Kabanata 15

53 21 0
                                    

Kabanata 15: Goodnight

Natapos ang awardings na iyon ng punong-puno ng kahihiyan. Hindi binitawan ni Andrew ang aking kamay kahit sa pagbaba namin. Ang daming naghihiyawan dahil sa simpleng gesture na iyon. Simple pero ang lakas ng impact hindi lang sa mga tao, pati sa akin.

Pagkatapos ng awardings ay nagpatugtog na ng malakas at nagkaroon ng sayawan.

Nasa gitna ako ng madaming tao naghihiyawan at nagsasayawan kasama parin si Andrew at ang seksyon nila Harlene nang tumunog ang aking phone. Hindi naman kami nagsasayaw, ang mga tao lang sa paligid namin. Naguusap at nagtatawanan lamang kami hanggang sa magkayayaan na magsi-uwian. They all know I'm just waiting for my sundo at ngayon may tumatawag sa akin, hindi ko na kailangan pa tignan kung sino iyon at agad nalang ito sinagot.

"Noona! Andito na kami sa may parking!"

"Oh, ganoon ba? Sige, punta na ko diyan...."

Ibababa ko na sana ang tawag pero nagsalita ulit ang aking kapatid.

"Uhm, try to look for Chandria... She's there somewhere, noona...."

"What? Anong ginagawa-" Hindi na pinatapos ni Christian ang aking sinasabi dahil mukhang alam na niya kung san hahantong ang usapan na ito.

"Pagkapark namin, agad siya bumaba at sinabi na hahanapin ka daw niya but we're all know why she wants to go inside..."

"Chandria talaga!" Napa-iling ako kahit na ba hindi niya ako nakikita. "Buti nakapasok e, hindi naman ata siya nakacostume?"

Or did she ever do that para makapasok dito? There's no doubt, she'll do everything she wants at gumagawa talaga siya ng paraan para lang magawa ang gusto niya. And knowing her as a past cosplayer? Who knows....

"Hmmm... Nakapasok na rin naman kami sa may gate dahil alam na magsusundo kami kaya baka nakapasok din siya dyan."

So, hindi siya nakacostume?

"Okay, hahanapin ko siya."

"Okay, bye."

"Sige na, bye."

Hinarap ko agad ang aking mga kaibigan para magpaalam pagkababa ng tawag ni Christian. Kahit na hindi pa ako nagsasalita mukhang alam na nila. They all looking at me, naghihintay ng paalam ko.

"I have to go, andyan na sila e."

Tumango lamang ang mga babae sa akin at isa-isa ako hinalikan sa pisngi.

"Maya uuwi na rin kami..." Ani Ally

Ang mga lalaki naman ay nagpaalam sa akin, except for Jefferson. Kahit na kanina pa kami magkakasama, kanina pa rin siya walang kibo. And now he's just standing on the side while drinking whatever that is. Well, kung ayaw niya makipagkaibigan sa akin hindi ko na siya pipilitin. I guess mas maganda na rin siguro ganito nalang kami.

"Emma..." Nadistract ako nang marinig na sabay tinawag ni Emil at Andrew ang pangalan ko.

Napatingin ako kay Emil na nasa aking harap. Noong una ay sa akin siya nakatingin pero agad kumunot ang noo nito at napabaling sa aking katabi. Napatingala ako para matignan si Andrew at nakita nasa akin siya nakabaling na para bang kanina pa niya iyon ginagawa at hinintay lamang ang paglingon ko.

"Samahan na kita hanggang doon..."

Kahit naman alam ko sa sarili ko na hindi ako tatanggi sa kanya hindi parin ako nakasang-ayon agad dahil may gumulo sa aking isipan. Para bang gusto ko pumayag sa alok niya pero part of me ayaw dahil andito si Emil. I don't know... I can't explain it.

This One GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon