Kabanata 32

23 14 0
                                    

Kabanata 32: Selos

It was just a simple dinner at dahil may pupuntahan kaming party ay naging saglit lang ang date namin. Hindi na kami nakapagdessert pa dahil alam namin pagdating sa bahay ng kanyang kaibigan ay kainan nanaman.

Busangot pa ang mukha ni Andrew dahil gusto niya raw talaga masolo ako ng matagal. I just laughed at him. Sinabi ko nalang din na ulitin namin ito sa ibang araw para gumaan ang loob niya. And it did. Nakangiti na ito habang naka-akbay sa akin nang makarating kami sa bahay ng kaibigan niya.

Nasa bakuran ang lahat at may mga nakalatag na ng iba't ibang pagkain at alak. Mukhang kanina pa rin sila nagsisimula.

"Pare, finally!" Agad na tumayo si Ashton at sinalubong kami pagpasok ng gate. "Akala namin mangtatalkshit ka na!"

Tumawa lamang si Andrew at nilingon ako. Mukhang naintindihan ni Ashton ang pinapahiwatig ng kaibigan dahil pinasadahan din niya ako ng tingin at tumawa na rin. Ngumiti na lamang ako.

"Andrew pare!" Napalingon kami sa lalaking sumigaw at kakalabas lamang ng bahay. "Muntikan na ako magtampo!"

Umiling si Andrew at tinawanan ang kaibigan. Nilingon naman ako ng kanyang kaibigan. Halata ang gulat sa kanyang mga mata pero nakangiti ito sa akin.

"Kung hindi lang babae ang rason mo, baka nagtampo na talaga ako." Ngumisi siya sa akin at kinindatan ako.

"Siraulo!" Ani Andrew.

Nagtawanan silang tatlo. Ngumiti-ngiti ako sa kanila. I don't want to be rude kahit hindi ko maintindihan ang pinaguusapan nila.

"Marc nga pala,"

Naglahad ng kamay sa akin ang kaibigan ni Andrew na payat, mahaba ang buhok at naka brush up ang harap nito. Matangos ang ilong, mahaba ang pilik mata at makapal ang kilay. Nakasuot siya ng itim na malaking salamin. Nakangisi ito sa akin.

"Emma..." I smiled back habang inaabot ang aking kamay sa kanya para sa handshake.

"Dapat may regalo ako sa mga late dumating pati na rin sa bago kong kakilala? Hmm?"

"Wag nga makapal mukha mo!" Inis na sabi ni Andrew. Hinawakan niya ang ulo nito at tinulak palayo sa akin kaya naman agad din nagkabitaw ang aming mga kamay.

Humagalakpak ng tawa iyong Marc pati na rin si Ashton. Kahit ako natatawa na rin kahit hindi maintindihan ang mga kalokohan nila.

"Happy Birthday, pare!" Tinapik ni Andrew si Marc sa balikat habang natatawa parin.

"Happy Birthday!" Bati ko at yumuko sa kanya.

"Salamat, salamat." Tumayo siya ng maayos at ningitian kami ni Andrew. "Pasok kayo sa loob, may mga pagkain doon. Iyong mga nakalatag sa lamesa pang pulutan pero pwede na rin naman dyan kayo kumuha. Just feel at home!"

Una na umalis si Marc. Nakipagtawanan na siya sa kanilang mga kaibigan na andoon sa may lamesa. Halong mga babae at lalaki ang naka-upo roon pero karamihan ay lalaki. Now, I wonder kung ito lang ba ang kaibigan nilang babae? Ginala ko ang aking mata sa kanila. Sa ilang beses ko pagtagpo kay Janna, I know her already. Hindi ako pwede magkamali o malito sa kung ano ang itsura niya at nakakapagtaka dahil wala siya rito. Is she invited? O hindi siya pinapunta ni Andrew dito dahil alam na kasama ako?

Pinilig ko ang aking ulo. Stop thinking nonsense, Emma! I don't think he will do that and if ever, why would he? Wala naman siguro sila tinatagong dalawa. They're just friends.

Tuluyan lamang ako natigil sa aking iniisip dahil napansin ko ang tingin ni Ashton sa akin. Sinulyapan ko siya. There's still smile on his face but I can see in his eyes like as if he's reading what's on my mind. Umiwas ako ng tingin.

This One GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon