Kabanata 35

15 9 0
                                    

Kabanata 35: Better

"Hey..." Ani Andrew paglapit niya sa akin. Nilapag niya ang kinuhang basong tubig sa aking tapat at imbis na sa tapat ko siya umupo ay inurong niya ang upuan sa aking tabi 'tska umupo.

Wala sa sarili ako umupo rito sa isang fast food chain. Pagkatapos nang pangyayari na iyon ay naglakad ako na may malalim na iniisip habang si Andrew ay tahimik lamang ako sinundan.

Hindi ako kumikibo. I didn't even face him. I can't move. Natulala lamang ako rito at hindi kumikibo. Hindi parin nawala sa isip ko ang pangyayari kanina. Lots of thoughts are crashing my mind, hindi ko na alam kung alin doon ang masasabi kong totoo. Sa huli, narinig ko lamang ang kanyang buktong hininga.

"Baby, please talk to me..."

Ang kanyang kamay na nakapatong sa sandalan ng upuan ko at humaplos pababa sa aking braso. He tried to hug me in that way pero agad ko hinawi ang sarili ko sa hawak niya.

Again, malakas siya bumuktong hininga.

I feel hurt. Masakit pa ang aking balakang dahil sa pagtama ko sa pader. Masakit ang aking puso sa aking mga naiisip tungkol kay Andrew at sa babaeng iyon. Gusto ko man maniwala sa sinasabi ni Andrew but I'm half doubting...

Dahil kung best friend niya iyon bakit ganoon umasta kanina? Parang higit pa sa pagkakaibigan ang galit niya kanina. Now I'm thinking if that's really his best friend o baka naman iyon ang tunay niyang girlfriend? Or probably ex?

I can feel my heart falling into pieces right now.

"Baby.... What are you thinking?"

He tried to hug me again from side. Hinayaan ko nalang siya dahil tulala nanaman ako sa kawalan. He kissed me on my cheeks bago suminghap at sinandal ang noo sa aking pisngi.

Ilang minuto pa kami nasa ganoon posisyon bago ako nagpasya na magsalita na.

"Let's go..."

Agad siya umupo ng maayos at tinitigan ako.

"What do you want to do? Hmm?"

Umiling ako. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagkusot ng kanyang kilay.

"Do you want to eat?"

Umiling ako.

"Do you want to watch movie?"

Umiling ulit ako.

"Emma Jin, what do you want to do? Tell me, baby please..."

"I-I..." Suminghap ako bago ituloy ang gustong sabihin para hindi na ako manginig. "...want to go home."

Hindi agad sumagot si Andrew. Ramdam ko ang paninitig niya sa akin, para bang sinusubukan niya na mabasa ang aking isipan.

"Uh..."

I actually don't know what to do. I don't want to disappoint him ngunit hindi ko kaya itago ang nararamdaman ko ngayon. I can't pretend. At kahit na ba parang binabasa niya ako sa mga titig niya, alam kong alam niya na hindi ako okay ngayon. Ramdam ko iyon sa katahimikan at mga buktong hininga niya.

"Alright..."

Nagulat ako sa pagsang-ayon niya. Akala ko ay may sasabihin pa siya ng kung ano o pipigilan niya ako sa gusto ko. Napalinga ako sa kanya at pinagmasdan siya habang tumatayo. Nang binalingan niya ako ng tingin at naglahad ng kamay ay agad ako umiwas ng tingin. Tumayo ako mag-isa. Narinig ko ulit ang kanyang pang-ilan nang buktong hininga ngayon.

Sinubukan ko umiwas sa kanya habang naglalakad ngunit lumalapit parin siya para alalayan ako kahit papano. Ang kanyang kamay ay nasa likod ko lamang, hindi dumidikit sa akin mismo pero alam ko nakaalalay iyon. Ang kanyang mata na sa akin lamang nakabaling. Para akong isang may sakit na tao sa inaasta niya. Hinayaan ko nalang siya. I feel like I'm so tired reacting in everything that's happening.

This One GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon