Kabanata 11

67 24 0
                                    

Kabanata 11: My

"What's up?" Bungad sa akin ni Genesis. I already know what's up because of his evil smile. Alam ko na agad kung ano gusto niya sabihin.

Nasa gitna ako ng pagasikaso ng budget namin para sa gaganapin na event dito sa school. I'm the treasurer of our organization at isa kami sa mga naghahanda para sa Halloween party na mangyayari rito.

Well, ang bawat organization naman ay kasama sa event na ito. Bukod sa mga Student Council officers na nagaasikaso para sa buong event, naatasan din ang bawat org. na magkaroon ng mga sariling pakulo para mas lalo maging kaaliw aliw ang naisip nilang event.

Each organization should have a booth na dapat related sa theme which is Halloween. Pero ang bawat naisip na pakulo ay hindi pwede ipaalam sa kabilang organization. That's the thrill they want to happen. Gusto nila maging supresa ang bawat booth na gagawin.

Ang tanging may alam lang tungkol sa naisip ng bawat organization ay ang mga Student Council lamang. Sa kanila namin sasabihin ang naisip na ideya para matulungan nila kami sa pagasikaso nito at para maayos din nila na walang mauulit na booth.

Ito ang napagmeetingan pagkatapos ng Exam Week namin. Kahit na ba nakakainis dahil nagtuturo na agad ang mga propesor buti nalang kahit papano magkakaroon ng pahinga ang pagiging estudyante namin at guro nila kahit isang araw lamang dahil sa event na ito.

Nakakapagod din dahil nasa gitna ako ng pag-aaral at pagasikaso sa organization namin pero kahit papano nageenjoy naman ako. Hindi ko ata kakayanin na bente quatro oras ako nag-aaral! Napagtanto ko na ito ang benepisyo sa pagiging officer. Pwede ito gawin paraan para makatakas kahit saglit lamang sa pag-aaral. May rason ka para tumigil mag-aral. May rason para aliwin ang sarili sa ibang bagay at hindi masyado mamoblema sa pag-aaral.

Buti nalang napasa ko lahat ng exams ko noong Midterms at lumabas na rin ang result ng aming grades, lahat ng subject ko pasado. I even got a higher score sa Math and I'm very thankful for Emil because of that. Mas lalo ko siya gusto ayain lumabas para man lang pasalamatan siya but not right now, I'm busy.

Natigil ako sa aking ginagawa dahil masyado nakakadistorbo ang malisyosong ngiti ni Genesis. Nilapag ko ang ballpen na aking hawak pati na rin ang mga perang binibilang ko. Umirap muna ako bago ko siya pinasadan ng tingin.

"I know what you're thinking right now! Mali iyang iniisip mo, Genesis!"

I know what he's thinking. Alam ko ang balak ng kanyang mga ngiti. Alam ko ang balak ng kanyang iniisip. Alam ko ang balak ng kanyang sasabihin kaya uunahan ko na siya bago pa niya masabi ito.

"Really?" Tumaas ang isang kilay niya, naghahamon.

Nakatayo lamang siya sa aking harap. Nakahalukipkip habang nakahilig sa table kung saan ginagawa ko ang trabaho ko. I'm peacefully working here earlier before he came! Ngayon ko lang ata hindi nagustuhan ang pagtambay niya dito.

"There's nothing wrong about it!"

"I know..." Nagkibit balikat siya, hindi parin nawawala ang mapang-asar niyang ngiti. "But it doesn't mean wala na iyong malisya..."

Napairap ulit ako. Ang sarap niyang tawanan. Actually, lahat sila masarap tawanan. Isang malakas na sarcastic laugh!

"Kayo lang naman nagbibigay ng malisya e..." Binalik ko na ang aking tingin sa papel kung saan nirerecord ko ang mga nagastos at magiging gastusin namin para sa mga darating na araw.

"Kasi kamali-malisya naman talaga!"

Napatingala ako nang maramdaman ang pagtayo ni Genesis. Nakangiti parin siya sa akin. Hinila niya ang upuan sa aking harap at umupo atska binalik ang paghilig niya sa lamesa ng nakahalukipkip. Napa-iling lamang ako.

This One GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon