Prologue

168 10 2
                                    

Nandito ako ngayon sa isa sa mga misyon ko na ibinigay ni Otou-san. Kailangan kong patayin ang espiya sa emperyo namin bago pa sya makatakas.

Tumalon ako mula sa rooftop at naglanding ng walang ginagawang ingay bitbit ang kurosubo ko(crossbow). Sinundan ko nang tahimik ang target ko at naabutan siya sa parking lot na may kausap sa kanyang telepono. Nakatalikod siya sakin kaya naman hindi nya ako nakita.

"Hahaha, Boss naisahan ko na naman ang matandang Hayashi na 'yon hahaha" tatawa tawang sabe nya sa 'Boss' daw.

Tumaas naman ang kilay ko at itinutok agad ang kurosubo sa leeg niya. Napapitlag siya at muntik ng mahulog ang telepono kung hindi niya lang nahawakan ng maayos.

"A-ah..Boss t-tawagan nalang ulit kita" nanginginig at nauutal na sabi niya at pinatay ang tawag.

"S-sino ka?" Nakataas ang isang kamay na tanong nya na parang sumusuko at dahan dahang humarap sakin habang bumubunot ng baril sa bewang niya. Agad kong pinana ang kamay niya at naputol yun kasama ang baril nya sa lakas ng pagtira ko.

Hindi parin talaga pumapalya ang paboritong armas ko.

Napangisi naman ako dahil dun.

Dahan dahan syang humarap sakin at sa putol na kamay nya, saka palang sya napahiyaw sa sakit.

Psh! Wag nyang sabihing hindi nya naramdaman yun?

"A-akumu" I just smirk at him.
"Wag mo kong patayin m-maawa ka..ahh.. matakot ka sa Diyos"

Napasinghal nalang ako sa isip ko.

Tibay!

Umikot ikot ako sa kanya habang nakatutok ang kurosubo sa leeg nya.

"Since I've become religious..." ibinaba ko ang kurosubo ng bahagya at mabilis na inasinta ang puso nya.

Humandusay naman ang walang kwentang katawan nya sa malamig na semento.

"I'll pray for your soul to be burn in hell" sabi ko kahit patay na sya at tumalikod na.

Pero bago pa man ako makalayo sa lugar na yun ay may naramdaman akong malakas na presensya sa likod ko at bago ko pa man maitutok ang kurosubo ay natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakadapa sa semento at hindi makagalaw. Tila naparalisa ang buo kong katawan dahil sa kung ano man ang tumusok sakin na sa pagkakaalam ko ay may kasamang lason.

Shit! I'm dead.

"We meet again.."

Shit! That voice! That fucking voice! I'm doomed!

Nalaman ko nalang na nakasakay na sya sa likod ko, na bahagya pang inilapit ang bibig niya sa may tenga ko.

Fuck! Help me.. Tojiro!

Sigaw ko sa isip ko at tumutulo na din ang luha ko.

"...Akumu" bulong nya sa tenga ko kasabay ng paulit ulit na pagsaksak niya sa balikat ko habang tumatawa na parang demonyo. No, scratch that, demonyo talaga sya.

Fuck! Tojiro!

Iyak lang ako ng iyak dahil sa kawalan ng magawa, wala akong choice kung hindi tanggapin lahat ng ginagawa niyang pagsaksak sa akin.

Nararamdaman ko na din na nauubusan na ako nang dugo. Nawawalan na ako nang pag-asa para sa buhay ko, hanggang sa maramdaman ko na lang na tumalsik 'sya' sa likod ko. Bago pa man ako lamunin ng kadiliman ay narinig ko na ang boses ng taong kanina ko pa hinihintay.

"Akemi, Gomen. Sorry kung ngayon lang ako dumating" at tuluyan na akong nilamon ng dilim.

Nagising ako dahil sa sobrang sakit ng katawan ko.

Ano ba ang nangyari?

Inilibot ko ang paningin ko, nasa kwarto na pala ako. Pag tingin ko sa gilid ng kama ay napangiti nalang ako at nasapo ang noo dahil naalala ko na ang nangyari.

Patay!

"Dono you ni kaji masu ka?"(How do you feel?) tanong sakin ni Toji.

Nagising na pala 'to. Napabuntong hininga nalang ako at niyakap siya nang sobrang higpit.

"Toji" tawag ko nang mahina sa pangalan niya. Feeling ko ang hina hina ko.

Niyakap lang din ako pabalik ni Toji, wala siyang sinabi pero ipinaparamdam ng yakap niya na magiging okay lang ang lahat.

Bakit ba kase, tuwing 'siya' ang kaharap ko, nababalewala ang lahat ng natutunan ko. Naiiyak na naman ako.

Nasa ganoon kaming posisyon ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Otou-san(dad) kasama si Kakashi nii-chan. Agad namang tumabi sakin si Kuya at niyakap ako. Tumingin ako kay Otou-san at yumuko ng bahagya tanda nang pag galang.

"Gomenasai, Otou-sama. I was attacked by.."( I'm sorry, father) he cut me off.

"What done is done" I cut him off too.

"But.. I succeed to my mission right?" nakangiting saad ko pero huli na nang marealize ko ang ginawa kong pagputol sa pagsasalita niya.

"Gomen" nakayukong sabi ko.

Napabuntong hininga nalang si Otou-san.

"You failed to your mission. The one you killed, is just a decoy. According to our intel, he has an identical twin brother. Good thing, I sent Tojiro to back you up.."

Nalilito kong tiningnan si Toji pero umiling lang siya, meaning wala din siyang nalalaman.

Bakit hindi sinabi sakin 'yon ng intel?

"And one more thing.."

Napaangat ang tingin ko kay Otou-san at iniintay ang susunod niyang sasabihin.

"You will be sent to the Philippines and will continue your study. Also you will live a normal life. Your flight is the day after tomorrow. Kakashi will accompany you there. You may rest now" at lumabas na siya nang kwarto ko.

Nagpaalam lang sa akin si Toji at lumabas na din ng kwarto.

Napabuntong hininga nalang ako at napangiti nang malungkot. I guess I don't have a choice. Hindi man lang nya tinanong kung okay ako, pero alam ko naman na nadissapoint ko siya.

Hays. Napatingin ako kay Kuya Kakashi na ginulo ang buhok ko, napasimangot nalang ako.

"Rest now my dear, Akemi" inalalayan ako ni Kuya na mahiga nang maayos sa kama at kinumutan ako. Hinalikan nya din ang noo ko habang hinahaplos ang buhok ko.

"Oyasumi nasai hime"(Goodnight, Princess" with that nakatulog na ulit ako.

ASSASSIN meets the GANGSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon