kwento nito. Ang daldal talaga nito kahit kailan.

"Mag-isa si Tita Klare?" Tanong ko.

"Busy si Tita Klare with her kambal, si Mavianne at Maveric. Ang mga batang yun!" Aniya.

"Umuwi sila? From States?" Tanong ko.

"Yep, they'll stay here for good. Kaya nga siguro nababaliw na si Matt kakahanap ng irarason kasi wala ka. Hinahanap ka ng kambal at ng pamilya mo at pamilya niya. Buti hindi pinakealaman ang credit cards mo, ano? Para mahanap ka agad kasi wala kang pera, eh if ever," kibit balikat niyang sagot.

"You know me, Amanda," sabi ko.

"Oo nga, magwowork ka at mataas iyang pride mo minsan!" Umirap ito. "Oh so g na ba yung overnight?"

"Okay," I shrugged. "Pero may damit  ka ba dala?"

"Girl, prepared ako. Hindi ako mag-aaya kung mahahassle beauty ko," She smirked.

Umiling  lamang ako. "Pang mahirap iyon doon. Wag ka maarte."

"I'll try!" She beamed.

Gumala muna kami at nag-enjoy. Nagpacut din ako ng hair at nagpamanicure at pedicure kami dalawa. Nagshopping at naggrocery.

Umuwi na kami at nagtaka ito dahil  wala akong sasakyan. Aalis ako ng Manila after eh. Saan ko iiwan ang sasakyan? Diba? At madali akong mahahanap ni Matt pag ganoon. Sa sasakyan  niya kami sumakay at nang makarating na kami ay lukot  ang mukha ni Amanda.

"Anong pangmahirap dito, bes? Hindi naman ito squatter's area at maayos ang mga bahay. Pang may kaya ito! Baliw!" Hinampas niya ako. Ah, ganoon pala yun?

Aaminin ko naman medyo malaki nga iyong apartment ko. Parang condo. Rent lang din kaya may mga furnitures na at gamit.

"Marami kang ikwekwento sa akin," aniya nang nakarating na kami sa mismong floor ko at pumasok sa loob.

I sighed. I guess I should.

Unfaithful HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon