Kabanata 9

61 26 2
                                    

Kabanata 9: Waiting

Andrew Martin Fernando: You're with someone else....

Andrew Martin Fernando: Kung may date ka dapat sinabi mo sa akin!

Andrew Martin Fernando: Why you have to lie?

Andrew Martin Fernando: I just hate liars

Ilang segundo na ako nakatunganga sa aking phone, isa-isa binabasa ang mga mensahe niya.

Andrew Martin Fernando: Bakit hindi mo sinabi? Okay lang naman e, now you look like guilty... You're not replying to me.

Andrew Martin Fernando: Now you're not replying....

Umiling-iling nalang ako nang mabasa iyon. I'm not guilty! Hindi ko lang talaga namalayan dahil masyado ako naabala dahil may bisita ako! At dahil na rin sa pagrereview!

Alam ko wala ako ginawang masama but damn why am I sweating like I'm in hell habang binabasa ang kanyang mga mensahe? Ang lakas ng kabog ng puso ko!

I know what I'm doing but how come he can turn everything upside down?! Bakit dahil sa mga sinasabi niya sa akin ay ganoon na ang nararamdaman kong ginawa ko kahit hindi naman?

I didn't mean to lie! Biglaan ito at hindi ko naman alam na nakita niya kami. If this was all plan up then I'd probably tell him the truth, na hindi ako makakauwi at may gagawin pa o kaya mag rereview kami ni Emil sa bahay namin, dahil for the past days na nagkakachat kami ganoon ang gawain namin kaya I don't understand him kung bakit bigla nalang niya ako pinagbintangan ng ganoon! Can he atleast ask first what happened?

Andrew Martin Fernando: You should've said it....

Andrew Martin Fernando: Hey

May isang mensahe pa ang ganoon din ang laman. Napasinghap ako. I can't believe this!

Andrew Martin Fernando: Alright, just enjoy....

At iyon na ang huling mensahe niya sakin. Nakatitig parin ako sa aking phone. Patuloy ang pagiscroll down kahit na ba iyon na ang pinakadulo. Malapit ko na mabato itong phone ko dahil sa frustration!

Umubo si Chad.

"Mukhang may nagseselos..." Pinaghalong pagseseryoso at mapang-asar ang boses niya sa sinabi.

Napalingon ako sa kanya at nakita na palihim niyang tinitignan ang aking phone. Did she saw all of that?

Agad ko nilapit ang aking phone sa may dibdib ko para hindi niya makita kung ano man meron sa screen ng aking phone. Tumawa lamang ito sabay lingon sa kanyang kambal. Tinuro niya ito.

"Si kambs! Mukhang may pinagseselosan!" Humagikgik si Chad bago ako lingunin muli.

Her eyes are full of mysteries. Makikita mo sa kanyang mga mata na madami siyang alam na hindi namin alam na alam niya. It's like she'll know about our deepest secret without us telling her what it is. Well, I can say she's an observant. Pagmasdan lang niya ang mga kilos ng tao then she'll know what's up.

"Iyon ang rason kung bakit siya napilitan na lumapit kay Dea!" Aniya na para bang nadiskubre lamang niya ito.

"Selos?" I said it as if there's something. More than about Chan. Something about....

"Yes, unnie." Lumingon siya kay Chan then pabalik ulit sa akin. "Well, usap-usapan sa tropa niya na sinagot na daw ni Dea iyong matagal na niyang manliligaw..."

"Paano nakasigurado na sinagot talaga? Malay ninyo sabi-sabi lang?"

"Nope," Humalukipkip si Chad. "Si Alfonso-"

This One GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon