Simula

189 28 3
                                    

Simula: New Beginning

"Unnie, you're staring at yourself for hours! Hindi ka pa ba tapos mag-ayos?" Iritadong sabi sa akin ni Chandria.

"Malapit na ko matapos." Tinignan ko siya sa refletion ng salamin. Ngumuwi ako.

"Ano pa ba aayusin mo? Don't make yourself pretty too much. Wala ka naman prince charming na pupuntahan doon." Humalukipkip siya habang nakasandal sa pintuan ng aking kwarto. Umirap siya.

"I know." Matigas na pagkabigkas ko sa mga salitang sinabi ko. Napakusot ang aking mga kilay. "I'm not into prince charming here. You know that."

"Okay, if you say so." Nagkibit-balikat si Chandria at tumalikod na sa akin para lumabas sa aking kwarto. Napabuktong hininga ako at tinignan muli ang aking sarili sa salamin.

When I was little, I don't believe in happy ever after. I'm not the kind of little girl who's into fairy tales but I do know each princess has their own prince charming. Muntikan na ko mapaniwala na baka nga totoo ang fairy tales, well, 'yon kasi ang kadalasan na nakikita ko sa aking paligid.

Madami mga bata na naglalaro ng barbie at may kasamang lalaki barbie doll din. May mga napapanuod ako sa TV na Disney Princesses na lagi may happily ever after kasama ng kanila mga prinsipe. Dahil bata ako, madali lang ako mapaniwala sa mga bagay-bagay. Akala ko ganoon lang iyon kadali, makita mo lang ang iyong prince charming and everything's perfect na. Madali lang masabi na nagkaroon sila ng happy ever after pagkatapos mapanuod lahat ng napagdaan nila. But in real life? Everything is not easy. No, specially conflicts and heartbreaks.

Una ako nakaramdam ng heartbreak, bata palang ako. Natuto ako maniwala sa akin mga napapanuod at nakikita dahil iyon din ang nakikita ko sa aking magulang. They look happy. That's what I thought.

Akala ko may happy ever after na ko nasubaybayan at ang parents ko iyon. Well, my dad is a Korean and my mom is just a simple hometown girl sa Pilipinas. Hindi madali magkaroon ng karelasyon na opposite side mo. 'Yon ang pagka-intindi ko dahil ganoon ang magulang ko. But I thought their fights are just the struggle. Kung baga, iyon ang climax ng love story but in the end, happy ever after parin. Pero mali ako, hindi sila nagkatuluyan.

Too much fights can kill relationship. Hindi nagtagal, nawala ang dad ko sa aking piling. It's just me and my mom. And from then on, hindi na ko naniwala sa happy ever after. For me, sa mga movies lang ang may ganoon, lahat ay scripted. Ginagawa lang ang happy ending para matuwa ang mga manunuod pero sa totong buhay, hindi lahat ng akala mo prince charming mo ay makakatuluyan mo na.

But then, all my hatred, anger, and fear were gone noong dumating sa buhay namin ni mommy sila tito Jon. May nakilala ang mommy ko na isang lalaki noong nagtrabaho siya sa isang advertising company. She met Jon Lazaro, an advertise model.

Muli nagkaroon ng mala-fairy tale ang love story ng mama ko. They fell in love, they got married and they have Chandria and Christian. Nagkaroon ulet ng saya sa amin ng mama ko because of them. Jon treated me like his own daughter and I love my step twins. I thought this is the happy ever after I've always wanted pero nabigo ulet kami.

Muli naloko ang mama ko dahil sa masyadong mala-fairy tale na love story. Suddenly, nahuli niya si tito Jon na may iba. They broke up. Again, heartbroken ang mommy ko. Few months after, nabalitaan namin nagpakasalan na siya sa ibang babae at may anak silang babae.

Jon wanted to get his twins pero ayaw ng mama ko, ayoko rin. I won't let anyone ruined my happiness, even my mom's happiness. That's what I promise to myself because for the second time around, hindi nanaman ako napaniwala ng happy ever after.

That climax story feeling didn't end up there. Akala ko magiging masaya na ang lahat dahil nakuha namin ang magkambal na sila Chandria at Christian. We're happy together. Close kami sa isa't isa at nagtutulungan. We treat each other na para bang magkadugo talaga kami at walang half. Everything's perfect but because there's no perfection in this world, here comes another struggle.

My mom got crazy. Dahil sa sobrang heartbroken niya sa dad ko at sa dad ng kambal ay nabaliw na siya. She lost her mind na kailangan na namin siya madala sa hospital for medication hanggang sa dumating ang araw na kailangan na namin siya maiwan doon.

I was 13 years old that time, at simula noon, ako na ang tumayong nanay sa bahay. It's not easy. Life is not easy. Love is not easy. Ito na ang napaniwala ko sa aking sarili simula mangyari ito sa amin buhay. All that happy ever after and fairy tale stories are just jokes. They are all liars. There's no happy ever after. There's always struggle. I think the only thing that will give you a happy ever after ay kapag patay ka na. But while you're living in this world, everything is a mess.

"Noona!" Nabalik ako sa realidad nang marinig ko ang sigaw ni Christian galing sa baba. "Andito na si Tita Roan! Come on. Papasok na tayo."

"Coming!" Sigaw ko pabalik. Kinuha ko ang aking bag na nakapatong sa aking kama at nagmadali na bumaba.

"Asan na si Chad?" Tanong ko sa kanya pagkababa ko.

"Nasa kotse na. Ikaw nalang ang hinihintay."

Tumango ako sa kanya at sabay na kami lumabas. Andoon na sa tapat ng bahay namin nakaparada ang puting Mitsubishi Adventure GX ni Tita Roan. Nakita ko si Chandria kumaway sa amin at sumenyas na pumasok na rin kami sa loob ng kotse. Sumakay na si Christian sa tabi ni Chandria sa backseat habang ako naman ay umikot para makarating sa may passenger seat para doon umupo.

"Sorry, tita. Kanina ka pa ba andito?" Aniko. Sinuot ko ang seatbelt bago umupo ng maayos.

"No, not really." Sinimulan na niya buksan ang makina at paandarin ang kanyang kotse. "Pero parang si Chandria ata nagmamadali? Kanina pa kasi niya kinukulit ang kanyang kambal na tawagin ka na."

Tumingin ako sa likod at tinignan ng masama ang kapatid kong babae. Tinawanan lang niya ako. Hindi naman pala nagmamadali. Akala ko pa naman, malalate na kami.

"Bagal mo naman kasi kumilos! Baka nakakalimutan mo, may pasok pa pati si tita!" Dipensa niya.

Umirap ako sa kawalan at humarap na ulet.

"It's 6:35am, Chad! Wala pa sa Ala-siete ang pasok ni tita." Aniko.

"Sus, kilala mo naman itong si kambs, noona." Natatawang ani Christian. "It's the first day of class kaya ganyan nalang 'yan ka-excited."

"You're right, Chan." Napa-iling iling nalang ako.

Lalo lumakas ang tawa ni Chandria. It's true. Sa aming tatlo, siya lagi ang excited sa first day of school. Why? Because of boys. Hunting handsome kiddos, iyon ang excited niya gawin sa eskuwelahan.

"Syempre naman! Sana may new student kami gwapo." Rinig ko sa kanyang boses ang kasiyahan at pagiging excited.

"Grade 10 ka na, Chad. Excited ka parin?" Natatawang ani Tita Roan.

"Oo nga." Ani Christian. "Wala naman bago sa school natin. For sure sila parin mga classmates natin at isa pa, paano magkakaroon ng bagong estudyante, e, graduating na kaya tayo?"

"Ano naman? Malay mo naman?" Dipensa ulet nito. "And tita, high school palang naman po ako. Hindi pa ako ganoon katanda para hindi ma-excite sa first day!"

Ang tawa ni Chandria ang bumalot sa loob ng kotse. Kahit si tita Roan ay bahagyang napapatawa na rin sa ka-immuturan ng aking kapatid. Nagulat ako nang bahagyang sinipa ni Chandria ang upuan na inuupuan ko kaya naman napalingon ako sa kanya.

"Ikaw ba, unnie? Hindi ka ba excited? C'mon! It's your first day in college!"

"So?" Kusot kilay kong sabi.

"Don't be ridiculous! Kakapasok mo palang sa kolehiyo so malamang madaming bago 'dyan. College boys are more handsome than highschool boys, right? Plus, it's a new beginning. A new story for you."

Napabuktong-hininga ako. May isang kasabihan si Chandria na lagi niya sinasabi sa amin ni Christian. Every story starts with new beginning. Well, para sa kanya lahat nagsisimula kapag new beginning. New beginnings. New life. New change. Ayan ang pananaw niya lagi. And I guess I have to agree with her this time. Because I think this new beginning is a new change for my life.

_____________________________________________

Cover reference: Google (drawing or sketches doesn't belong to me.)

Credits to the owner.

This One GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon