Kabanata 34

21 11 0
                                    

Kabanata 34: Best Friend

My year ender was great. I had my best moment with my boyfriend sa tuwing nagkakaroon ng pag-asa magkita. Noong magbagong taon ay nanatili nalang ako sa bahay, ganoon din ang kambal.

Hindi kami pinaalis ni tita Mae pagdating ng ika-31 ng Disyembre dahil delikado raw lalo na maraming nagkalat na paputok. Hanggang sa unang araw ng Enero ay hindi kami lumabas. Nanatili lamang kami sa bahay. Iilang araw pa ang lumipas bago nagpasya ang aming mga kamag-anak na bumalik na ng La Union.

"Asan si kuya Rexel?" Tanong ni Chandria paglapit niya sa hapag kainan.

Kakatapos lamang niya maligo at sumunod agad siya sa amin dito para kumain ng tanghalian. Pagkatapos nito ay mag-aayos na ng gamit sila tita para maka-uwi na sa kanila.

"Tulog pa. Puyat iyon dahil galing sa reunion." Ani tita Roan. Inabot niya ang kanin kay Chad. "Hayaan ninyo nalang magpahinga at magda-drive iyon mamaya..."

"Makakapagmaneho ba iyon? May hangover? Sabi ko sa'yo 'wag mo na iyon paalisin at ngayon ang uwi natin!" Reklamo ni tita Mae bago sumubo sa kanyang kinakain.

"Pabayaan mo na ang tao. Malaki na ang anak ko, kaya na niya kontrolin ang sarili niya. Just let him rest." Sumubo si tita Roan. "At isa pa, 'di naman natin siya kasabay umuwi..."

Napa-iling na lamang ako sa kaunting argumento na iyon ng magkapatid. Hindi nalang kami kumibo magkakapatid maski si auntie Biancx dahil baka lalo pa lumaki ang issue at baka isa-isahin pa kami ni tita Mae. Si wowa naman ay agad na iniba ang usapan.

Nagpatuloy lamang kami sa pagkain. Pagkatapos ay kami na magkakapatid ang naglinis ng lamesa habang abala na sila sa pag-aayos ng kanilang gamit. At nagising na lamang si Rexel habang hinihintay nila tita ang driver na dumating.

"Just update me, son, kung kamusta na ang sales natin..." Ani tita Roan. Bilin nito sa kanyang anak bago tumulak paalis.

Tumango si Rexel habang papalapit kay tita. He just wearing a boxer short and plain white t-shirt. Ang kanyang buhok ay nakatayo, halatang bagong gising. May tuwalya siyang nakasabit sa kanyang balikat.

"Baka roon na rin ako dumiretso, ma. Bumalik na rin sa trabaho ang mga tao roon. I'll do some checks of what's happening."

Ang driver naman ay nilalagay na ang mga gamit nila sa kotse at isa-isa na rin nagsilabasan sila tita Mae. Nakasunod naman kami sa kanila.

"Alright, that's great."

Naglalakad na rin palabas si tita Roan habang patuloy ang mga bilin sa kanyang anak. Panay ang lingon nito sa kanyang anak na nasa likod niyang naglalakad, inaalalayan siya lumabas ng aming bahay.

"Wag ka masyado magpakapagod at umuwi ka rin. 'Wag kalimutan kumain."

"Yes, ma. You don't have to worry."

"May aasikasuhin lang ako saglit sa bahay natin pagkatapos ay pupuntahan ulit kita sa condo mo. Baka silipin ko rin ang office mo roon."

"Sure, ma." Tumigil na sila sa paglalakad nang madatnankami rito. "Do you want me to fetch you? Kailan ka ba luluwas? And papalinis ko ba kwarto mo sa office?"

"No need, son." Umiling si tita Roan at humarap sa kanyang anak. "Papasama nalang ako sa ating driver or I can drive on my own."

"Ma, if you're thinking to drive yourself from La Union to Manila... I can certainly do that for you. Just tell me when."

"Rex, 'wag na. Just focus to our business. I can handle myself."

Napasinghap na lamang si Rexel at umiling. Alam niya na wala siya magagawa. Well, tita Roan grew up independently. Bata palang ay natutunan na niya tumayo sa sariling paa. She even wanted it that way kaysa sa kumakapit sa ibang tao. She's stubborn in that way. At sa pagkakaalam ko, ito rin ang nagustuhan sa kanya ng kanyang asawa.

This One GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon