Nagising nalang ako puro puti ang nakikita ko sa paligid.
Nasan ako?
Babangon sana ako ng may nakita akong dextrose na nakakabit sa kamay ko. Dahan-Dahan akong umupo sa Kama,medyo masakit pa ang ulo ko at nahihilo pa ako.
"Ken mabuti gising kana! Teka may masakit ba sayo? Sabihin mo lang para tawagin ko ang doctor."
Nag alalang sabi ni Cheryl Ann sakin. Kakagising nya lang nasa gilid ito ng Kama ko.
"Ayos lang ako Cuz medyo nahihilo lang ako"
"Humiga ka nalang muna baka di kapa magaling."
"Ano ba nangyari sakin? Di ko kasi matandaan"
"Bigla ka nalang na collapse. Grabe pinakaba mo ako akala ko mamamatay kana"
"Sana nga namatay nalang ako wala naman silbi ang buhay ko sa mundong ito"
"Lintik naman cuz oh! Wag ka nga mag salita ng ganyan di mo lang alam kung gaano ako nag alala sayo."
"Sana hinayaan mo nalang ako para natuloyan nalang ako"
*pak*
"Aray! Cuz naman"
"Gago ka talaga Ken! Baliw kana ba?"
"Oo cuz nababaliw na ako dahil iniwan ako ng babaeng mahal ko."
"Lintik na pagmamahal na yan. Pagpapakamatay para lang sa isang babae? Hoy Ken wag kang tanga marami pang babae sa mundo wag mong dibdibin ang pag iwan sayo ng babaeng yon."
"Mahal na Mahal ko sya Cuz"
"Kung mahal mo sya hayaan mo nalang sya. Balang araw pagsisihan nya ang ginawa nyang pang iwan sayo. Haisst Ken stress na naman ako sayo di mo ba alam na tatlong araw na akong walang pahinga sa kakabantay sayo sa hospital."
"Tatlong Araw?"
"Oo tatlong araw dahil tatlong araw kana din nandito sa hospital at ngayon kalang nagising"
"Wow ang haba naman ng tulog ko'
"Buti alam mo! Ken konting konsidirasyon naman oh,maawa ka sakin wala pa akong tulog. Tingnan mo nga ako di na ako nag lalagay ng make up sa mukha ko, tapos ang gulo-gulo na ng buhok ko di ko na nashave ang kilay ko,haisst stress na talaga ako sayo, wag mo na ako pahirapan Ken,please lang mag pagaling kana."
Nakaramdam ako ng awa sa pinsan ko. Mukha na syang Manang. Di na sya naka ayos ng sarili nya dahil sakin,pano sya makaka kita ng mapapangasawa nya kung di sya mag aayos kawawa naman ang pinsan ko pag tatanda sya ng Dalaga.
Hinawakan ko nalang ang kamay nya tapoa inayos ko ang buhok nya.
"I'm sorry cuz wag kana magtampo sakin"
Inirapan nya lang ako.
"Promise mag papagaling na ako at di na kita bibigyan ng sakit ng ulo"
"Talaga"
"Oo naman! Subrang thankful ako dahil may pinsan akong maganda at mabait"
Sabay yakap ko sa kanya.
"Sige Bolahin mo pa ako"
"Totoo naman ah! Bakit di ka maganda"
"Shempre maganda nasa lahi natin yon eh"
"Naks naman haha Cuz salamat sa pag bantay mo sakin dito sa Hospital"
"Haisst sino pa ba ang mag tutulongan tayo-tayo lang naman ang pamilya dito"
BINABASA MO ANG
When Playboy Meet's Palaban Girl [Completed]
Teen FictionDo you Believe that there's no Accidents in Life? Everything happen for a Reason. Every person we meet have a role in our Lives, big it or small. Some will hurt,betray and make us Cry to become a Stronger. Some will teach us Lesson,not to change us...