Kabanata 8

66 25 0
                                    


Kabanata 8: Messages

Emma S. Song: What are you talking about?!

Halos hindi ko na masundan ang aking paghinga dahil sa kaba na nararamdaman ngayon. How come? Gusto ko man lumingon para matignan kung nasa paligid lang siya ngunit nakalayo na kami sa school. Kanina pa ako nakadungaw sa bintana pero hindi ko man lang siya napansin nang nakaalis na kami! Hindi naman kalayuan ang school sa bahay namin kaya malapit na rin kami ni Emil makarating doon.

My whole system panicked because of that text! Hindi ko maintindihan. Paano niya nalaman? Nakita niya ba ako pumasok sa kotse ni Emil? Nakita niya ba na sabay kaming naglalakad sa school kanina? But the biggest questions of all, why does he act like that? And why do I react like this? Sumasakit ang ulo ko sa naiisip!

Hindi ako mapakaling patingin tingin sa aking phone para maghintay ng reply niya. Nararamdaman ko si Emil na sumusulyap sa akin pero hindi ko siya pinapansin. Alam ko napapansin niya na mukha akong namomoblema rito. Hindi ko lang siya kaya harapin dahil kapag nagtanong siya hindi ko alam sasagutin ko! Bakit nga ba ako nagpapanik? Bakit hindi ako mapakali? Ano naman kung nagchat siya ng ganoon? Wala naman ako ginagawang masama!

Dahil sa pagkawala sa sarili muntikan na kami lumagpas ni Emil sa subdivision namin. Buti nalang napansin ko ito agad at nasabihan ko siya lumiko na. Napapreno pa siya ng biglaan dahil dirediretso ang harurot ng kanyang kotse. He immediately apologize to me at tumango lamang ako sa kanya. Naintindihan ko naman and it's my fault. Ako ang wala sa sarili. Buti nalang naka-seat belt kaming dalawa.

Nakalimutan ko agad ang aking pinoproblema dahil nabaling ang atensyon ko sa pagsabi ng direksyon kay Emil. Pagpasok ng subdivision, may mga likuan pa bago makarating sa aming bahay. Tinuro ko sa kanya kung saan siya magkakaliwa. Dalawang kaliwa pa ang ginawa namin bago ko naituro ang aming bahay para mahinto niya ang kotse. Tinanggal ko ang aking seat belt at hinarap siya.

"Uhm, sorry maliit lang kalsada dito. Ang isang gilid ay ginagawa na nilang parkingan ng mga kotse at ito naman ay daanan. Iparada mo nalang ang kotse mo roon sa gilid." Tinuro ko sa kanya ang bakanteng daan sa right side sa harap ng maroon na Mitsubishi Adventure.

Tumango siya bago ako umalis sa kanyang kotse. Tinignan ko muna siya na sinubukan ipasok ang kotse sa tinuturo kong parkingan. Nang mapansin ko hindi na siya mahihirapan iparada iyon dahil maluwag at walang masyadong kotse ang nakaparada, kinuha ko na ang susi ng padlock ng aming gate.

Napasinghap ako habang papasok sa loob. Pinalitan ko ang susi na hawak ko para naman mabuksan ang pinto. Wala pa ang kambal. Mejo guminhawa ang pakiramdam ko dahil kapag andito ang dalawa panigurado tatadtarin nanaman nila ako ng mga tanong kung sino itong kasama ko at ako nanaman ang maiisipan na kulitin. Biglaan pa naman ito. Buti nalang din wala na dito si Tita Mae. Mga isang linggo pa siya nanatili dito sa bahay simula noong bigla siyang dumating kaya kaming tatlo ay parang robot ng isang linggo. Paggaling sa school, magaayos ng sarili tapos kailangan namin ipakita kay tita na nag-aaral kami. Pagkatapos kumain ng hapunan ay kailangan na magtoothbrush agad at matulog. Kinabukasan, dapat walang late gumising kung hindi sunod-sunod na salita ni tita ang maririnig sa umaga. Buti nalang at naging busy ako dahil sa nalalapit na Exam Week. Madaming mga group project pa ang dapat ipasa.

Pero may isa pa akong pinoproblema, anong magandang dahilan ang sasabihin ko kay Emil? Sinabi ko na kailangan ko umuwi ng maaga dahil andito na ang kambal at kailangan nila ako. Ngayon wala pa, hindi kaya mahahalata niya na kasinungalingan lang iyon? Na iba talaga ang rason ko kung bakit nag-aya agad ako umuwi?

Tinanggal ko ang mga kaunting kalat na nakapalibot sa aming sala para hindi naman nakakahiya sa bisita. Sa gitna ng aking pag-aayos ay narinig ko ang boses niya tinatawag ang pangalan ko. Lumapit ako sa may pintuan at nakita ko nakatayo lamang siya roon sa gate namin.

This One GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon