Di ko inaasahan na babalik sya. Pagkatapos ng ginawa nya sakin sasabihin nya lang sorry? Grabe anong akala nya sakin potahe pagnasawa na sya iwan na nya tapos pag gusto nya naman babalikan nya naman ito. Hindi ako tulad ng ibang babae na easy to get once nasaktan ako di mo na ulit ako mabobola.
Buong gabi ako di nakatulog sa kakaisip sa hayop na yon. Hanggang Ngayon umaga sya parin ang Iniisip ko.
"Stef nakatulala ka naman dyan"
Sabi sakin ni Auntie di ko ito pinansin.
"May problema ka ba Stefanie?"
Tanong nya.
"W-Wala po auntie"
Nauutal-utal kong sagot.
"Hmm wag mo ng itago yan dahil nababasa ko sa mga mata mo na may problema ka ngayon."
"Auntie naman kailan pa kayo naging manghuhula?"
"Stef wag pilosopo. Sige na sabihin mo na sakin yang problema mo baka may maitulong pa ako sayo kahit payo lang"
Humugot ako ng hininga bago mag salita. Umupo si Auntie sa tabi ko. Dalawa lang kami ang Tao ngayon sa bahay. Si kuya Dean nasa bahay ni Ate Bianca tapos si Kuya Sig naman nasa ibang bansa sa Bali Indonesia doon sila nag honeymoon ng asawa nya. Kaya tahimik ang bahay dahil wala sila.
"Auntie naalala nyo ba si Ken ang ex boyfriend ko"
"Ah si pogi kapatid ni Gideon? Teka Ex boyfriend? Akala ko boyfriend mo yon"
"Ex na po Auntie dahil wala na kami"
"Wala na kayo? Bakit naman"
"Di makatiis nag hanap ng ibang babae"
"Ay! Ansama naman. Teka ba't wala sinabi si Sandra sakin na nag loloko na pala ang brother in law nya"
"Ewan ko baka di nya siguro alam"
"Akala ko pumunta lang sya ng ibang bansa para sa daddy nya pero ba't ganun! nakahanap kaagad sya ng ibang babae baka siguro pinsan nya lang yon"
"Sweet sila auntie may magpinsan bang sweet"
"Oo kayo ni Dean pati na si Sig sweet nyo din naman."
"Iba yon baman Auntie. May naka kita kasi sa kany sa bar kasama ang babaeng yon at sweet sila. Shempre ako Girlfriend nya di ba ako mag seselos kung nandon lang ako siguro pota makakatikim sakin ang babaeng yon"
"Asus! Parang ganun lang magseselos na kaagad? Di mo pa nga alam ang buong detalye kung magkaano-ano sila"
"Anak ng Prime minister of America ang babaeng yon. Sa tingin mo papatol si Ken kung walang pera ang babaeng yon. Sus di naman yon maganda. Kung sa ganda lang magbabase ma's maganda ako sa kanya,Sya mapera lang ako inside and out maganda talaga"
"Wow kapal naman nito"
"Auntie naman grabe kA naman sakin"
"Di joke lang. Maganda ka naman talaga shempre sa lahi natin yan saka sakin ka pinag lihi ng nanay mo kaya magandang babae ang kinalabasan"
"So panget pala si mama ko"
"May sinabi ba ako"
"Wala"
"Yon naman pala. Basta maganda ka dahil sakin ka nag mana"
"Oo na po. Lakas nyo din self confidence nyo. Napaka presko Nyo"
BINABASA MO ANG
When Playboy Meet's Palaban Girl [Completed]
Teen FictionDo you Believe that there's no Accidents in Life? Everything happen for a Reason. Every person we meet have a role in our Lives, big it or small. Some will hurt,betray and make us Cry to become a Stronger. Some will teach us Lesson,not to change us...