Kabanata 4

86 26 0
                                    

Kabanata 4: Talo

Weeks have passed at ilang araw na rin kami tinuturuan ni Emil. Nang tanungin ko siya sa klase kung pwede ba magpatutor ay pumayag naman siya kahit na ba nababalot ng asaran ang klase namin. And I can't help it but to smile kasi bukod sa gwapo siya ay napakabait niyang tao and that's the reason why I adore him.

"Basta ang short cut lang pagsolve niyan ay ganito..." Turo niya sa amin isang araw. Tinuturuan niya kami kung paano magsolve sa isang Algebra topic na problem solving.

Halos hindi ako makaconcentrate dahil sa gwapo ng boses niya. His voice is husky. Sabi nila mahiyain daw itong si Emil kaya naman mahina lagia ng boses at iyon ang dahilan kung bakit husky ang boses nito. Kung siguro ibang tao ay kakainisan mo na dahil sa hina ng boses pero hindi mo iyon magagawa kay Emil. Kikilabutan ka sa tuwing maririnig mo ang kanyang tinig and you'll just fall in love with his husky voice.

Panay ang tango ko para masabi naiintindihan ko siya. Si Zara ay todo ang kinig siguro dahil hirap siya talaga sa Math halos ako ay nadidistract. Lagi ako nagpipigil ng hinga sa tuwing sinusulyapan niya ako habang nagtuturo at kapag natitigan ko na ang kanyang singit at mala-amo mga mata ay hindi ko alam kung paano ako magpipigil ng ngiti. I can't help it. Mala pusa kung titigan ang kanyang mata ngunit singit ito. Masarap parin titigan. Lalo ka pa mahuhulog sa tuwing tumataas ang gilid ng kanyang labi at lumalabas ang kanyang mga ngipin. Parang tinatamaan ang puso ko sa tuwing ngumingiti siya. Bumibilis ang tibok ng aking puso sa tuwing ginagawa niya iyon at lalo nawawala sa kanyang mga mata. I remember this is what I like about him. The innocent look of him everytime he smile.

Minsan, natatawa nalang siya at ngumingisi kapag may pinapasubok siya sa amin na sagutan dahil kahit anong turo niya sa amin, mali parin ang mga sagot namin. Hindi naman lahat mali pero kadalasan nagkakamali parin kami na para bang hindi pa namin kabisado ang tinuro niyang teknik. I can't help it but to laugh as well kahit na ba nakakahiya dahil may mga maling sagot ko. Siguro nadadala nalang din ako sa tuwing naririnig ang kanyang mga tawa. Kahit sa pagtawa niya ang gwapo pakinggan. Ang kanyang perpekto at pantay na mga ngipin na nagpapaganda sa kanyang ngiti dagdag pa ang mapupulang labi. Ang kanyang panga na mas lalo napapakita sa tuwing tumitingala ito o kapag naka-side view. Ang pinakapaborito ko sa kanya, sa tuwing sinusuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang kamay at sabay sabay bumabagsak ang kanyang straight na buhok. Parang feeling ko ang perpekto niyang tao.

"Alam ninyo na ha? Bukas bibigyan ko ulit kayo ng masasagutan para hindi ninyo makalimutan agad 'yung tinuro kong teknik." Anito. Tumayo na siya at nagligpit ng kanyang mga libro.

Tumayo na rin kami ni Zara at tumango ako sa kanya.

"Salamat ha?" Ani Zara.

"No problem." Ngumiti siya kay Zara at bumaling sa akin na nakangiti parin. "Sige, mauna na ako. May klase pa rin ako e."

Umalis na si Emil pero hindi parin nawawala ang ngiti sa aking mukha. Ang sarap magtatalon at tumili dito sa loob ng library. Kung pwede lang, siguro nagawa ko na. Kailangan pa ako hilahin ni Zara para gumalaw ako at maglakad na rin kami palabas ng library.

At dahil wala ako sa sarili, hindi ko namalayan na may papasok pala na estudyante kaya naman pagbukas ko ng pinto may natamaan akong tao. Nataranta ako bigla at bumalik sa katinuan dahil napansin ko napa-upo ang lalaki sa sahig at iniinda ang sakit. Mukhang malakas ang impact ng pagtama ko sa lalaking ito. Kaya agad ko siyang nilapitan.

"Hala sorry po!" Wala na akong paki kung may mga ibang tao sa paligid namin. I don't even know kung san napunta si Zara dahil parang nawala na siya sa aking tabi pero I don't mind. Alam ko andyan lang siya sa paligid. Kailangan ko muna maasikaso itong lalaking nabangga ko. Kung dalhin ko kaya siya sa clinic?

This One GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon