STEFANIE'S Point of View
Maraming text at missed calls na ang na nakita ko sa phone ko. Galing lahat ito kay Ken. Naiinis pa ako sa kanya kaya di ko ito sinagot.
"Stef"
Tawag sakin ni Kuya Dean.
"Yes Kuya"
Pumasok sya sa room ko saka umupo sa tabi ko.
"Nag text si Ken sakin bakit di mo daw sinasagot ang text at tawag nya. May nangyari ba? Nag away na naman ba kayo"
Huminga ako ng malalim.
"Opo kuya"
"At bakit?"
"Kasi nakita ko sya may kasamang dalawang babae parang nag do-double date sila ni Jason"
"Double date?"
"Opo! Haisst kung di pa namin sila nakita ni Kuya Sig siguro sarap na sarap pa sila sa pag uusap ng mga babaeng yon"
"Baka naman friends lang nila yon?"
"Friends? pota anong klaseng friends ang mga babaeng yon kita nga na ang mga kaluluwa nila sa mga suot nila tapos sabihin nyong friends lang nila yon"
"Ayan kana naman Stef umandar na naman ang pagka selosa mo"
"Kakainis lang kasi kuya ba't nakipag kita pa sya sa mga babaeng yon alam nya naman subrang selosa ako tapos ginawa nya yon. Kaya di ko sinasagot ang tawag nya kasi naiinis ako sa Kanya. Pagod na akong masaktan kuya"
"Haisst Stefanie hayaan mo muna sya mag paliwanag bago ka magalit."
"Kuya ma's kakampihan mo pa sya kesa sakin?"
"Hindi! Wala akong kinakampihan sa inyong dalawa. Ang sakin lang kausapin mo sya at pakinggan mo ang paliwanag nya. Wag kang putak ng putak dyan kasi walang maganda maidudlot yan sayo"
Inis na ang tuno ng boses ni kuya Dean.
"Ayoko po ko syang kausapin kuya kasi every time na makita ko sya naalala ko ang ginawa nya"
"Sige kung yan ang gusto mo bahala ka! Basta wag kalang iiyak,baka sa huli pagsisihan mo ang ginawa mo pag ignore sa kanya"
"Kuya di nyo alam ang nararamdaman ko ngayon. Pagod na pagod na akong masaktan kuya."
"Para matapos na yang kahibangan mo. Makipag break ka nalang sa kanya para di ka masaktan. Para wala ng Ken ang mangungulit sayo. Pero wag na wag kang mag papakita sakin na umiiyak ka kasi magagalit ako sayo. Yan ang gusto mo diba? Kayanin mo kasi pagod kana"
Galit na sabi ni kuya sabay labas ng kwarto ko.
Haisst ano na ang gagawin ko. Parang ayaw ko pang makita si Ken dahil sa ginawa nya. Nasasaktan pa din ako.
Napasin ko di na sya tumawag sakin. Kaya kinuha ko ang phone ko sabay basa ng message nya. Napatakip ako ng bibig puro lang ito sorry.
Tapos nakita ko may send sya na picture.Mag isa lang daw sya sa bar.
BINABASA MO ANG
When Playboy Meet's Palaban Girl [Completed]
Teen FictionDo you Believe that there's no Accidents in Life? Everything happen for a Reason. Every person we meet have a role in our Lives, big it or small. Some will hurt,betray and make us Cry to become a Stronger. Some will teach us Lesson,not to change us...