Kabanata 36

12 8 0
                                    

Kabanata 36: Kikitain

"I told you, I don't want to hear it." Malambing kong sabi habang naglalakad kami ni Andrew papunta sa aking klase na magkahawak ang kamay.

Narinig ko ang pagbuktong hininga niya. Tumingala ako para makita ang kanyang itsura, nakabusangot ito ngayon. Ngumuso ako at binalik ang aking tingin sa daanan.

"Ang sabi mo, best friend mo lang iyon. I believe you."

"That's not what I want..."

Napalingon ulit ako sa kanya nang maramdaman ang paghigpit ng kanyang hawak sa aking kamay.

"I want you to know kung anong klase siyang kaibigan para sa susunod hindi ka na maparanoid..."

"I'm not paranoid!" Halos ibalibag ko ang kamay niya na nakahawak sa akin sa sobrang inis ko sa sinabi niya.

I heard him laughed. Sinimangutan ko siya. Ang kanyang daliri na bahagyang kumawala sa aking kamay ay dahan-dahang hinawakan muli ito. Nagkibit balikat siya at hindi parin mawala ang kanyang tawa. Kulang nalang ay sumabog na ang aking ulo sa inis.

"She's younger than me..." Bahagya niya ako hinila para makapaglakad ng maayos. "Ako lang ang natatangi niyang best friend na lalaki. She's spoiled too. Ang gusto niya siya lang ang magiging babae sa buhay ko."

"Huh! Baka naman may lihim na pagtingin iyan sa'yo kaya ganoon nalang siya kung umasta?"

Hindi ko maiwasan ang pagkabitter ng aking boses. Tumikhim siya at mas lalo niya ako nilapit sa kanya.

"She doesn't like me. I'm sure of that." Tumigil siya saglit, para bang may malalim na iniisip. "Hanggang wala pa akong nagiging girlfriend, gusto niya siya lang babae sa buhay ko at papayag lang din siyang magkagirlfriend ako kung may napili na siyang babae para sa akin."

Napanguso ako. What he mean by that?

"I agreed with everything she wants dahil hindi ko rin naman nakikita ang sarili ko maging ganito kaseryoso pagdating sa pag-ibig. Not until, I found you."

Gusto ko pa sana lalo ngumuso para maitago ang aking pagngiti ngunit hindi ko na ito napigilan.

"Alam niya kapag may nililigawan ako. Sinasabi niya sa akin kung pasado sa kanya ang babaeng gusto ko. Kapag hindi, tinitigil ko na agad ang panliligaw ko."

"Kailangan ba talaga nakadipende sa kanya?"

Nagkibit balikat siya. "Iyon na ang nakasanayan namin? Maybe, I just don't want her to be mad kaya nagagawa ko iyon para lang maging masaya siya. I'm her big brother. I don't want her to be mad at me. Pero katulad nga ng sinabi ko, noon iyon. Bago ka pa dumating sa buhay ko. When I met you, everything has changed in an instant. Wala na akong iba pang naisip kung hindi ang mapasa-akin ka lang."

"Ibig sabihin ba niyan, napakilala mo na ako sa kanya? Alam niya niligawan mo ako at ayaw niya sa akin? Kaya ganoon ang ginawa niya?"

"Yes, kilala ka niya." Bumuktong hininga siya, bakas ang lungkot sa kanyang boses. "Dapat ay noon nanliligaw palang ako sa'yo napakilala na kita sa kanya but then everything went to fast at nalulon nalang ako sa katagang, tayo na. Kaya hindi ko kaagad naisip na ipakilala ka sa kanya. Kaya naging ganoon ang reaksyon niya."

Tahimik lamang ako. Yumuko ako habang umaakyat kami sa pangalawang palapag kung nasaan ang aking klase. Napansin ko ang tingin niya sa akin at lihim ako pinagmamasdan kaya naman inayos ko ang aking mukha, tinatago ang kung anong kalungkutan na aking nararamdaman.

"C'mon, it's just a misunderstanding. Nagulat lang iyon dahil nalaman niya magkasama tayo. Probably, she knew by now na tayo na. Don't worry, papakilala rin kita sa kanya para maayos na ito."

This One GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon