Kabanata 24

27 16 0
                                    

Kabanata 24: Lies

Nagising ako na madilim ang aking paligid. Patay ang ilaw sa aking kwarto habang ang tanging nagiging ilaw ay ang ilaw sa labas at sa tingin ko ito ay galing sa mga poste.

Kumurap kurap ako habang dinadama ang hapdi ng aking mata. Napakusot ang kilay ko pagbangon dahil sa naramdaman na sakit ng ulo. I cried the whole afternoon hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na ako. Hindi ko rin napansin ang pagdating ng kambal ngunit alam ko andyan na sila, may naririnig na akong ingay galing sa ibaba.

Gusto ko nalang sana manatili sa aking kama at magmukmok. Gusto ko lamang isiksik ang sarili sa aking unan habang pinupuno ang aking isipan ng mga katanungan. Pero nakaramdam ako ng pagka-uhaw, titiisin ko nalang sana ito ngunit masyado na tuyo ang aking lalamunan. I feel so exhausted kaya naman pinilit ko lumabas sa aking kwarto.

Pagbukas palang ng pinto ay parang ako isang bampira na tinapon sa arawan. Napapikit ako at tinakpan ang aking mata dahil sa sobrang liwanag na nadama. Dahan-dahan ko binuka ang aking mga mata at tinanggal ang kamay na nakaharang hanggang sa nasanay na ako sa liwanag.

Pagbaba ko ng hagdan ay nakita ko ang kambal na nasa dining at kumakain na ng hapunan. Natigil sila sa pagkain nang matanaw ako. Tahimik silang pinagmasdan ako. Agad ako tumalikod sa kanila para maka-iwas. I feel guilty everytime. Feeling ko nalalaman ng tao na hindi ako okay sa tuwing tinitignan nila ako ng ganoon.

Inabala ko nalang ang sarili sa pag-inom ng tubig. Kumuha ako ng pitsel sa refrigerator namin at baso sa lalagyanan.

"Pagdating namin, tulog ka na kaya hindi na kami nag-abala pa. Kami na naghanda ng hapunan..." Ani Chan habang nagsasalin ako ng tubig sa baso at ininom ito agad. "Akala namin hindi ka na magigising dahil anong oras na rin kaya nauna nalang kami..."

Dahil sa sinabi ng nakakabata na kapatid napatingin ako sa orasan namin na nakasabit sa itaas ng refrigerator. Alas otso na pala? Ilang oras ako nakatulog?

"Kain ka na, unnie..." Ani Chad. Wala na siya sinabi pang iba o dinuktong pa. Okay na sa akin iyon, wala ako sa mood na makipaglokohan.

Tumango ako sa kanila nang hindi parin sila nililingon. Narinig ko ang ingay habang sila ay kumakain kaya alam ko wala na sa akin ang kanilang atensyon. Napabuktong hininga ako nilapag ang baso sa lababo bago sila hinarap at nilapitan. May nakahanda na plato at kurbyetes sa pwesto sa aming dinning. Doon mismo kung saan ang pwesto ko sa kainan. Hindi na ako nagsalita at kumuha ng pagkain para sa akin.

Tahimik lamang ako kumakain. Ang dalawa ay may pinaguusapan patungkol din sa event sa kanilang school. Wala naman ako sa mood na alamin kung ano iyon kaya hinayaan ko lang sila. Kumakain lamang ako habang nagbabasa ng mga mensahe hindi ko namalayan na nakuha ko simula kaninang hapon pa.

Pia: (2:50pm)

Huy, asan ka? Hinahanap ka ni kuya Macky sa amin. Abot mo na raw sa kanya ang listahan tapos puntahan mo kami rito sa gym. Sila Andrei kasama sa Tag of War! Hahahaha

Harlene: (3:00pm)

Umuwi ka na raw sabi ni Emil? He's with us...

Unknown number: (6:00pm)

Hey...

Nagreply ako kay Pia at Harlene. Sa tingin ko may alam na sila ngayon pero hinihintay na ako ang manguna magkwento. Emil is with them. Nabanggit nito na umuwi na ako kaya baka nabanggit din niya na magkasama kami at sa nangyari. Sinabi ko nalang kay Harlene na magsasabi nalang ako bukas sa nangyari.

Nagmessage rin ako kay kuya Macky sa Facebook tungkol sa listahan na bukas ko nalang iaabot. Humingi ako ng tawad dahil hindi ko na siya nabigay ngayon. Sabi ko nalang na sumama ang pakiramdam ko kaya napauwi ako ng maaga. Buti nalang at hindi siya nagalit. Sinabi na magpahinga ako para bukas maabot ko na ang dapat ko ibigay sa kanya.

This One GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon