6:30 nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock ko. Bumangon at nag unat tapos kumuha ng towel sabay labas ng kwarto ko. Napansin ko nakabukas ang ilaw sa kusina kaya pinuntahan ko ito para off ito tapos diretso ako sa CR.
"Oh! Brown out?"
Narinig ko may nag salita. Medyo kinabahan ako.Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko si Kuya Sig nasa ilalim ng lamesa.
Akala ko kung sino na.Himala maaga sya nagising nakakapanibago naman.
"Woah! Kuya Sig anong ginagawa mo sa ilalim ng lamesa?grabe kinabahan ako bigla nalang may nag salita at ikaw pala yon. Akala ko pinasok na tayo ng mag nanakaw"
Tatayo sana sya pero bilang nauntog ang ulo nya sa lamesa.
"Aray Pota!! Stef buksan mo nga ang ilaw ma dilim kaya. Nauntog tuloy ang ulo ko bwisit na lamesa to"
Nag pigil tawa lang ako sa kanya.
Ayan sinisi pa nya ang Lamesa. Pfff hahaha baliw talaga si Kuya.
"Kuya ano ba kasi ginagawa mo dyan"
"Kinuha ko lang ang itong sibuyas nahulog kasi nung nilagay ko lamesa"
"Bakit nahulog"
"Stefanie bulag ka ba? di mo ba nakikita galing ako sa palengke"
"Wow! Himala ikaw ang namalengke anong nakain mo at ba't ang sipag mo ngayon"
"May ubo kasi si Mama kaya di sya makapunta ng Palengke kaya ako nalang ang inutusan nya,ayaw ko pa sana kasi antok na antok pa ako, pero bigla nya nalang ako binuhusan ng isang baldeng tubig kaya ayon gising na gising ako"
Natawa ako sa kanya.
"Hahaha buti nga sayo! Tulog mantika ka kasi hahaha"
"Sige pagtawanan mo pa ako,gusto mo ibato ko itong papatatas sayo para tigilan mo ako,ang aga-aga nang aasar ka"
BINABASA MO ANG
When Playboy Meet's Palaban Girl [Completed]
Teen FictionDo you Believe that there's no Accidents in Life? Everything happen for a Reason. Every person we meet have a role in our Lives, big it or small. Some will hurt,betray and make us Cry to become a Stronger. Some will teach us Lesson,not to change us...