Kabanata 20

49 18 0
                                    

Kabanata 20: Umpisa

"Uy!" Alog sa akin ni Ally. Nagulo tuloy ako sa aking iniisip. "Kanina ka pa tulala dyan ha? May problema ba?"

"Wala!" Agaran kong sabi.

"Parang meron." Ani Pia. Halata sa kanyang boses ang pag-aalala. Nilingon ko siya at nginitian para masigurado na wala nga akong problema.

"Wala nga." Tumigil ako saglit. "Iniisip ko lang kasI kung ano kaya magiging resulta ng grades ko? Sana umabot pa sa quota para hindi mawala scholarship ko."

Hindi na ulit nila ako kinulit kaya mukhang naniwala naman sila sa akin. Sumang-ayon naman sa akin si Harlene at sinabi na ito rin ang kanyang pinoproblema kaya napunta na ang aming usapan tungkol dito. Buti nalang.

"Oh, ayan na mga chichirya na pinabili ninyo sa akin." Ani nang kakalapit lang na si Genesis.

Andito kami ngayon sa meeting room ng aming organization. Pinagtipon-tipon kami dahil may panibago nanamang event na dadating. It's not actually going to happen here in our campus pero bilang pagsuporta sa aming branch ay nagkaroon ng maiksing meeting para rito.

Kakatapos lamang ng aking klase kaya rito muna ako tumambay. Tapos na rin ang meeting pero wala pa akong balak umuwi. Naghihintay lamang ako ng sundo kaya hindi pa ako umaalis.

Nilapag ni Genesis sa lamesa ang iba't ibang chichirya na pinagkautusan na bilhin niya. Bago pa siya pumunta rito ay tumawag siya sa akin kung pwede ba makitambay at dahil tapos na rin ang meeting ay pinapunta ko nalang siya. Pero bago pa kami makapagpaalam sa isa't isa ay agad na nagpahabol ang aking mga kasama na dumaan muna siya ng cafeteria para bumili ng pagkain dahil mga gutom na sila, mga tinatamad ding lumabas kaya nang utos nalang. Buti nalang pumayag si Genesis. Well, sabi naman nila babayaran nila ito pagdating dito. At iyon ang unang ginawa niya, pagkatapos nilapag ang mga nabiling pagkain sa lamesa ay siningil niya agad ang mga ito.

"Ang damot mo naman Gene! Hindi ba pwede libre nalang?" Ngumiti si Ally habang nakapikit at nakatingala kay Genesis na para bang makukuha niya ito sa pagcucute.

Napa-iling nalang ako at ngumisi. Knowing Genesis? Mga babae lamang niya ang uubra sa mga libre. Kaming mga kaibigan niya kahit anong gawin namin hindi makakatikim ng libre galing sa kanya!

"Ano ka, chix ko? Bayad!" Nakalahad na ang kamay ni Gene at naghihintay na may lumapad na pera roon.

"Panget!" Tinignan ito ng masama ni Ally at inirapan bago kumuha ng pera sa kanyang bag.

"Iniisip ko pa sana hindi banggitin iyong bayad hanggang makalimutan!" Ani Pia. Kumukuha na rin siya ng pera sa kanyang wallet.

Tinawanan lamang sila ng aming magaling na kaibigan! I told you so.

"Ako makakalimutan ang utang? No way!" Natatawang aniya. "Kung chix ko kayo pwede pa kasi pwede ko naman ipalit iyon sa ibang bagay..."

Sabay-sabay kami napalingon kay Genesis. He smirked at tinaas baba niya ang kanyang kilay. Damn this man!

"Ew!" Sabay na sabi naming apat.

"Mahiya ka nga sa sinasabi mo!" Iritadong ani Harlene pero may bakas parin doon ang biro.

"Oh, bakit?" Humalakhak siya. "Hot naman kaya katawan ko!"

Sinapak ko na sa braso! Ayaw mo tumigil ha!

"Maghulus dili ka nga!" Sa akin na siya ngayon nakaharap. "Hapon na hapon nababangungot kami rito!"

"Tsk. Tagal na natin magkakaibigan hindi pa kayo sanay? Anong klase kayong mga kaibigan parang hindi tunay e!"

This One GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon