Chapter 5

678 26 1
                                    

Subrang pagod ngayong araw dagsa-dagsa ang mga customers namin kaya heto late na close ang Restaurant ni Boss ken. Nasa locker kami ngayon nag papahinga tapos maya-maya uuwi na din kami. Hinihintay lang namin na mag sabi si Boss kasi nag I inventory pa sila ni sir Jason.

"Grabe ang dami nating customers ngayon di ko alam kung anong uunahin ko sa pag luto daming orders, buti nalang nandito si Sir Jason at tinulungan ako sa pagluluto ng mga orders."

Sabi ni Chef Leo sabay tanggal ng Apron nya.

"Oo nga ngayong araw lang ang may pinakamaraming customers dito sa restaurant"

Sagot naman ni Lyn isang waitress na kasama ko.

"Mabuti nalang di umalis si Boss ngayon at tinulungan pa nya kami sa pa kami sa pag kuha ng orders"

Sabi naman ni Alfred lalaking waitress..

"Hahaha first time nangyari yon sa tagal ko na dito ngayon ko lang nakita si sir kumukuha ng orders."

Natatawang sa sabi ni Lyn. Bali mag boyfriend sila ni Alfred at pareho silang waitress dito sa Restaurant ni boss Ken. Tapos ang Cashier naman na si Grace at ang chef na si Leo ay mag asawa pero wala pa namang silang anak at magka age lang kami ni grace.

Pinakilala sila sakin ni boss Ken isa-isa tapos ayon nakilala ko sila at puro naman ito mababait.

Si sir Jason naman ang Best friend ni boss ken na magaling din mag Luto. Daig pa nya si Chef sa pag luluto. Mabait naman ito at medyo close ko sya kaysa kay boss Ken. Nag mamanage din sya ng Restaurant ni boss Ken dahil meron syang shares dito.

"Alam nyo may swerte dumating dito"

Biglang sabi ni Grace at napatingin silang lahat sakin.

"Oh bakit nakatingin kayo sakin? May dumi ba ako sa mukha?"

Tumabi si Grace sakin.

"Alam mo stef ikaw ang swerte dito kasi nung dumating ka dumagsa kaagad ang customer's dito. Dati hindi ganito kadami ang customers namin pero ngayon waahh grabe"

"Baka siguro nag kataon lang na nandito ako at dumami ang customer natin."

When Playboy Meet's Palaban Girl [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon