Late na nag close ang restaurant ni Ken kasi dinagsa ito ng mga customers. Halos lahat kami pagod specially si Jason at Si Chef Leo kasi sila ang cooker.
Nauna silang nagpaalam samin. Sina Chef leo at ang asawa nyang si Ate Grace na buntis. Ang mag jowa na si Lyn at Alfred kaming tatlo nalang ang natira sa Restaurant.
Napansin ko nakatulog na si Jason habang nakikinig ng music sa iPad. Napagod siguro ng subra kaya nakatulog ito habang naka upo.
Lumapit naman ako kay Ken Busy ito."Ken"
"Hmm"
"Matagal pa ba Yan?tingnan mo nakatulog na si Jason. Napagod siguro"
"Patapos na ito. Wait lang?"
"Sige hintayin nalang kita"
"OK"
Umupo ako tapos nag laro ng games sa phone ko. Pero wala ako sa mood mag laro kaya lumapag nalang ako sa mesa.
"Baby"
Tawag ni Ken sakin.
"Hmm"
"Tapos na ako. Hatid na kita"
"Sige pagod na kasi ako"
"Kawawa naman ang baby ko."
Sabi nya Sabay haplos ng buhok ko.
"Ikaw di ka ba pagod?"
"Hindi masyado kasi nandyan ka. Ikaw lang kasi ang lakas ko"
Napangiti ako sa sinabi nya. Sumandal ako sa chest nya. Tapos hiyakap nya ako sabay Amoy ng buhok ko.
"hmm bango talaga ng baby ko. Gigil na naman ako sayo"
"Haha Ayan kana naman. Sige na gisingin mo na si Jason para makapag pahinga na sya ng maayos sa bahay nila."
"Sige Mauna kanalang lang kotse doon mo nalang ako hintayin"
Tumango ako sa kanya. Hinalikan nya ako sa forehead tapos tumungo na ako sa kotse nya at doon ko nalang sya hinintay.
Pag dating ko doon medyo dinalaw na ako ng antok ko. Pumikit muna ako habang hinihintay ko sila.
****
"Baby"
"Stef"
"Gising na"
"Baby ko gising na nandito na tayo sa bahay nyo"
Dahan-Dahan ako sa pag mulat ng Mata.
BINABASA MO ANG
When Playboy Meet's Palaban Girl [Completed]
Teen FictionDo you Believe that there's no Accidents in Life? Everything happen for a Reason. Every person we meet have a role in our Lives, big it or small. Some will hurt,betray and make us Cry to become a Stronger. Some will teach us Lesson,not to change us...