Kabanata 1

99 27 0
                                    

Kabanata 1: Basketball player

"Shoot it, asshole! Haist!" Nagulat ako at napalingon sa sumigaw na iyon. I know her. Girlfriend ito ni Steven, blockmate ko sa isang subject. I can't believe sinisigawan niya ng ganoon ang kanyang boyfriend na naglalaro ng basketball.

Months have passed simula ng first day. I made new friends already. Madami at iba-iba sa bawat subject. Well, nag-enroll ako na open section so kung san-san klase ako napunta pero hindi naman ako nahirapan dahil friendly naman ako at madaldal na tao. Agad ako nakahanap ng mga kaibigan. Besides, masaya ako sa pagiging irregular atleast I'm free with my own time and I can be with many people.

Andito kami ngayon sa gym dahil simula na ng Intrams namin. Ngayon ay half day lang ang klase dahil gusto ng mga professors na may susuporta sa bawat course na maglalaban ngayon. And for sure, gusto rin nila manuod.

Exacto pagdating namin sa court, kurso namin ang may laban ngayon sa basketball. Actually, kurso ko laban sa kurso nila.

"Go! Go! Go CS!" Sigaw ni Zara. Panay ang talon niya at tili sa tuwing hawak ng Computer Science ang bola.

Natatawa ako dahil nadadala na siya sa pinapanuod namin. Zara is one of my friends. Magclassmate kami sa dalawang subject pero siya ang lagi ko nakakasama. Mas madami ata itong free time kaya ganoon. Lagi ko nalang siya nakikita tuwing lalabas ako ng aking klase, sasalubungin niya ako at magaaya kumain. Minsan, nagaaya mag-mall. Pero okay lang iyon sa akin, atleast naaliw ako. Hindi ako umuuwi agad after class.

"Ang sakit mo naman sa tenga tumili, Zara!" Reklamo ni Andrei, isa pa namin kaibigan at blockmate. Napatakip nanaman siya ng kanyang tenga nang tumili muli si Zara dahil nakashoot ang isang player ng CS.

Ngumingiti lang ako habang inaasar ni Andrei si Zara. Mukhang wala lang naman kay Zara ang lahat dahil patuloy lang ito sa pagchecheer. Hinayaan ko lang sila. Natatawa ako sa mga naririnig ko pang-aasar ni Andrei pero ang tingin ko ay nasa mga naglalaro lamang.

Napakusot ang kilay ko nang kanina pa ko may napapansin. 'Yung isang player sa CS patingin tingin sa side kung saan kami nakapwesto. Sa bawat pagshoot niya ng bola ay lagi siya tumitingin sa amin. Sa amin o sa akin? Pinagmasdan ko siya. I don't know him. At mukhang hindi ko naman siya kaklase sa kahit anong subject ko but why does it feels like ako ang tinitignan niya? Nakakaramdam tuloy ako ng ilang. Para akong nastastatwa dito at nahihiya gumalaw. Feeling ko isang galaw ko lang o salita baka may magawa ako mali, at mapahiya pa sa harap niya. I don't know why I do even bother. Siguro, hindi lang talaga ako sanay na tinitignan ako. Umiwas ako ng tingin sa kanya at pinanuod nalang ang ibang players na naglalaro. Paganda na ng paganda ang laban. Nangunguna ang IT pero humahabol ang CS.

"Nakakainis talaga kasama mga babae manuod ng laro." Umiling-iling si Yosef. Nakakusot ang mga kilay nito pero ang atensyon ng kanyang mga mata ay nasa mga naglalaro lang din. Hindi pa pala sila tapos sa pagiging maingay ni Zara manuod.

Nakita kong tumango-tango pa si Andrei sa kanya na para bang totoo talaga ang sinasabi ni Yosef. Napabaling ako sa kanila at sinamaan sila ng tingin.

"Oy excuse me! 'Wag mo naman lahatin. Hello, andito pa po ako!" Kumaway-kaway ako sa harap niya. Agad naman niya sinanggi ang kamay ko na humarang sa kanyang mukha. Natawa nalang ako.

"Babae ka pala?" Pang-aasar niya. Binatukan ko nga! Agad niyang sinapot ang kanyang ulo.

"Shut up!" Umirap ako. Tinawanan lang naman niya ako.

Bwiset! Si Yosef ay saksakan na mapang-asar kahit kelan! Buti nalang at hindi na rin nagatungan ni Andrei. Isa pa ito e, kapag may inaasar ang lakas din maki-asar! Tama lang 'yan, maging busy lang sila manuod!

This One GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon