Kabanata 10

77 24 0
                                    

Kabanata 10: Kills

"Naloka ako roon! Akala mo talaga..." Tawa ng tawa si Jojo habang naglalakad kami.

Kakatapos lang ng huli kong exam para ngayong Midterm. At ang subject na iyon ay sa section nila kaya sila ang kasama ko.

Kakalabas lang namin ng room at ngayon naglalakad kung saan. Hindi ko alam kung ano balak nila ngayo'y tapos na ang Exam Week. For sure mag-aaya sila magmall or tumambay somewhere para makapagunwind. We always do this tuwing end ng exam. Buti nalang din sa section nila ang huling exam ko, atleast nakakasama ako sa unwind na ito.

Habang naglalakad palayo sa aming room, hindi na namin napigilan na pagusapan ang isa namin kaklase na nahuli magcheat sa gitna ng exam pero nagawa pang makipagsagutan sa aming proctor.

"Siya na nga gumawa ng kasalanan, siya pa 'dyan ang galit!" Ani Andrei

"Kaya nga e, hayaan ninyo makakarma rin iyon!" Aniko. "Swerte nga niya ang bait ng naging proctor natin e."

"Siguro akala niya madali lang siya makakatakas kasi mabait proctor natin." Duktong ni Yosef. "Hindi niya alam, magaling manghuli si Ma'am!"

Nabuo nanaman ng tawanan sa amin. Hindi naman sa masasama kaming tao or bully kami but we just can't help it to talk about those kinds of things.

Ang tao kapag nagkamali, matuto tumanggap dapat ng pagkakamali nila hindi iyon pride pa ang dapat pairalin. I do believe pride is not a bad attitude at all. It helps one person to fight for oneself. It could help people to stand up on their own. Ayun nga lang, sana alam ng mga tao kung san ilulugar ang sariling pride. Hindi iyon ikaw na nga ang mali, ang laki pa ng pride. In the end, kapag talo ka... Napapahiya ka pa.

Just like our classmate earlier... Imbis na umamin nalang siya sa pagkakamali niya, kinalaban pa niya proctor namin kahit kitang-kita na nagkokodigo ito. Sa huli, napatunayan ng proctor namin sa ginagawa niya kaya siya rin ang napahiya. Our other classmates started gossiping and laughing at him. Naging usap-usapan tuloy siya.

Pero sino nga ba ang makakapagamin sa kasalanan na nagawa? All of us may attempt in doing something wrong and I know deep inside of us, we're not actually proud on doing it kaya para san ang pag-amin? Para mapahiya? Pero ano pa ba ang mas nakakahiya? Iyong umamin ka sa maling nagawa o pagpilitan na hindi iyon nagawa kahit na ba kitang-kita na ang kamalian?

That's the hard thing for people. And with this kind of situation, most of the time people think pride will give them solution. Na ito ang pwede nila gamitin para makatakas sa kamalian. Of course, wala naman tao ang gusto matalo at mapahiya kaya pride nalang ang nagiging kakampi sa huli.

"Nakakaawa si Edward! But hell, kasalanan din naman niya." Ani Zara.

We're not laughing anymore pero hindi parin nawawala ang inis namin dahil sa kinilos ng kaklase namin.

Pababa na kami sa ground floor. Nagiging maingay na ang paligid namin dahil madaming estudyante sa baba. Siguro ay mga tapos na ang exam nila. Hanggang 5pm lamang ang exam pero may mga ibang subject na 7pm pa ang tapos kadalasan mga senior ang nageexam ng ganoong oras.

Naglalakad na kami papuntang Cafeteria nang natigilan kami bigla dahil nakasalubong namin si Emil kasama ng mga iba niyang kaibagan. Papalabas sila ng Cafeteria ngayon.

Gumala pa ang paningin ko sa mga kasama ni Emil. There's Lester, JD and Alden. Palihim ako suminghap nang mapansin hindi kasama ni Emil ang isa pa niyang tropa.

Sa totoo lang, isang grupo talaga kami nila Emil. Nang pumasok ako sa klase nila, kasama ni Emil sila Ally.

The first time I saw Emil nagkacrush na ako agad sa kanya at palihim ko na siya tinitignan sa tuwing nasa section nila ako. At isang beses nang nagkaroon ng grouping, naging kagrupo ko si Harlene and that was the start of our friendship hanggang sa sinama na niya ako sa grupo nila.

This One GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon