Kabanata 14

55 22 0
                                    

Kabanata 14: Couple

Tahimik lamang ako habang naglalakad sa gilid ng kulungan, sumandal ako rito at ang ulo ko ay sinandal sa kabila. Nakasunod sa akin si Andrew dahil nakaposas parin kaming dalawa. Matatanggal lamang ito kapag nakalaya na kami.

Tumabi siya sa akin na tahimik din. Hindi ako kumibo. Half of me, nakalimutan na ang pinagtatalunan namin kanina dahil sa nangyaring paghuli sa amin but the other half of me, ayoko rin naman na rito namin ipagpatuloy ang usapan. Not with all of these people, for sure kahit hindi nila alam na si Andrew ang kasama ko, makikichika parin sila. At hindi ko hahayaan na malaman pa nila si Andrew nga ang kasama ko para lang tuluyan sila makichismis.

Diretso lamang ang tingin ko, tanaw ang booth na nasa harap nitong Jail Booth. Ang booth namin. Marami paring tao roon. Abala ang mga iba sa pagkuha ng litrato at ang iba ay maghagilap ng mga tao na subukan ang booth namin. Si Zara parin ang andoon sa lamesa katabi parin si Yosef.

Tumitig ako sa booth namin, trying to find my friends pero wala sila roon. Siguro mga naglilibot parin ang mga iyon. Buti pa sila mga nagsasaya! Bakit ba ako sumama rito kay Andrew in the first place? Pwede naman nanatili nalang ako kasama sila Harlene e, 'di sana nagsasaya rin ako ngayon at wala rito!

I want to call Zara at magpatulong dito. Pero matutulungan ba niya ako kung ang kasama ko ay iyong pinaka-ayaw niyang tao? Kung pwede lang ako lang ang babayaran ni Zara para makalaya pero narinig ko lang kanina may isang nagrereklamo dahil kung bakit kailangan ang bayaran ay ang magkasama sa isang posas. Kung baga, kung ikaw lang ang babayaran ng tao sa labas hindi iyon pwede, dapat kayong dalawa ng kasama mong nakaposas. Ang talino ng mga BMAT banda roon.

Kung kay Yosef naman ako magpapatulong, hindi ko iyan maasahan. I know he won't spend his money just because of this kind of nonsense thing. E kaya nga andyan lang siya sa booth namin taga bantay dahil alam ko ayaw niya gumastos sa mga booth na andito. And even if I'm his dear friend, I know he won't really help me with this. Hindi siya ang tipong kaibigang lalaki na tutulungan ka sa kahit na ano, just some few circumtances only. Hindi iyan papayag unless if iyong tulong ay pang life and dead na pero kung ganito lamang? Impossible.

Nakita ko lumapit si Andrei sa kanila na may dalawang pagkain at inumin na dala. Kung siya naman.... Pagtatawanan lang ako! Aasarin muna ako niyan bago ako palayin at lalo ako aasarin kapag nalaman kung sino ang kasama ko makulong. So, 'wag nalang. Baka madagdagan pa ang iniiwasan kong mangyari.

Labing limang minuto lang naman. Kaya ko na iyon tiisin.

Narinig ko si Andrew suminghap kaya napalingon ako sa kanya. I can sense his frustration. Hindi ko alam kung nahihirapan ba siya na intindihin ako kanina pa o nahihirapan siya mag-isip ng rason para maniwala parin ako sa kanya?

"Hindi naman porket kasama si Janna sa mga sinasabi nila totoo na agad lahat ng iyon." Mahinahon niyang sabi.

Napakurap-kurap ako. Hindi ko alam na may balak siya ipagpatuloy itong usapan namin dito. Hindi ako sumagot sa kanya lalo na nang napalingon sa amin ang katabi niya at parang bang nagtataka kung sino ba itong nagsalita.

This jail is too crowded kaya kahit bulong ay pwede marinig ng katabi. Halos ang braso ko nga ay nakadikit na sa braso ni Andrew sa sobrang daming tao rito. Bakit naman kaya sila masyado nang huli ng tao e, hindi naman pala malaki itong kulungan nila?

"Janna is my old friend..."

Bumalik ang atensyon ko kay Andrew nang magsalita ulit siya. So, wala siyang balak tumigil? At gusto niyang ipagpatuloy namin ang usapan na 'to dito?

"Can we just talk about this later?"

'Wag lang talaga rito. Parang ako nagkaphobia dahil sa mga narinig ko kanina. This is the first time napasabak ako sa mga issue sa school. At kahit na ba nilulunod na ko ng mga kaibigan ko sa mga nangyayari iba parin pala talaga sa ibang tao mo iyon marinig at higit pa roon ay iyong may involve pang ibang babae.

This One GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon