Chapter 23

559 18 1
                                    

Sarap na sarap ako sa pag tulog ng may narinig akong nag bubulongan.

"Ano sa tingin mo sila na ba talaga?"

"Di ako sure kasi tingnan mo subrang sweet nila natutulog. Daig pa ang mag asawa."

"Oo nga.hmm duda talaga ako sa dalawang to"

"Hayaan mo na sila. Sadya lang siguro mahal nila ang isa't isa wag kang bitter ok"

"Bakit ayaw pa nilang aminin satin na sila na?nag mumukahang tanga lang tayo sa kaka stalk sa kanila"

"Ayaw ko naman mag Stalk sa kanila ikaw lang itong tsismoso pati ako dinamay mo pa"

"Di na kasi tama ang ginagawa nila.'

"Kung di tama ba't mo sila hinayaan matulog magkatabi?dapat sa room mo pinatulog si Ken dahil lalaki sya."

"Test lang yan sa kanya kung may gagawin syang masama kay Stef.'

"Gago ka talaga Sig! Di mo ba inisip na pareho silang lasing pano na kung gawin nila yon. Alam mo naman pag lasing ang isang Tao di nila alam ang ginagawa nila"

"Subukan nya lang gawin yon kay stef babalatan ko sya ng buhay"

Napadilat ang isa kong mata tapos napatingin ako sa bandang pinto naka bukas ito at may nakita akong dalawang ulo.

Anong ginagawa nila ba't nila ako sinisilip.

Gumalaw ako sa kama tapos bigla nag Sara ang pinto. Alam siguro nila na gising na ako kaya umalis na sila.

Babangon na sana ako ng bigla ko nalang naramdaman na may nakayakap na pala sakin mula sa likod ko habang natutulog ako tapos ang paa nya naka tanday pa sakin. Napatingin ako kung sino ang nilalang na 'to. Napatakip ako ng bibig ko ng makita ko sya.

Hala!anong ginagawa nya dito. Ba't magkatabi kami natulog. Haisst wala ako maalala. Kaya pala may dalawang ulo kanina naka silip sa pinto siguro sina kuya Sig at Ate Sandra yon. Haisst lagot na. I'm sure abot na hanggang New Zealand ang inisip ng dalawang yon.

Pilit kong gumalaw sa pagkayakap nya tapos napaupo ako at ginising ko sya.

"Boss"

"Boss ken Gising na"

Niyugyug ko sya.

"Hmm"

Sabi nya sabay hila sakin pahiga ulit.

"Boss gising na"

"Mamaya na Stef I'm so sleepy pa. Please don't disturb me"

When Playboy Meet's Palaban Girl [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon