Subrang naninikip ang dib dib ko habang Inaalalayan ako ni Kuya Gideon sa pag lakad. Napaupo ako sa sahig,feeling ko wala na akong lakas. Humahagulhol ako sa iyak sa mga braso ni Kuya.
"Stefanie"
Napalingon ako sa Tumawag sakin
"Stef~ ugh shit!"
Agad itong tumakbo palapit sakin.
"Anong nangyari? Sabihin mo sakin ba't na umiiyak"
Tarantang sabi nya.
"Pinag tabuyan sya ni Ken kaya umiiyak sya at baka nasasaktan ito sa mga sinabi nya"
Sagot ni Kuya Gideon.
"Walang hiya sya! Nasan si Ken Kuya"
"Jason huminahon ka! Mabuti pa ilayo mo nalang si Stef dito."
"Hindi Kuya sumusubra na yang kapatid mo. Nasan po sya"
"Naka confine sya dito sa hospital dahil na Collapse sya. Jason hayaan nalang natin sya alam ko subrang nasaktan sya sa mga nangyari."
"Dapat lang yon sa kanya dahil gago sya."
Tumayo si Jason hinanap nya ang room ni Ken. Tumayo din ako para sundan sya.
"Jason parang awa mo na! Wag kang gumawa ng gulo dito"
"Hindi naman ako gagawa ng gulo Stef gusto ko lang kausapin ang gagong yon"
"Jason hayaan nalang natin sya,please parang awa mo na"
napaharap sya sakin.
"Hanggang kailan ka mo sya iiyakan, hanggang kailan ka masasaktan. Stef di ko kayang makita ka nagkakaganyan."
"Kasalanan ko naman kung bakit sya nagkakaganito."
"Hindi mo yon kasalanan~
"Jason please"
ginulo nya ang buhok nya sa subrang inis.
"Haisst Para matapos na ang lahat ng to halika ka sumama ka sakin"
"Bakit anong gagawin"
"Sasabihin ko sa kanya ang totoo na wala naman talaga tayong relasyon"
"Wag baka maging complekado pa ang lahat"
"Anong complekado ang pinagsasabi mo. Stef ayoko na makita kang umiiyak,alam ko mahal mo parin sya kaya nagkakaganyan ka. Alam ko na kahit kailan di mo sya kayang kalimutan na kahit magkasama tayo si Ken parin ang laman ng puso't isip mo. Para matapos na to kailangan nyo mag usap na dalawa."
"Pero jason~
tumalikod sya sakin tapos bumalik ulit saka hinila nya ako. Agad ko naman pinunasan ang luha ko.
Binuksan nya ang room ni sakto pag pasok namin nag tawanan sila ng babaeng kasama nya. Kumukirot na naman ang puso ko pag nakita ko sila.
"Hoy Ken!"
Sita sa kanya ni Jason.
"Wow! Ken Who's that?"
Sabi ng babae sabay tingin kay Jason mula taas hanggang baba.
"Sino ka?Anong kailangan mo"
Sagot naman ni Ken.
"Gago! Wala akong kailangan sayo"
BINABASA MO ANG
When Playboy Meet's Palaban Girl [Completed]
Teen FictionDo you Believe that there's no Accidents in Life? Everything happen for a Reason. Every person we meet have a role in our Lives, big it or small. Some will hurt,betray and make us Cry to become a Stronger. Some will teach us Lesson,not to change us...