Kabanata 37

14 5 0
                                    

Kabanata 37: Truth

Hindi na ako mapakali pagsakay namin ng taxi. Ito pala talaga ang rason kung bakit gusto ni Andrew sabay kami umuwi dahil nakausap niya ang kanyang best friend at nakumbinsi na pagusapin na kaming dalawa.

But then, he doesn't want me to disturb dahil alam niya ito nalang din ang bonding na magagawa ko with my friends that's why he's willing to wait for me at ginawa niya iyon while playing basketball. Ewan ko lang kung paano ang naging usapan nila ng kanyang best friend. Mukhang sa tingin ko ay ayaw niya maghintay lalo na kung ako ang haharapin niya.

Me:

Baka gabihin ako umuwi. Kayo na bahala sa dinner ninyo.

Text ko sa kambal habang bumibiyahe kami ni Andrew. Pareho ko sila sinendan ng mensahe para masigurado na makarating sa kanila na gagabihin ako. Baka hintayin pa nila ako.

Sabay ako nakatanggap ng reply mula sa kanila. Hindi ko tuloy sigurado kung magkasama ba sila ngayon o may mga sariling lakad nanaman ang mga ito.

Christian:

Okay, noona. 👌

Chandria:

Uki. Enjoy sa date ninyo! 😉

Napalunok ako sa mensahe ni Chandria. Ang isang ito, kung alam lang niya kung ano talaga pinagdadaanan ko ngayon....

Umayos ako ng upo. I don't know what to feel. I feel uncomfortable. I feel uneasy. It feels like something is wrong. Para bang ramdam ko na ngayon palang na hindi magiging maganda ang kakalabasan ng gusto mangyari ni Andrew. Or maybe I'm just being paranoid again?

Naramdaman ko ang pagpatong ng kamay ni Andrew sa aking hita. Hinawakan niya ang aking kamay at hinaplos ang likod ng aking palad gamit ang kanyang hinlalaki. Napasulyap ako sa kanya. Pansin ko kanina pa rin siya tahimik. I wonder, kung ano ang tumatakbo sa isip niya ngayon. Kinakabahan din ba siya?

"Uhhhm, andoon na ba raw ang best friend mo?" Tanong ko sa kanya para mapawi ang nararamdaman kong kaba at ang katahimikan na nababalot sa amin.

Nilingon niya ako.

"Papunta na rin..."

Tumango na lamang ako sa sinabi niya at tumingin sa bintana. Pinagmasdan ko nalang ang mga nadadaanan namin building at kotse. Hinayaan ko siya paglaruan ang aking kamay.

Nanatili kaming tahimik buong biyahe. Mejo natagalan pa kami dahil sa trapik at mga nadaanang stoplight. And then, we headed to somewhere where I don't know where this is. Nauna na ako bumababa kay Andrew habang siya ay naiwan sa loob para magbayad ng aming taxi.

Pinagmasdan ko ang paligid. Madilim na. Tanging mga crickets ang maririnig dahil tahimik lamang dito. This place is so quiet. Malayo na ito sa city. Ang restaurant na napili ni Andrew ay ang tanging andito, sa paligid nito ay puro puno na. Hindi ko namalayan kung paano ba kami nakarating sa malabundukin na lugar na ito. Siguro, sa dami kong iniisip wala na ako naging paki sa aming dinaanan. I absentmindedly looked at the window.

Naglakad ako papunta sa may tuktok nito kung saan tanaw ang buong city. The view is beautiful. Maganda pagmasdan ang mga ilaw mula roon na para bang tumitingin ka sa napakaningning na mga bituin.

I still wonder kung bakit dito nais ni Andrew na pagkitaan kami ng kanyang best friend. Ayaw ba niya may makakita sa amin kung nasa syudad kami? Natatakot ba siya na baka magkagulo at may madistorbo kaming ibang tao?

Napatingin ako sa nag-iisang restaurant na narito. Dahil sa transparent na mga salamin ay kitang kita na wala gaanong tao sa loob. Kita talaga that this restaurant is really for fine dinning. Hindi ko na natapos ang pagmamasid sa lugar dahil naaninag ko si Andrew na palapit na sa akin.

This One GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon