Nagising nalang ako wala na si Ken sa tabi ko. Bumangon ako para hanapin sya sa condo pero di ko sya nakita.
Nag hilamos nalang ako saka nag toothbrush tapos lumabas ng kwarto. Napansin ko may nakahandang breakfast sa dinning table tapos may note pa ito.
To my other half good morning baby,sorry di na kita ginising para magpaalam ako. Alam ko pagod ka kaya hinayaan na kita matulog. Lumabas nga pala ako with Kuya Gideon nag jogging kami. Anyway pinagluto na lang kita ng breakfast para pag gising mo kakain ka nalang. Nasa table nakita mo ba! Hehe Enjoy your breakfast see you later baby. I Love you to the Moon back.
Ken Loren,
Napangiti ako sa message na sinulat. Tingnan ko ang breakfast na ginawa nya.
HHmm mukhang masarap to! Dawalang slice bread,Sunnyside up, bacon, dalawang slice ng Apple tapos my cucumber pa,Saka may fresh milk sa baso. Hihihi ang sweet naman ng boyfriend ko, subrang maalalagain.
Umupo ako at nagsimula ng kumain ng breakfast ko. Sarap na Sarap ako sa pagkain na hinanda ni Ken sakin di ko mapigilan ang ngiti ko.
Habang kumakain ako biglang may pumasok kaya napatayo ako at tiningnan kung sino ang dumating.
"Sino yan"
"It's me baby"
Kakadating lang ni Ken at pawis na pawis sya.
"Ken andami mong pawis"
Lumapit ako sa kanya at inabutan ko sya ng towel.
"Oo nga hehe wait lang shower lang ako"
Sabay kuha nya ng towel at hinalikan ako sa forehead saka pumasok sya sa room nya. Bumalik nalang ako sa lamesa at kumain ulit hanggang sa naubos ko ang breakfast ko. Hinugasan ko ang pinagkainan ko.
"Stef tapos kana mag breakfast"
Napalingon ako sa kanya naka porma ito. White polo sya tapos may bonet at headphone sa tenga nga.
"Ken aalis ka? May lakad ka!"
Lumapit sya sakin saka inakbayan nya ako.
"Lika dito mag usap tayo"
"Sandali may sabon pa ang kamay ko"
"Ay oo nga di ko napansin hehe sige tapusin mo na ang ginagawa mo at sumunod ka sakin sa living room "
"Oo na haha"
Natawa ako sa kanya. Pinag patuloy ko ang paghugas ako ng plato pakatapos ko mag hugas pumunta ako sa living room at umupo sa tabi nya. Malalim ang iniisip nya.
"Ken ayos kalang ba? Ba't ang lalim ng iniisip mo"
Humugot sya ng hininga saka tumingin sakin.
"Stef di ko alam kung pano sabihin sayo to. Sa totoo lang ayaw ko talaga malayo sayo"
Kinabahan ako bigla sa sinabi nya.
"Ken ano ba ang ibig mong sabihin? Di naman ako lalayo sayo"
"Pupunta ako ng America next day. Gusto kong dalawin si Daddy may sakit sya at malala na ito at ngayon nag aagaw buhay na sya"
"Hala! Jusko kawawa naman si Tito. Ken habang di pa huli ang lahat kailangan mong bisitahin ang daddy mo. Ayos lang naman ako dito wag mo akong alalahanin,ang importante makita ka ng daddy mo"
"Stefanie nag decide ako na gusto kitang isama sa America. Ayoko kasi magkalayo tayo di ko makakaya yon."
"Ken hindi pwedi may trabaho ako dito. Saka kailangan lahat ng oras mo nakatuon lang sa Daddy mo. Alam mo ba na miss na miss kana nya simula ng umalis ka sa bahay nyo"
BINABASA MO ANG
When Playboy Meet's Palaban Girl [Completed]
Teen FictionDo you Believe that there's no Accidents in Life? Everything happen for a Reason. Every person we meet have a role in our Lives, big it or small. Some will hurt,betray and make us Cry to become a Stronger. Some will teach us Lesson,not to change us...