Chapter 53

290 15 4
                                    

Simula nangyari ang gabing yon di ko na ulit kinausap si Jason at iniwasan ko na ito. Nakabalik na kami sa lugar namin at back to work na naman.

Limang araw ang bakasyon namin sa probinsya nila at pagbalik namin marami na ang nag bago.Nakapanganak na si Ate Grace at baby girl boy ito. Nag leave muna sya ng ilang months para alagaan ang baby nila ni chef Leo at pag kaya nya na balik trabaho ulit sya kukuha lang sila ng maid para alagaan ang baby nila.Masaya ako sa kanila dahil happy family sila kahit simpleng buhay lang.

Binisita din ako ng dalawa kong Kuya sa condo at may good news ito sakin. Magpapakasal na si Kuya Sig at Ate Genevive dahil gusto daw ng daddy ni Ate Gen magkaroon na sya ng Apo. Inasar ko pa si Kuya Sig na dapat bilis- bilisan na nya ito para maka buo na sila ng Baby ni ate Genevive Haha, about naman kay Kuya Dean at sa Asawa wala talaga ako masabi sa kanila dahil sila na siguro ang may perfect na relasyon. Di man lang sila nag aaway, nagtampo, nagkakaintindihan sila at palagi silang sweet makikita mo talaga na mahal na mahal nila ang isa't isa. Malapit na manganak si Ate Bianca malaki na ang belly nito. Ang cute nyang tingnan.

Masaya ako para sa mga Kuya dahil nakita na nila ang forever nila. Kami kaya ni Ken kailan kaya kami ikakasal Haisst heto na naman ako nag day dreaming.

Speaking of Ken di na ito nag paramdam sakin. Marami na akong message sa kanya pero di nya ito nereplyan seenen nya lang ito. Parang dinudurog ang puso ko umaasa ako na sa pag balik ko marami akong message na matatanggap sa kanya pero wala ni isa. Minsan iniisip ko na Baka nga katotoo ang panaginip ko at tuloyan na akong iwan ni Ken at di ko yon makakaya.

"Stef can we talk for a while"

Biglang sabi ni Jason napatingin ako sa kanya.

"Pasensya na busy pa ako"

Sabay mop ko ng floor.

"Stef hanggang kailan mo ba ako iiwasan! I'm sorry for what I did ok"

napahinto ako sa pag mop at timingin sa kanya ng diretso sa mata.

"Sorry? Pagkatapos ng ginawa mo sakin sasabihin mong SORRY lang? Jason di ko maintindihan bakit sa dinami dami ng babae sa mundo bakit ako pa."

Inis ko na sabi sa kanya. Pinagtitinginan na kami pero wala akong paki alam. Hinila nya ako at pumasok kami sa office nya.

"JASON ANO BA!"

Sigaw ko sa kanya. Agad nya naman ako binitawan.

"Stefanie mag usap tayo sa ayaw at sa gusto mo"

"Ano bang kailangan mo sakin. "

"I just want to say sorry for what i did that night,kahit ako nabigla din sa ginawa ko~

*SLAAAP*

Isang malakas na sampal ang natamo nya sakin. Di ako makapag salita dahil bumibigat ang dibdib ko at pinipigilan kong tumulo ang mag luha ko.

"Alam ko gago Ako, Napakalaking gago pero di ko na talaga itago ang feelings ko para sayo Stefanie."

"Jason wag kang ganyan alam mo naman may boyfriend ako at best friend mo"

"Kalimutan mo nalang si Ken. Tayo nalang Stef Gusto talaga kita lahat gagawin ko para mapasaya ka."

"Jason nababaliw kana ba~

"OO NABABALIW AKO! GAGO KASI AKO DAHIL NAINLOVE AKO SA GIRLFRIEND NG BESTFRIEND KO. DI MO MASISI STEFANIE DAHIL SA TUWING KASAMA KITA MAS LALO AKONG NAIINLOVE SAYO"

Di ko alam Kung si Jason na ba talaga ang kaharap ko o Hindi dahil ibang-iba na sya ngayon..

"I fell InLove with you Stefanie,I don't know how I don't know why! Just I did. Please Kalimutan mo na si Ken at mag simula tayo."

When Playboy Meet's Palaban Girl [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon