Kabanata 12

50 25 0
                                    

Kabanata 12: Only

Iginala ko agad ang aking paningin sa buong field pagkarating namin dito. Kasabay ng paglubog ng araw ay ang pagdami ng tao rito. Dahil sa event na ito, lumabas ang pagiging creative ng bawat isa. Ang iba pinaghandaan talaga ang kanilang mga kasuutan. Ang mga iba naman ay nakuntento na sa pagiging simple. May mga iba na nakapang kaswal na damit lamang at may pekeng dugo sa ilalim ng kanilang labi. Isang grupo iyon ng mga babae sa higher year. Hindi ko alam kung ayaw ba nila itong event o sadyang ayaw nila paghandaan ito masyado.

Malaki ang field ng school namin. Kadalasan dito nagaganap ang mga ibang laro tuwing Intrams katulad nalang ng mga Pilipinong laro at paglaban ng cheering sa bawat kurso. Dahil maliit ang gym namin, dito rin nagaganap ang mga pageant show sa aming unibersidad. Nilalagyan lamang nila ng stage sa harap. Katulad ngayon, nilagyan din nila ng stage dahil siguro may emcee at may program na ginawa ang Student Council.

Sa gilid ng harap ng stage ay nakahilera ang iba't ibang booth. Ang unang booth para sa mga Engineers ay ang Hena booth. Simple lang ang sakanila. Sapat na laki ng kanilang placard na nakasulat, "Henna Booth"

May lamesa lamang at dalawang upuan. Ang isa kung san nakaupo ang naghehenna habang sa tapat na upuan nito ang lalagyan ng henna. May nakalatag na clear book sa lamesa kung saan makakhanap ng disensyo na gusto mo ipalagay. Lahat ng disensyo ay related sa Halloween. Lahat Engineering ay nakabampira na kasuutan. Siguro ito ang naging usapan nila at pambawi dahil masyadong simple ang kanilang booth. Kaya malalaman kung sino ang mga Engineering. Maski siguro ang mga higher year na babaeng nakita ko kanina na may mga pekeng dugo sa pisngi ay mga Engineering.

Ang nasa tabi ng Henna booth ay ang booth namin. Ang ITCSO o ang IT at CS department ay nakaisip ng Photo booth. Meron kaming lamesa na gawa sa kahoy. Sa harap nito nakasulat ang aming booth, "Photo booth w/ thrill" gamit ang orange na pintura. Sa gilid ng aming lamesa ay mga Pumpkins na may hugis na mukha at may kandila sa loob para maging ilaw sa gabi na ito.

Sa likod ng aming lamesa ay ang lugar para sa photobooth. May malaking itim at makapal na tela para maging background. Nilagyan nalang namin ito ng white spider web sa itaas at may mga nakadikit na pekeng gagamba. Meron din mga nakapalibot na Christmas light na ang tanging ilaw lamang ay pula para maging lahid sa pagkuha ng litrato.

Sa kaliwang gilid nito ay may kabaong gawa sa illustration board. Ang puting parte ng illustration ay kinulayan namin ng itim at konting disensyo para magmukha talagang kabaong. Nakatayo lamang ito para pwede upuan ng mga magpapakuha at magpanggap na sila ang nasa loob ng kabaong. Ang sa taas nito ay may nakasulat na R.I.P gawa sa pulang pintura. Sa kanang gilid naman ay may sofang puti at nakaupo na skeleton. Hiniram namin iyon sa lab, buti nalang at napayagan ang mga higher year na officer sa org. namin na hiramin ito. Napapalibutan din ito ng spider web at Christmas light. May kaunting space sa tabi ng skeleton kung saan pwede umupo roon ang gusto magpakuha.

May props din kami na pwedeng gamitin kung ayaw nila umupo sa kabaong o hindi naman kaya sa tabi ng skeleton. Ang iba't ibang props na ito ay kanya-kanya naming desenyo. Sa mga stick na nakadikit ang iba't iba disensyo na pwede gamitin sa photobooth. Merong balbas, itim na balloon thought na nakasulat sa loob ay "Boo!" at "Treat or Trick" at simpleng mga letra na nakasulat ay, "Happy Halloween" at marami pang iba.

Ang iba disensyo ay hindi kailangan ng stick para magamit katulad nalang ng witch hat, lapida na gawa rin sa illustration. Kinulayan lamang namin ito ng kulay gray na pintura. May nakasulat na R.I.P sa taas at panakot na disenyo sa baba at gilid nito, mga pekeng dugo na kunwari nahuhulog. May malaking butas sa gitna nito kung saan pwede ilagay doon ang mukha ng tao at magmukhang sa kanya ang lapida na ito.

Nasa harap sila Yosef at Andrei. Sila ang mga nagpapalista ng mga gusto sumubok sa aming booth. Sa gilid ni Andrei, merong isang bowl kung saan puno ito ng mga goodies pang treat or trick namin sa kanila. Kuha sila kung gusto nila.

This One GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon